You are on page 1of 3

Pambansang Punong Rehiyon

Sangay ng mga Paaralang Lungsod


Distrito ng Caloocan North II
PAARALANG ELEMENTARYA NG SILANGANAN
Lungsod ng Caloocan
KASUNDUAN NG PAARALAN , MGA MAGULANG AT MAG-AARAL
Ako , si ____________________________________________________ nasa Baitang _______ Pangkat
_______
At naninirahan sa
___________________________________________________________________________________
Ay handing tumupad sa mga sumusunod sa alituntunin ng PAARALAN NG SILANGANAN .
A. KAAYUSAN
1. Pagpasok sa paaralan ng nakauniporme ayon sa itinakda ng paaralan.
2. Pagpapanatiling maikli ang buhok sa lalaki at nakatali naman sa mga babae na may
mahabang buhok.
3. Pagsuot ng I.D. na may sarili at tamang larawan.
4. Maging malinis at maayos sa pananamit at pangangatawan .
5. Iwasan ang pagsuot ng alahas at pagdadala ng mga gadyet sa loob ng paaralan gaya
ng cellphone, Ipad,tablet, at iba pang nakakakuha ng atensyon ng mga mag-aaral sa
halip na pagtuunan ang pag-aaral.
Sa unang pagkakataon na makumpiska ng guro ang mga gadyet, ipapatawag ang
magulang at ibabalik ito.
Kapag naulit pa ito sa pangalawang pagkakataon, ito ay ibabalik sa magulang
pagkatapos ng panuntunang taon.
B. PAG-UUGALI
1. Pagpasok sa paaralan araw-araw sa ganap na ika 5:45 ng umaga para sa PangUmagang Sesyon, at 11:45 pra sa Pang-Hapon na Sesyon.
2. Pagbibigay galang sa Pambansang Watawat at Pambansang Awit (Lupang Hinirang),
mga guro, kapwa mag-aaral , at sa lahat ng bumubuo ng pangasiwaan ng paaralan
kasama na ang utilities at guwardiya.
3. Paglabas lamang sa oras ng klase kung may importanteng pangangailangan sa
kapahintulutan ng guro at tagapatnubay.
4. Pagsangguni sa guro o tagapatnubay ang anumang gusot o problemang
kinasasangkutan.
5. Pagpapanatili ng kalinisan ng loob at labas ng paaralan at susundin ang kasabihang
Basura ko Iuuwi ko
6. Pagsasagawa ng takdang aralin at mga proyekto na pinapagawa ng guro.
7. Pagsasauli ng hiniram na aklat at pagbabayad sa mga pananagutang pinansyal kapag
huminto o lumipat sa ibang paaralan.
8. Pagbibigay alam sa paaralan ng dahilan ng pagliban sa pamamagitan ng sulat o
pagsadya ng magulang. Kung ang magulang ay magpupunta sa paaralan sundin ang
oras na maaaring pumasok sa paaralan.
C. MGA PINAGBABAWAL
1. Pagkalat ng anumang basura sa loob at labas ng paaralan
2. Pagsulat, pag-uukit at paninira ng mga aklat , upuan, mesa, dingding, pader at iba
pang pag-aari ng paaralan.
3. Pakikipag-away , pananakot , panloloko, pagmumura sa kapwa mag-aaral.
4. Pagbibisyo sa droga , pagsusugal , paninigarilyo , pagnanakaw at pagdadala ng mga
nakalalasing na inumin .
5. Pag-anib sa mga samahang hindi kinikilala ng paaralan tulad ng Fraternity Tropa
at iba pa ,
6. Cutting classes , paglilibot , paglabas pagpasok sa silid aralan sa oras ng klase

7. Paninira at pagbubunot ng mga halaman na nakatanim sa paligid ng paaralan.


8. Pagpunta sa paaralan sa araw ng Sabado , nang hindi naman pinapupunta ng guro.
9. Pag-ihi saan mang lugar ng paaralan maliban sa palikuran o comfort room.
10.Pagbabanta laban sa kapwa mag-aaral sa loob ng paaralan .

11.Pagdadala ng kahit anong uri ng armas , tulad ng baril , patalim (kutsilyo) O anumang
matutulis na bagay na makakasakit o nakamamatay sa loob ng kampus o silid aralan.
12.Pagdadala , pagbabasa o pamimigay ng mga malalaswang babasahin , at panood ng
malalaswang panoorin sa cellphone .
13.Sapilitang panghihingi ng anumang bagay sa kapwa mag-aaral.(pangongotong).
14.Pagbubura o paghuhuwad ng mga dokumento .
D. SA MGA MAGULANG
1. Mahigpit na ipinatutupad na ang mga magulang ay kailangang dumalo sa lahat ng
pagpupulong na gaganapin sa paaralan.Kung sakaling makatanggap ng sulat na galling
sa Guidance Teacher o Teacher-Adviser ang inyong mga anak, huwag po ninyo ito
ipagwalang bahala,bagkus kayo ay magsadya agad sa paaralan.
2. Hindi pinapayagan sa pumasok sa loob ng paaralan ang mga magulang na naka-short ,
sleeveless,spaghetti at sando .
3. Kung nais makipag-usap sa mga guro ng inyong mga anak , humingi muna ng
appointment o schedule sa guro .
4. Hindi po pinapayagan ang mga magulang na makipag-usap samga guro sa oras ng
klase.
E. Mga kaparusahang Isasakatuparan ng Paaralan sa Pagsuway sa alin mang alituntunin at
Kautusang Nabanggit
1. Panagutin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapalit o pagbabayad sa
anumang bagay na nasira o naiwalang pag-aari ng paaralan.
2. Ipatawag at ipabatid sa mga magulang kapag lumabag ang anak sa alituntunin
3. Magrekomenda o magpataw ng mga sumusunod na kaparusahan ayon sa bigat ng
kasalanan
a. Gastusan ang anumang nasaktan na kapwa mag-aaral o anumang nasirang gamit
ng paaralan
b. Suspensiyon
c. Pagpapalipat sa ibang paaralan

Kusang loob akong lumagda bilang pag-sang-ayon sa mga itinakdang alituntunin ng


paaralan sa taong pampaaralan 2015-2016.

_______________________________
Lagda ng Mag-aaral
Magulang

_________________
Petsa

_________________________
Lagda ng

______________________________
Gurong Tagapayo

MA.ROSLYN N. ARANAS
EDUARDO
School Guidance Teacher

Pinagtitibay : G. ANGELO L.
Punongguro

You might also like