You are on page 1of 2

Buhay Estudyante

Isinulat ni: Keona G. Aranguren

Isang magandang araw sa ating mga guro, mga bisita at mga mag-aaral.
Hindi lamang pag-aaral ang inaatupag ng isang "estudyanteng" katulad
natin at hindi lamang sa paaralan umiikot ang ating buhay. Mayroon pa
tayong iba't ibang responsibilidad sa bahay, sa simbahan, sa lipunan, at sa
sarili.
Hindi madali ang maging estudyante. May mga araw sa paaralan na hindi
natin maunawan agad ang mga araling tinalakay sa klase. Natatambakan
tayo ng mga gawain sa paaralan. Mabilis tayong matukso na magbabad na
lamang sa social media at sa iba pang distraksyon imbis na matupad ang
ating mga gawain pag-uwi sa bahay. Madalas tayo magprocrastinate at
magCRAM. Kasabay ng lahat ng ito, ang ilang estudyante ay mga
manlalaro din sa iba't ibang isports. Ang iba, may mga club na sinasalihan
at inaasikaso at ang iba naman, malayo ang biyahe mula sa paaralan
hanggang sa tirahan. Paminsan-minsan, pumapasok sa ating mga isip ang
mga tanong, "Ano ang kukunin kong kurso sa kolehiyo? Paano na ang
buhay ko pagkatapos ng pag-aaral?" Mayroon din tayong mga
responsibilidad sa bahay katulad ng pag-aalaga ng mga kapatid, mga
gawaing bahay, at pakikisama sa pamilya. Kasama rin siguro sa ating mga
To-Do na listahan ang ating mga responsibilidad sa simbahan.
Ang lahat ng ito ay pagsasabay-sabayin natin ngunit, dapat may nakalaan
parin na oras para sa sarili at sa pagpapahinga. 'Wag nating lalagpasin ang
ating makakaya at 'wag natin papabayaan ang ating pag-aaral. Dapat natin
inuuna ang mga bagay na mahahalaga at mayroon tayong disiplina at
determinasyon sa sarili.
Sa sarili kong karanasan sa mataas na paaralan, araw-araw akong
bumabiyahe ng tapuac mula sa carael. Marami talagang bago at mahihirap
na tinatalakay sa klase, gawain sa paaralan, iba't ibang klase ng proyekto,
at mga pagsusulit. Sinisikapan kong gamitin ng mabuti ang lahat ng aking
libreng oras sa paaralan na matupad ang mga takdang aralin upang
magkaroon ng oras para sa pamilya, sa Diyos, at sa sarili pag-uwi sa
bahay. Nagtitiwala at nagdedepende ako sa ating Maykapal sa lahat ng
ginagawa at pinagdadaanan ko. Sa tabi ng lahat ng bigat ng loob,
kahirapan, at pagod, alam ko na tutulungan at gagabayan Niya ako. Kaya
kayo, lahat tayo, kakayanin natin ito. 'Wag natin isipin na isang abala ang
pag-aaral. 'Wag din tayo matakot na abutin ang ating mga pangarap at
'wag na 'wag tayong susuko. Ako po si Sharmine Sam C. Escosio at ito
ang buhay ng isang estudyante. Maraming salamat po at magandang
hapon.

You might also like