You are on page 1of 2

Vincent Joseph R Tasarra

#MalayonaperoMalayopa
Bakit ba natin nasabi na malayo na pero malayo pa kasi malayo na ang ating narating,
malayo na ang ating napuntahan ,malayo na ang mga bagay na ating napagdaanan kaya talagang
masasabi nating malayo na. ngunit bakit ba natin nasabi na malayo pa? kasi malayo pa tayo sa
katotohanan o malayo pa tayo doon sa ating hinahangad o ang ating mga pinapangarap. Sa
mundo natin hindi ganun kabilis o kadali ang pagkamit ng mga pangarap o ng ating mga
hinahangad bakit nga ba? kasi ang mundo natin ay lumalago o umuunlad.

Dahil sa paglago at pag-unlad ng ating mundo ay tumataas na rin ang kanilang standard o
pamantayan sa bawat tao na kanilang pinapasok o pumapasok. Ang kanilang tinitingnan ay kung
ano ang nakuha o nakamit ng isang tao. dito pa lamang malalaman na natin na talagang malayo
pa tayo dahil kung sa pamantayan lang ay hindi pa tayo pasok o hindi pa tayo tanggap sa totoong
mundo.

Tama! malayo na tayo kaya dapat nating isipin, lagi nating itanim sa ating puso na malayo na
tayo , malayo na ang ating narating ngunit sa layo na iyon ay hindi pa rin sapat upang maabot
ang ating inaasam. Dahil malayo pa tayo sa mga bagay na hindi pa natin nararanasan marami pa
tayong haharapin na iba't iba kahirapan sa buhay, kasama na ang pakikisalamuha sa ibang tao na
mga nakaabot na ng kanilang pangarap o inaasam. Hindi pa natin alam kung anong takbo ng
realidad ng mundo dahil tayo'y nakakulong pa lamang sa loob ng paaralan, doon pa lamang
umiikot ang ating mundo malayo pa ngunit alam ko malayo din ang aming mararating.

Nagsimula ako sa isang simpleng pangarap, pangarap na inaasam ko lamang napagdating ng


araw ay aking makamit at aking mabigyang kasiyahan ang aking magulang yun lamang ang nais
ko noon. Ngunit dahil sa layo na ng aking nilakbay at sa layo na rin ng aking mga pinagdaanan
unti-unti kong nalalaman na parang nagbabago na ang pananaw ko ngayon kesa sa dati dahil sa
pataas ng pataas ang pamamtayan ng bansa pagdating sa kanilang mga trabahador ninanais nila
na dapat ang kanilang mga tauhan o empliyado ay tapos sa kursong naiiugnay sa kanilang
negosyo.

Sabi ni jose rizal kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit parang nakikita ko na ang mga kabataan
ngayon ay unti-unti ng lumalayo sa sinasabi ni jose rizal dahil ang kabataan ngayon ay mas
naglalaan na lamang ng oras sa ibang bagay kaysa sa magtapos at iahon ang sarili upang maging
isang ganap na miyembro ng mundo halimbawa ko na lamang ang aking karanasan dahil ako
noon ay sinasabihan din ng mga katulad ko ay lumalayo na sa tinutukoy ni jose rizal ang tingin
sa akin ay hindi na pag-asa ng bayan kundi isa ng pangit man sabihin ngunit para akong
itinuturing na isang salot sa lipunan matagal na itong ipinaramdam sa akin ngunit hindi ako
sumuko sa mga salitang ibinabato sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin bagkus ay ginamit
ko ito bilang isang motibasyon at maipakita sa kanila na malayo ang aking mararating at hindi
ako tutulad sa kanila.

Naaalala ko pa yung sinabi sa akin ng aking kaibigan magtapos tayo kasi nilalait pa tayo ipakita
natin hindi tayo ang sinasabi nilang lumalayo sa sinabi ni jose rizal ipakita natin na tayo ang
hinaharap ng mundo tayo ang magpapaunlad ng kanilang mga iniwan ipakita nating hindi natin
sa sayangin ang kanilang sakripisyo at ang kanilang paghihirap lalo na't alam naman natin na ang
mundong ito ay hindi nabubuti ang pamantayan ay tataas pa nagtataas n ngunit sa ating bansa
dito ko'y napagtanto na parang iba ng ating pamumuhay kaysa sa ibang bansa I halimbawa na
lamang natin sa america na kung saan nandoon ang ang mga kilalang paaralan kuya marami sa
ating mga kapwa pilipino na doon piniling mamuhay at mag-aaral dahil sa ating bansa ay
mababa ang kalidad ng edukasyon kung hindi ako maaaring magkamali ay huli na lamang
naidagdag ang k to 12 curriculum dito ko naiisip kasalanan ba ng mga kabataan kung bakit
nakikita nila na hindi na sila ang tinutukoy ni jose rizal na pag-asa ng bayan malayo na ang
aming mga napagdaanan malayo na ngunit malayo pa.

Malayo na tayo ngunit malayo pa tayo doon sa nakamit ni taylor swift hindi naman hinahangad
na maabot din natin ang naabot niya ngunit kung ikukumpara ay napakalayo pa na mukhang
imposible ng makamit sa mundong ito hindi lahat pantay-pantay lalo na sa ating kaisipan hindi
lahat nakasusunod iba'y naiiwan o napag-iiwanan dahil mahina ang isip malayo na malayo na
sila sa mga pangarap na kanilang inaasam noon kaya talagang malayo pa malayong malayo pa.

Sa makatuwid ang nais iparating ng malayo na pero malayo pa ay huwag tayong sumuko sa ating
pakikipagsapalaran ngayon sa makabagong mundo at sa pagbabago pa nito dapat ay mapanatili
natin ang ating kakayahan at kompanyansa sa sarili dahil tulad nga ng nasabi, malayo na ,malayo
na tayo doon sa luma nating kaispan sa luma nating mundo ngunit kahit sa layo nito ay malayo
pa rin sa katotohanan, kaotohanang imposible na matapos o makamit ang bagay na ating
inaasam.

You might also like