You are on page 1of 2

AKO AY MAGTATAPOS NG PAG-AARAL

Bilang isang estudyante, minsan na rin bang sumagi sa inyong isipan ang mga katanungan na “sa
araw-araw na ako’y pumapasok sa paaralan, saan kaya ako patungo?” “kakayanin ko kaya
kompletuhin ang pag-aaral sa loob ng labing-pitong taon? Hindi ba’t ito ay nakaka-stress at
nakakapagod lamang? Hindi ba’t ito ay nakakasawa at aksayado lamang sa oras at mas
magandang kumita na agad para mabuhay? Iilan lamang yan sa mga katanungan na limit na
sumasagi sa aking kaisipan, ngunit sa bawat ito ay naitatanong sa sarili, isa lang din ang aking
nasasabi: AKO AY MAGTATAPOS NG PAG-AARAL!
Opo, AKO AY MAGTATAPOS NG PAG-AARAL. Sa panahon ngayon ito ay madaling
sabihin pero mahirap tuparin, ngunit aking sisikapin. Sisikapin kong matapos ang aking pag-
aaral. Kahit alam kong napakahirap na maging estudyante, pumapasok kahit konting baon
minsan nga ay wala pa, maraming pagsubok,o challenges tulad ng mga mahihirap na
assignments, ibat ibang activities, tasks, quizzes, exams na malimit ay nagkakasunud sunod na.
Mga reports na pinaghihirapan. Mga proyekto na pinagpupuyatan. Mga reviewers na iniiyakan at
minsan sumasabay pa mga problema sa tahanan. Alam ko na bawat nadadagdagan ang ating
yugto o level sa pag-aaral, ay siya ding pagdami ng ating Gawain at responsibilidad sa paaralan.
Minsan nakakatakot isipin. Kakayanin ko kaya matapos itong junior high? Kakayanin ko kaya
makapagtapos sa senior high? At higit sa lahat kakayanin ko kaya makapagtapos sa kolehiyo?
Ang mga ito ay iilan lamang na aking dinaramdam, ngunit kasabay nito, akin ding naiisip: hindi
lang naman ako o tayong mga mag-aaral ang lumalaban at nagsisikap dito. Isipin din natin ang
mga tao sa ating paligid na naghihirap para sa atin. Tulad ng ating mga guro. Ating mga dakilang
guro na nagsikap din nag-aral at nakapagtapos para lang tayo ay mahandugan ng kaalaman. Sila
din ay na iistress at napapagod gumawa ng mga lectures, exams, quizzes at marami pang iba para
lang tayo ay matuto. Isipin nalang din natin ang ating mga magulang. Ating mga huwarang
magulang na nagsusumikap mag trabaho, nagbabanat ng buto, nagsasakripisyo at naghihirap sa
abroad para lamang tayo ay kanilang mapag-aral. Kaya sa bawat tayo ay nakakaramdam ng
pangamba, takot, pagod, sa puntong gusto na natin sumuko, isipin lang natin yung mga tao na
nagtitiwala sa atin, nagsusumikap para sa atin, naghihirap para sa atin. Alam kong hindi sila
naghahangad ng anumang magarang kapalit, kundi ito ay makita lang nila tayong MAKAPAG-
TAPOS NG PAG-AARAL. Pinakamasarap na regalo ang pagtatapos sa pag-aaral.
Pinakamagandang regalo natin ito sakanila na mananatili kailanman.
Kaya kapwa ko mag aaral walang masama ang mapagod, basta hindi susuko kahit minsan
tayo ay nahihirapan, basta’t tayo ay maging masikap at matiyaga, walang imposible. Patuloy
tayong mangarap. Mangarap makapagtapos at magkaroon ng masaganang buhay sa hinaharap.
Alam ko, at alam natin lahat balang araw tayo din naman ang magbubunga at mag-aani ng lahat
ng ito. Kaya kapwa ko mag-aaral, sabay-sabay nating sabihin na “AKO, IKAW, TAYONG
LAHAT AY MAGTATAPOS NG PAG-AARAL”!

You might also like