You are on page 1of 1

Maligayang Kaarawan Aking Ina

Sisimulan ko itong aking tula sa pagbati ng maligayang kaarawan.


Hindi ko man alam lahat ng inyong pinagdaanan.
Ang mga sakripisyo na iyong naranasan.
Upang ako ay mabuhay at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Ang inyong mga pagtitiis at paghihirap upang kami ay maalagaan.
Upang mapaayos ang buhay at magkaroon ng mga pangarap.
Upang hindi ko maranasan ang hirap na dinanas mo ng inyong kapanahunan.
Alam kong mahirap ang tungkuling inyong ginagampanan.
At sa sitwasyon nyu di kayo pwedeng sumuko kasi iniisip nyo ang aming mga kapakanan
Parati nyu kameng iniisip at ang aming magiging kinabukasan.
Kaya Di nyu iniinda ang ano mang hirap na inyong nararanasan.
At dahil ngayon ay inyong kaarawan.
Gusto ko na kayo ay mapasaya kahit isang araw man lamang.
Nay nanay inah mama mommy. Gusto kong malaman mo na wala man akong materyal na bagay
na maibibigay nasa puso ko kayo magpakailan man. At ako ay nagpapasalamat dahil mayroon
isang tulad nyu na natatangi kong yaman.
Yaman na hinding hindi maaring palitan.
Utang ko sa inyo ang aking buhay
ang buhay na ngayon ay punong puno ng kulay.
Maraming salamat sa lahat lahat sa lahat ng iyong sakripisyo at paghihirap.
Hindi man ako mabuting mga anak sisikapin naming makapag tapos at maabot ang aming mga
pangarap.
Sana ay masilayan at makasama ko na ulit kayo ina
Maraming salamat sa lahat nagmamahal anak.

You might also like