You are on page 1of 1

Pangarap

Magandang araw sa atin lahat, Ako si Jerwin Malazzab. Calanoga,22 yrs, Mula sa Maura Aparri, Cagayan.
Maraming salamat sa pagimbita sakin. Ito ang kwento ng pangarap ko.

Simula bata ako, alam ko na ang mga pangarap ko sa buhay. Kayo ba may pangarap ba kayo? Libre lang
mangarap Ika nila, kung kayat mangarap ka lang araw -araw. Ang pangarap ay parang binhi ng puno,
pagitinanim mo ito sa matabang lupa at didiligan ay magiging matayog at magiging mataas na puno,
gaya rin ito ng mga pangarap natin, tayo ang binhi at ang lupa ay ang paaralan at ang pandilig ay mga
karunungan. Maging Isang guro ang pangarap ko nuon bata ako, dahil gusto kong makatulong sakanila
para maging ilaw sa mga pangarap nila. Ngunit hindi ito naging madali para sakin, maraming akong
pinagdaanan na halos isuko ko ang aking sarili, nawala ang dedikasyon at ilaw ko, pero hindi ako
SUMUKO, lumaban ako hanggang makamit ko kung nasan man ako ngayon. Patuloy ako nangangarap
para sa magulang at kapatid ko. Madapa kaman sa iyong paglakad,ika'y tumayo at magpatuloy. Dahil sa
pursigido akong makapagtapos upang maging Isang ganap na guro sa hinaharap, Anak ng magsasaka at
labandera, kahit anong mangyari patuloy akong lalaban para sa pangarap kong buhay para kina mama at
papa.

Kabataan lumayo kayo sa mga masamang gawain, iwasan ang mga ito, naway magsilbing gabay ang
talumpating ito para ipagpatuloy niyo ang mangarap at lumaban. Ika ni Rizal, Tayong mga kabataan,Ang
pag-asa ng bayan. Para sa Pangarap, para sa hinaharap at para sayo ang laban.

You might also like