You are on page 1of 1

Cathlea Mae V.

Malayba
BSMA 2102

Ang kahirapan ang isa sa napakahirap solusyunang problema ng bansa. Sa


aking pamumuhay, mayroong ilang maaaring mga sanhi ng kahirapan ng bansa. Isa na
ang pagiging impulsive buyer nating mga Pilipino. Alam ko sa aking sarili na padalos-
dalos ako sa paggastos, hindi pinaplano kung saan dapat gastusin ang pera. Kadalasan
ay inuuna ko ay ang aking mga kagustuhan, kaya naman madalas din ay kinakapos sa
pera para sa mga kailangang bagay. Ang isa pa ay ang maagang pagkakaroon ng
pamilya. Marami ang mga kabataang napabilang na sa teenage pregnancy. Bilang mga
kabataan pa lamang, hindi sila ganoong kahanda sa mga gastusin na kailangan nilang
kaharapin. At karamihan sa mga maagang nagkakapamilya ay mga kabataang nag-
aaral pa lamang o kaya naman ay mga hindi nakatapos kaya nahihirapan silang
makahanap ng trabaho pantustos sa gastusin. Ang aking dalawang sanhi na nabanggit
ay iilan lamang sa mga sanhi ng kahirapan at syempre ang bunga nito ay kahirapan.
Ang disempleyo ay kawalan ng trabaho at ang migrasyon ay ang paglipat sa
ibang bansa. Dahil walang maaayos na trabaho o hindi matanggap sa trabaho,
maraming mga Pilipino ang nasasadlak sa kahirapan imbes na makaangat. Sa
migrasyon, lumilipat ang iba nating mga kababayang Pilipino sa ibang bansa dahil sa
kahirapan, ay mas ninanais nila na manirahan na lamang ng permanente sa ibang
bansa kung saan mas maraming oportunidad para sa kanila.
Sa tinagal ng panahon, hanggang ngayon ay hindi pa rin malutas ang kahirapan.
Ngunit hindi dapat natin inaalis ang paniniwala na makakaalis tayo sa lugmok ng
kahirapan. Maaaring pagplanuhan na dapat muna ang mga bibilhin at huwag maging
impulsive buyer upang magkaroon ng sapat na pera para sa mga pangangailangan. At
kung sa pagkakaroon naman ng pamilya sa batang edad, maaaring pagsabihan pa din
ang bawat isa at pangaralan tungkol dito upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano
ang maaaring kahinatnan ng pagpupursigi sa kapusukan ng damdamin. Maaari pang
solusyon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng maraming oportunidad para sa trabaho,
na hindi nangangailangan ng nakatapos ng matataas na antas ng edukasyon. Dahil
karamihan ng mga Pilipino ay hindi na nakaabot pa sa mataas na antas ng edukasyon
kaya naman hindi agad sila matanggap sa trabaho. Higit pa dyan, dapat ay solusyunan
ang korapsyon sa gobyerno. Sa aking palagay, sa oras na masimulang masolusyunan
ang korapsyon ay magtutuloy-tuloy na ang pag-unlad ng Pilipinas at pagpigtas sa
pagkakatali nang kahirapan.

You might also like