You are on page 1of 2

BUHAY ESTUDYANTE

Para sa akin ang pagiging estudyante ay sadyang makabuluhan dahil dito na halos umiikot ang ating
buhay at nagsisilbing pangalawa nating tahanan. Ito ay isang pagsubok na dapat natin harapin at may
mga tungkulin din tayong dapat gampanan. Ito ay isang malakingresponsibilidad para sa atin.

Ang buhay ng estudyante, minsan masaya at minsan naman ay malungkot. Iba't iba ang klase ng
estudyante, merong mabait at meron din namang matigas ang ulo. May estudyante na pagkagaling sa
paaralan sa bahay kaagad ang diretso. May estudyante namang kung saan-saan pa pupunta. May
pupunta sa mall, sa computer shop, at kung saan-saan pa. May estudyante namang puro aral lang ang
inaatupag. Pagkagaling sa paaralan libro pa rin ang kaharap sa bahay, gumagawa ng assignment o
project at nag-aaral para sa quiz o exam o di kaya para sa susunod na lesson

Masarap ang maging estudyante. Dahil dito hinuhubogpa lang tayo para madagdagan ang ating
kaalaman at upang malaman kung hanggan saan ang ating kakayahan. Bukod pa rito ay makakakilala pa
tayo ng mga panibagong kaibigan na makakasama natin sa araw-araw at mga guro na matiyagang
nagtuturo sa atin na tinuturing natin pangalawang magulang sa paaralan.

Minsan may kalokohan din naman nagagawa. Hindi naman natin maiiwasan yun dahil bahagi na yun ng
ating buhay bilang isang estudyante. Kung minsan naman ay hindi natin inaalam kung hanggan saan ang
ating limitasyon. Marami na tayong nagagawa na hindi tama, tulad ng pagcucuting klase para gumimik,
mag-inom at ang iba naman ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Minsan nakakasawa rin maging estudyante kasi sa isang buong araw sa paaralan lang umiikot ang buhay
mo. Pagkagising sa umaga ay kakain at malilgo lang at pagkatapos ay aalis na at pupunta na sa paaralan.
Pagdating ng hapon, pagkauwi mo gagawa ka na ng assignment at mag- aaral na naman. Minsan nga
pagminalas-malas pa wala ka ng oras na manoond ng paborito mong programa sa telebisyon,
CONTEMPORARY PHILIPPINE ARTS

FROM THE REGION

“DIFFERENT TYPES OF ARTS”

Submitted by:

ASLIMA M. SANGCAD

Submitted to:

JABBER A. PETI-ILAN

03-12-2024

TVL 12 - MAUNAWAIN

You might also like