You are on page 1of 5

ANG PANGARAP

merong isang teacher na

pina-drawing sa mga estudyante niya ang mga

pangarap nila pag lumaki na sila. Halos lahat sa

mga estudyante ay nag-drawing ng teacher,

doctor, abogado, bumbero, at piloto. Tuwang

tuwa ang teacher habang tinitignan ang mga

gawa ng mga estudyante niya pero may isang

drawing na umagaw nang atensyon ng teacher at

ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Isang drawing

ng bukid na may malaking bahay sa gitna at

maraming hayop sa paligid. Tinawag ng teacher

ang nag-drawing nito at tinanong kung bakit ito

ang drawing niya. Ang sabi ng bata, pangarap ko

po kasing magkaroon ng isang malaking malaking

bukid na maraming hayop, ang tatay at lolo ko po

kasi ay nag-trabaho lang sa bukid ng ibang tao,

kaya gusto ko pong magkaroon nang isang bagay

na gusto rin nila pero hindi nila naabot.

Ang sabi ng teacher sa bata, ang sabi ko

pangarap, hindi panaginip. Papano ka

magkakaroon ng isang malaking bukid, eh ang


tatay mo ay magsasaka lang; ang lolo mo

magsasaka din; at ang lolo ng lolo mo ay

magsasaka din. Ang pangarap ay isang bagay na

posible mong maabot, pero kung ang pangarap

mo ay magkaroon ng isang bukid, hindi yan

mangyayari.Gusto kong palitan mo ang drawing

mo at gawin mong mas makatotohanan. Bukas ay tatalakayin natin ang maganda at


hindi magandang naiduduloT ng pagkakaroon ng matayoGM o mataas na
pangarap.

Malungkot na umuwi ang bata at tinitignan ang

drawing niya. Napansin sya ng tatay niya

at agad syang tinanong kung bakit. Tay, pinag-

drawing kami ng teacher namin kanina ng

pangarap namin pero sabi niya ay palitan ko raw

ang pangarap ko kasi magsasaka lang daw ang

tatay ko at lolo ko; pati ang lolo ng lolo ko

magsasaka lang kaya hindi daw ako pwedeng

magkaroon ng pangarap ko. Bakit anak, ano ba

yung pangarap mo? Gusto ko pong magkaroon ng

isang malaking bukid na maraming hayop at may

malaking bahay sa gitna, pero ayaw niyang

tanggapin kasi hindi daw ito mangyayari.

Alam mo anak, ang sabi ng teacher mo ay


pangarap mo, hindi ang pangarap niya para

sa’yo. Kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo

at sa tingin mo ay kaya mong gawin, ituloy mo.

Tandaan mo palagi anak na hindi pwedeng ibang

tao ang magbigay sa’yo ng pangarap mo dahil

bawat isa sa atin ay may sarili sariling pag-iisip.

Hindi pwedeng sabihin ng ibang tao na hindi mo

magagawa ang isang bagay; ang makakapag-

sabi lang niyan ay ang sarili mo mismo. Kung

ano man ang maging desisyon mo ay ikaw ang

bahala dahil wala ako sa posisyon para idikta

sa’yo ang gusto mong maging paglaki mo.

Nasayo ang desisyon kung papalitan mo ang

pangarap mo o hindi dahil lang sa sinabi ng ibang

tao na hindi ito posibleng mangyari.

ANG PANININDIGAN

Pagpasok pa lang ng bata ay hinanap na ng

teacher yung pina-drawing niya at ibinigay

naman ito ng bata. Nang tignan ng teacher yung

drawing ng bata ay lalo siyang nagalit dahil

walang nagbago sa drawing nung bata. Nandun

parin yung bahay at maraming hayop sa paligid


ng bukid. Makulit kang bata ka, hindi ka marunong makinig. Nang lumaon ay
tinalakay nila ang mabuti at hindi mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng mataas
na pangarap. Sumagot sina Jasmine at Venice.

Iba ang itinanong kay Prince, tinanong sya kung ano ang masamang naidudulot ng
pagkakaroon ng mataas na pangarap na alam mo naman na imposibleng mangyari.

Nanindigan si prince sa kanyang pangarap. Sinabi niya kung ano ang ipinayo sa
kanya ng kanyang ama.

Makalipas ang dalawampung taon ay grupo ng

bata na nagkaroon ng field trip sa isang bukid.

Halos karamihan ay sa mga bata ay tuwang tuwa

dahil sa laki ng bukid na nakita nila. Sympre

kasama nila yung teacher nila at siya yung

teacher nung bata na pinabago yung drawing

dahil sa hindi daw ito posibleng mangyari.

Pagbaba nung teacher sa bus ay biglang may

tumawag sa kanya… teacher! teacher! habang

patakbong lumalapit ang isang lalaki na may

matikas na pangangatawan. Teacher,

natatandaan mo pa ba ako? Tinitigan lang ng

teacher yung lalaki at kinikilala kung sino ba siya.

Ako yung bata noon na pinag-drawing mo ng

pangarap ko… ito yung drawing ko noon na sabi

mo ay hindi mangyayari, sabay turo sa bukid.


Nang maalala ng teacher ay may biglang kumurot

sa kanyang dibdib at dahan dahang pumatak ang

luha niya. Ang sabi niya sa lalaki, alam mo, 20

years na akong nagtuturo sa mga bata at marami

akong nakitang mga katulad mo na ang drawing

o pangarap nila ay mga imposible para sa akin

kaya pinapabago ko sa kanila ang mga drawing

nila. Halos lahat sila ay binabago ang drawing at

ikaw lang ang nanindigan sa pangarap mo. Ang

tagal ko nang nagtuturo pero marami na pala

akong mga pangarap na sinira, buti na lang at

pinaglaban mo ang pangarap mo.

You might also like