You are on page 1of 3

Estudyante: Sajo, Avon V. Guro: Sir Armando Dardo Jr.

BSED-SCIENCE 2 Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT)

Paglisan

Sa bawat araw ng aking paghinga di ko akalain na ako'y mangangangapa.


Estudyanteng umaasang balang araw ay makapagtapos.
Ngunit paano nga ba? Baka sa huli ako ang matatapos.
Sa unang semester ng akademikong taon na ito, halos di ko kakayanin ang mga
gulo.
Mga gulo tulad ng mga pag aaralan ko, mga asignatura at proyekto, dagdagan pa ng
mga guro na pagka istrikto.

Sabagay, ang lahat ng ito ay para sa tinatawag na kinabukasan ko.


Kung kaya’t sa ayaw ko at sa gusto titiisin ang mga pagsubok at hindi susuko.
Upang sa pagdating ng tamang panahon ang tagumpay na inaasam asam ay
makakamtan.
Ngunit, tanong ko lang sa aking pagtatapos sa kursong pinag-aralan, ako ba’y
magtuturo sa lupang sinilangan o lalayo doon sa lugar kung saan ako ay yayaman?

Madami sa atin ang ninanais na makaahon sa kahirapan.


Kung kaya’t karamihan ay naglalayon na ang migrasyon ang magiging
kasangkapan.
Kasangkapan na makalayo sa buhay na puno ng paghihirap.
Nakakalungkot man sa migrasyon ay sasabak at haharap.

Ang paglayo sa buhay na nakasanayan ay isa sa pinakamasakit na maaari mong


makamtan.

At sa migrasyon kung saan ang mga tao ay lilipat ng tirahan papunta sa ibang lugar
ngayon ay talamak.
Tingin niyo ba ang Pilipinas ay magkakaroon pa ng buhay na di hamak?
Di hamak na yayaman o di hamak na lalong mahihirapan?

Akala ng iba pag nasa ibang bansa ka nagpapakasarap ka.


Totoo naman dahil alam mong pinaghirapan mo yan.
Ang hindi nila alam, halos ikamatay mo na ang kalungkutan.
Dahil sa paglisan sa mga mahal mo, buhay na nakasanayan mo at minsan kahit pa
ang sariling angkan.

Kaya’t ating pakakatandaan na hindi sa lahat ng panahon ay puro sarap lamang.


Ang tagumpay ay nangangailangan ng masidhing damdamin.
Kaya naman tayo bilang estudyante ay mag-aral ng mabuti at maging totoo sa sarili.
Sikaping gawin ang mga gawain sa sariling paraan at hindi nakikigaya lamang.
Dahil ang paglisan sa paghahagad ng magandang kinabukasan ay may kaakibat na
Estudyante: Sajo, Avon
kalungkutan V.
o pagdaramdam. Guro: Sir Armando Dardo Jr.
BSED-SCIENCE 2 Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT)

Ang Paglisan sa Inang Bayan

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay mayroong 119 106 224 na dami ng tao. Nasa
panglabing tatlong posisyon mula sa 195 na bansa sa buong mundo kung ang pag-
uusapan ay ang dami ng populasyon. Kaakibat nito ay ang padami ng mahihirap sa
bansa. Isa sa mga pangunahing lunas ay ang pagkakaroon ng trabaho. Subalit
napakasaklap ng katotohanan na hindi ito natutugunan ng maayos ng ating
gobyerno. Kung kaya’t karamihan sa ating mga kapwa Pilipino ay nangingibang
bansa. Masakit man sa kalooban na lisanin ang lupang sinilangan, kahirapan ang
nag-udyok upang ito’y iwan.

Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao mula sa isang pook papunta
sa iba pang pook. Ito ay maaaring panandalian o pangmatagalan, pansamantala o
permanente. Marami ang mga dahilan bakit ito ay nangyayari. Kung ang kailangan
ng isang tao ay kumita ng Malaki sila ay nangingibang bansa upang ito ay
makamtan. Ang iba naman ay maaaring nakakaramdam ng banta sa kanilang
kaligtasan. Dahil sa kagustuhang makasama ang kanilang pamilya na sa ibang
bansa na rin naninirahan. At ang iba naman ay sa kagustuhang mag-aral sa ibang
bansan upang makakuha ng mataas na uri ng edukasyon. Hindi natin masisisi ang
mga taong gugustuhing umalis sa kanilang bansa sa kadahilanang sila rin o maging
tayo ay may nais ding marating sa buhay. Ayon sa kalkulasyon mayroong mahigit
kumulang na 2 milyon na ofw sa buong mundo noong 2021 at patuloy itong
tumataas dahil na rin sa pagtaas ng demand ng mga negosyante sa ibang bansa na
nakakaakit sa maraming Pilipino na umaasang makabangon sa lugmok ng
kahirapan. Hindi naman lahat sinisuwerte sa kanilang napuntuhan subalit patuloy pa
rin ang pagdami ng mga OFW. Kung patuloy ang paglobo ng migrasyon maaari ding
makakaapekto ito sa ekonomiya ng bansa. Ito ay sa kadahilanang maaaring
magkaroon ng pagbawas ng mga manggagawang Pilipino sa mismong bansa natin.
Hindi rin maipagkakaila na marami sa ating skilled at talentadong propesyonal ang
nangingibang bansa na humahantong sa tinatawag natin na “brain drain”.

Kaya naman sa mga kabataan ngayon nawa’y maintindihan natin ang tunay na
ipinahihiwatig ng salitang migrasyon. Upang magkaroon tayo ng malawak na pang-
unawa at mabalanse ang mga disisyon bago lisanin ang lupang sinilangan. At ating
pakakatandaan na sa bawat pag-ikot ng mundo may dalawang uri lang tayo na
pagpipilian: tama o mali, mabuti o masama, maganda o pangit, mayaman o mahirap,
sa madaling salita tayong lahat ay nabubuhay sa aspeto ng buhay na may dualidad.
Lisanin man natin ang lupang sinilangan nawa’y hindi natin makakalimutan ang ating
pinagmulan.

You might also like