Hindi lahat ng kabataan ay ipinanganak sa karangyaan, nakakakain ng
masasarap na pagkain o nakakapaglalaro ng magagandang laruan. Hindi lahat ng mga bata ay nakakapagsuot ng magagarang damit ni makapamasyal sa magagandang pasyalan. Bata pa lamang ay namulat na ako sa katotohanan na iba ang aming estado kumpara sa mga batang nakikita ko na ipinanganak na may “golden spoon” sa hapag ika nga. Bilang panganay, sa murang edad ay iminulat ako ng aking mga magulang sa kahirapan ng buhay, natuto akong mag- araro, magtanim ng gulay, pumasan ng gallon- galong tubig at ang magtrabaho sa ibang tao kahit kababae kong tao. Bagamat maliit ay hindi ito naging hadlang upang tumulong ako sa aking mga magulang sa gawaing bahay, sa pagbubukid o kahit pa sa pagbabantay sa aking mga kapatid. Masaya naman akong pumapasok sa paaralan kahit dalawang barya lang ang aking baon, tila’y sapat na ang kaning bigas at tuyong ulam sa isang musmos na bata, ang mahalaga ay nakakapag- aral ako. Isa sa mga di ko malimot- limot na parte ng aking kabataan noon ay ang pinag- aagawan naming ulo ng tuyo sa hapag, nilalasap ang sarap ng bagoong at pinagkakasya ang sabaw ng noodles na nilalagyan pa ng talbos ng kamote o di kaya’y sayote na sinansahog sa tutong na kanin. Payak man subalit masaya kung maituturing. Di alintana ang init ng araw at pagod sa maghapong pagbubukid lalo na kung nilagang saging at kamote na pinaparisan ng kaping bigas ang bumubungad sa aming pag- uwi. Sino ba dito ang nakaranas na chicharron lamang ang meron sa tanghalian? Kasi ako ito ang nakalakihan ko. Bagamat laki sa hirap ay hindi ito naging hadlang upang lumaki kami ng aking mga kapatid na pariwara at walang mudo bagkos lumaki kaming may takot sa diyos, marunong tumulong at sabihin na nating mabait. Nagsimula kami sa wala, binubuhay lang kami ng aming mga magulang sa pagbubukid at nagkakasya sa isang maliit na tahanan subalit puno ng pagmamahalan. Masasabi kong isa sa matitibay na tao ang aking magulang na nakilala ko sa tanang buhay sapagkat sa dami ng unos na dumating at sumubok sa amin ay eto parin kami solido at matatag. Isa sa mga sumubok ng aming samahan ay nang minsang magkasakit ang aking ina hindi siya makalakad at laging buhat-buhat ng aking ama, pabalik-balik sila noon sa ospital at isa sa pinakamasakit na katutuhanan ay wala kaming pera noon ni pagpapapcheck uutangin nalang sana wala pang malapitan. Bawat gabi dinig na dinig ko kung paano umiyak ang aking ina, mga gabing sukong- suko na ito subalit kailangan niyang tiisin sapagkat ayaw niyang iwanan ang mga anak. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan siyang nagtitiis ano ba naman ang magagawa ng sampung taong gulang. Sa awa ng diyos ay nalampasan namin ang dagok ng buhay naming na yaon. Bagamat nakahinga na ng maluwag- luwag ay hindi pa dito natapos ang aming problema sapagkat nabaon kami sa utang na akala naming ay mag- aahon sa amin sa kasalatan ng buhay. Napasubo ang aking pamilya na umutang sa isang ahensya upang gawing pansimula sa pagsasaka ginamit naming ang pera upang magtanim ng sayote di lingid sa aming kaalaman na pataas at pataas pala ang interes nito hanggang sa lumaki ang utang na iyon. Taong 2011, isa ito sa mga naging daan upang makahinga kami kahit papaano sa kahirapan, ito yung panahon na dumating ang pantawid pamilya program o mas kilala bilang 4pc. Isang prorama kung saan tinutulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng cash assistance. Isa ito sa mga nagpagaan sa aming sitwasyon. Sa tulong ng 4pc ay naitawid ko ang aking pag- aaral sapagkat nasusustentuhan nito ang mga kagamitang kinakailangan ko sa aking pag- aaral, hindi na kami namomoblima minsan kung saan naming kukunin ang pambili ng bigas o maging sa uulamin at iba pang pangangailangan namin. Naging daan ang pogramang ito hindi lang sa amin kundi maging sa ibang pamilya na humaharap sa realidad ng kahirapan. Sa awa ng diyos kasabay ng pagsusumikap ay paunti- unting naiangat naming ang aming katayuan ika nga “nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa”. Napagtapos ko ang aking pag- aaral hanggang sa senior high school ang sunod ko naming kapatid ay nakapag- aral sa cebu bilang isang iskolar. Hindi lang iyan sapagkat nagtapos akong may medalya ganun din ang aking iba pang kapatid hindi sa pagmamayabang subalit nabiyayaan din kami ng katalinuhan kahit papaano. Ang kagandahan nito ay bagamat nasa malayo nag- aaral ang aking kapatid ay patuloy parin ang kanyang allowance o benipisyo sa 4pc ako naman ay nakakuha ng iskolar sa kolehiyo sa tulong nito. Nakapasok ako sa tinatawag naming Tertiary Education Subsidy kung saan isa sa mga requirements nito ay ang pagiging membro ng 4pc ns siyang malaking tulong sa aking pag- aaral at maging sa aking magulang sapagkat hindi na sila nahihirapan kung saan kukunn ang aking tuition. Bunga ng mga pagsisikap ay nakakuha sila ng dulog na sasakyan na ginagamit naming sa pagdedeliber ng mga gulay o kahit pa sa paglalako ng samot- saring produkto. Hanggat may diskarte ay walang posible isa ito sa mga natutunan ko sa aking mga magulang habang tumatanda, hindi mo maikakaila sapagkat ng dahil sa kanilang mga diskarte ay nagawa nilang payabungin ang aming bukirin, at nakapagpatayo ng isang kainan dito sa amin na isang malaking tulong upang mairaos namin ang aming pamilya.ss