You are on page 1of 3

CABARUAN INTEGRATED SCHOOL – NAGUILIAN DISTRICT

ARANGKADA!
A – Ako na binago ng Cabaruan Integrated School para sa
RA – Rasong maging inspirasyon ng bawat
KA – Kabataang may matayog na pangarap na
DA – Dahilan ng patuloy na pagsisikap tungo sa matagumpay na hinaharap!

Arangkada! Tawanan mo lang ang iyong mga problema


Daig mo man ang kuba sa bigat ng iyong dala-dala.
Kapatid, huwag mong isuko ang laban na nasimulan na,
Bagkus tanggalin mo yang mga kadenang nakagapos sa ‘yong mga paa,

Arangkada, tama na ‘yang puro pahinga.


Bumangon ka na diyan sa kinahihigaan mong kama ng pagdududa.
Hindi uso ngayon ang pagiging tamad,
Halika na’t Samahan mo akong lumipad!

Arangkada! Ngayong panahon ng pandemya wala ng para-para,


Kalimutan na yang dala-dala mong problema.
Isiping lagi mo siyang kasa-kasama
Ang gabay nating si Bathala.

Oo, alam kong pagod ka na


At sa mga mata mo’y pumapatak na yaring mga luha.
Ngunit magpatuloy ka lang sap ag-arangkada,
Balang araw, pangarap mo din ay maipipinta.

Ako ay isang batang CISian,


Hinubog at mas pinaangat ng mahal kong paaralan
Na laging nangangakong ako’y tututukan
At sa gitna ng pandemya’y ‘di iiwan.
CABARUAN INTEGRATED SCHOOL – NAGUILIAN DISTRICT
New normal, panahon na binago ang sistema ng pag-aaral.
Marami na ring estudyante ang ikinasal,
Pilit na binura ang salitang pag-iral,
Laging dinadahilang sila raw ay nasasakal?

Oo, hindi na ito ang dating mundo.


Napalitan na rin ang tradisyunal na pagtuturo,
Sistemang nagpapabigat sa mga estudyante at guro,
Ngunit kailanman ‘di magpapatalo at sabay-sabay tayong matututo.

Sa pagkakataong ito mayroon akong napagtanto,


Na sa mga kaganapan sa mundo
nating unti-unti nang nagiging delikado,
Ay walang sapat na rason para tayo’y huminto.

Halika na’t tayo nang umarangkada!


Mga kabataang may tunay na pagkakaisa,
Sumisimbolo sa inspirasyon at pag-asa,
Uusad sa gitna ng pandemya.

Pandemya, pandemyang isang malaking sagabal,


Pilit tayong sinasakal,
Inaapektuhan na rin ang ating mabuting asal
At ang ating pag-unawa’y pinapabagal

Hanggang kalian ito matitigil?


Pag-aaral ay kunti-konti nang kinikitil.
Ilang mga estudyanteng nagiging inutil
Ang masakit pa dito’y walang pumipigil.

Dapat na tayong magbago!


CABARUAN INTEGRATED SCHOOL – NAGUILIAN DISTRICT
Problema’y solusyunan mo.
Pag-aaral ay h’wag mong isuko
‘Pagkat kinabukasan mo’y nakataya dito.

Ikaw! Oo, Ikaw!


Na nakikinig ngayon.
Dapat ng bumangon!
Ipagpatuloy ang iyong edukasyon
Tara na’t maging ilaw ng mahal nating nasyon.

You might also like