You are on page 1of 2

PAGOD KA NABA?

By: Razul Mike Abutazil

Oo, tanong yan.


Tanong yan na magpahanggang ngayon
Hindi parin mabigyang kasagutan
Walang kasagutan, sapagkat diko alam paano bibitawan
Alam mo yon?
Dimo maiwan-iwan
DLL
Reports
Lesson Plan
Ilan lamang sa mga bagay na di maiiwasan
Di-maiiwasan, at di rin pwedeng sukuan.

Oo, ang daming problema, ang daming struggles in life.


Ang, gulo-gulo, alam mo yon?
Ngayon okay ka, masaya ka.
Maya’t-maya, problemado na.
Buhay nga talaga, nakakatawa.
Tanong ko nga, pagod kana ba?

Oo, isa akung guro


Isang local board na mahigit limang taong nagtuturo
Na magpahanggang ngayon ay umaasa
Umaasa’t, habang may bukas may pag-asa.

Oo, saksi ang mga baha.


Na minsan ako’y lumuha
Sa hirap banaman ng buhay
Minsan, mga pa’ay laging nasa hukay.
Alam kung hindi madali,
Alam kung mahirap,
Alam kung nakakapagod, ngunit kailangan kung lumaban.
Sapagkat, may pamilyang laging naka-abang.
Naka-abang.. na balang-araw makakamit ang matamis na kinabukasan, sa mapait na
kahirapan.

Ma’am, Sir;
Oo, ikaw na isang guro, mapa
Permanent,
Contractual or
Temporary kaman.
Ngunit, patuloy ka paring lumalaban sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Makinig ka!

Oo, alam kung apat na taon mong ginugol ang iyong sarili sa kolehiyo.
Para lang makatanggap ng kakarampot na sweldo at sang katutak na kalyo sa mga daliri
mong, pagod na,
Pagod ng magsulat.
Bumuklat, bumuklat ng mga hindi naman nagagamit na aklat.
Ubos na, sa mga kailangang kagamitan ang sahod.
Sahod, na siyang nagpapakilig ng yong sarili, ngunit,
Hawak-hawak mo palang saiyong daliri, nawala na naparang bula.
Loan
Utang
Classroom
Lahat yan, lahat yan sa sahod kinakaltas.
Hindi pa sa bahay natatapos ang sinimulan mong pagod.
Pagkagising lesson plan agad ang hanap.
Bago matulog, lesson plan parin ang kausap.
Mahirap.
Oo, mahirap maging guro.

Kumusta na nga ba ako? Ikaw? kumusta kana rin ba?


Kumusta na nga ba tayo?
Pagod kana ba?

Oo, nakakapagod maging guro.


Nakakapagod maghabol sa mag-aaral na hindi interesadong matuto.
Nakakapagod makiusap at mangulit sa isang bagay na sila naman ang makikinabang.
Ang hirap nilang turuan.
Magbasa,
Magbilang,
Mag-sulat,
Lalo pat may ibat-ibang pangarap.
Ugali,
Pinagmulan,
Lenggwahe.
Araw-araw kang nangangapa ng tamang pag -atake.
Minsan akala mo’y kabisado na ang kulubot nilang utak.
Pero ang akala mong sigurado’y.
Isa lamang ulit palpak.
Subok lang ng subok at pag nagkamali, sumubok lang muli dahil…
Wala namang madal.
Sa pagiging guro, habang nagtuturo, ikaw ang natututo.

Pero kahit mapaos pa.


O, matuyo man ang laway.
Pagtuturo parin ang pipiliin kong buhay.
Dahil kailangan,
Kailangan kung turuan ng matematika ang mga inhinyero, kailangan,
Kailangang hasain sa pangangatuwiran ang mga abogado, kailangan
Kailangang malaman ng mga doktor ang siyentipikong mundo, kailangan
Kailangang turuan ko silang makipagkapwa tao.
Maging, masikap at matiyaga sa pag-abot sa mga pangarap.

Kaya, sa mga kapwa ko local board teachers na naririto ngayon.


Laban lang guys.
Laban lang sa buhay, dahil

Oo, Kailangan nila ako.


Kailangan nila tayo.
Kailangan ako ng mundo.
Kailangan tayo ng mundo dahil
Oo, guro ako.
Oo, guro tayo.

You might also like