You are on page 1of 1

Tekstong Persweysib

Kung tatanungin mo ang isang bata tungkol sa kanyang pananaw sa pag-aaral,


ay malamang sa malamang na sasagutin ka nito kung paano nakakapuwerwisyo ang
pag-aaral at ang kagustuhan nitong makapagtapos na lamang. Hindi naman sa lahat ng
mga bata ang may pananaw na ganito ngunit ang iba, o karamihan ay nakapag-isip na
ng ganito. Kahit ako man ay nakaisip na ng ganito at ang kagustuhan kong ipabilis ang
takbo ng panahon at huminto lamang sa graduation day ko. Kung iisipin ay wala
namang masama kung ikaw ay nakararanas ng ganito, ngunit sa pagtagal ng panahon
ay may mga napagtanto rin akong iba pang mga bagay. Kung masobrahan naman sa
pag-iisip ng ganito ay baka magsisi lamang sa huli dahil sa hindi pagsulit sa panahong
nakalipas.

Sa mga mata ng isang estudyante, malaking abala at stress na ang hinahatid ng


pag-aaral sa bawat araw na tayo ay nasa eskwelahan, at kung minsan pa nga ay
umaabot din ito sa ating tahanan. Kaya’t mahirap para sa iba na makita ang mabuting
dulo ng karayom. Ngunit, higit pa sa mga pagsusulit, higit pa sa mga gawain, at higit pa
sa stress at mga problemang dala nito ay hindi dapat natin kalimutan na tayo ay may
binubuo ding mga magaganda. Mga magagandang pagkakaibigan at mga alaalang
hindi basta bastang mabubura.

Sa likod ng paghihirap ng mga estudyante ay karamay nila ang mga taong


tinuring na nilang pangalawang pamilya, ang kanilang mga kaibigan at mga kamag-aral.
Dapat nating ialaala na sa likod ng paghihirap ay may tinatago ding saya habang sabay
sabay na tintahak niyo ng iyong mga kaibigan ang mga pagsubok sa paaralan. Kahit na
natatabunan na ng mga di pagkakaunawaan at ng mga gulo ang mga masasayang
alaala, ay dapat din nating pagpasalamatan ito sapagkat ito ay nakapagturo sa atin ng
mga mahahalagang leksyon tungkol sa aming pagkakaibigan at lumabas kaming mas
matatag at mas nagtitiwala sa isa’t isa.

Kaya’t kung tayo ay parang sinakluban na ng langit at lupa dulot ng ating mga
problema sa paaralan ay huwag nating kalilimutan ang kabilang panig ng barya, na
kalakip ng paghihirap at kalakip ng kalungkutan ang kaligayahan. At sapat na ang mga
ito upang matutuo rin tayong mahalin ang ating paaralan.

You might also like