You are on page 1of 2

Isang Talumpati ukol sa Ating mga

Domestic Helpers
Naranasan mo na bang malipasan ng gutom o di kayay
kumain ng panis na pagkain? Bagamat hindi lahat, ay
minsay nangyayari ito sa ating mga domestic helpers.
Ano ba ang domestic helper? Ang domestic helper o
domestic worker ay ang tawag sa isang tao na nagtatrabaho
sa bahay ng kanyang amo. Sila ay binabayaran ng maliliit na
halaga kapalit sa pagiging isang katulong sa tahanan. Sila ay
inuutusan na gumawa ng mag gawaing pambahay tulad ng,
pagluluto, paglilinis, pagmamaneho, paglalaba at iba pa.
Sa panahon natin ngayon, ay lalung dumami ang bilang
ng mga taong nagiging domestic helpers. Bakit kaya? Isang
salita lang ang sagot nito. Kahirapan.
Nang dahil sa sobrang kahirapan ay pinag-aagawan na
ang posisyon ng pagiging DH o domestic helper sa ibang
bansa. Hindi na pinag-iisipan kung ano ang maging
sitwasyon na haharapin paglabas ng bansa. Ang tanging
nasa isip nila ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya.
Ngayon, libu-libong mga Pilipino ang nangingibang
bansa upang maging domestic helper.
Dahil dito ay tinawag ang mga pinoy na the modern
times superman dahil sa kanilang kakayahang pumunta sa
anumang sulok ng mundo para lamang magkatrabaho.
Hahamakin ng isang Pilipina ang ilang mga bukid at dagat,
magkaroon lamang ng mas mabuting hanapbuhay sa
abroad.
Walang isang bansa sa mundo na walang Pilipinong
nakatira. Mula sa mga disyerto, ng Saudi, hanggang sa mga
nagyeyelong lugar ng Amerika. Most Filipinos are equipped

with great survival skills. Ito ang sabi ng taga ibang bansa.
Kaya daw nababagay tayo sa ganitong uri ng trabaho.
Nakalulungkot isipin ang sitwasyon na ito lalong lalo na
sa akin. Bakit ba ito nangyari? Maliban sa kahirapan,
malamang ito ay sanhi sa kakulangan ng edukasyon ng ating
mga mamamayan. Alam natin na sobrang mahal na nagayon
ang pagpapaaral sa kolehiyo, kaya kadalasan ay haiskul o di
kayay elementary graduate lang ang inabot ng nakararami.
Pero bakit wala pang trabaho ang ilang fresh graduates
sa ating mga unibersidad? Di nagtagal ay narinig ko na
lamang sa balita na nagiging DH nalang o di kayay isang
caregiver ang ating mga nurses. Ang malala pa ay registered
nurses pa ang ilan sa kanila.
Ramdam ang kaunlaran, mas malakas na
ekonomiya, ang sabi ni ating pangulo. Siya ba ay nababaliw
na o kayay nagbabaliw-baliwan lang? Kailan kaya natin
natikman ang kaunlaran sa ating bansa. Baka nasabi lang
niya iyon dahil hindi talaga niya naranasan kung ano ang
normal na buhay ng isang pamilyang pinoy.
Alam kong napapagod na tayong lahat sa mga
pangakong napapako nga ating pamahalaan. Pero huwag
tayong mawalan ng pag-asa. Alam kong matatalino at may
kakayahan tayong gumawa ng malalaking bagay na higit pa
sa pagiging domestic helper.
Naniniwala ba kayo sa kasabihang, Walang maaalipin
kung walang magpapaalipin.? Ito ang dapat nating
isaalang-alang.
Kaya nating umahon at maging propesyonal. Magtiwala
sa kakayahan an manalig sa Dios, at siya na ang bahala sa
lahat.
Kung kaya nila, ay kaya din natin pagkat tayo ay
Pinoy, handa sa anumang laban!

You might also like