You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ipinasa ni: Jenny Lasconia

I. Layunin:
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng pansariling plano sa
pagtupad ng kanyang pangarap;
b. nakapagtatala ng mga gawain na ginagawa ng taong may pangarap; at
c. nakakapagbabahagi ng sariling karanasan sa harap ng mga kaklase
patungkol sa gawain ng taong may pangarap.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Edukasyon sa Pagpapakatao: Mangarap Ka!
b. Sanggunian: Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89 at
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 52-56
c. Kagamitan: Mga larawan, Long bong paper, LCD projector, Speaker at
Laptop.
d. Pagpapahalaga: pagbibigay importansya sa panandalian at
pangmatagalan mithiin

III. Mga gawain sa Pagkatuto


Pamamaraan ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
-magsitayo ang lahat para sa Susundan ng mga mag-aaral ang
panalangin. pagbikas ng panalangin.

2. Pagbati
Maari na kayong maupo mga bata. Maraming salamat po guro.

Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang umapa po!

3. Pag tsek ng lumiban

Tatawagin ko ang inyong mga pangalan


sabihing kung andito kayo. (iisahing pag Sasagot ang mga mag-aaral kapag
tawag sa mga panglan ng mag aaral). natawag ang kanilang pangalan.

4. Pagpuna sa kalinisan ng kapaligiran.


- pulutin ang mga basura na nakikita Opo guro
itapon sa tamang basurahan at maaring
ayusin ang mga upuan ng naayon.

B. Balik aral sa nakaraang aralin Opo Guro


Naaalala niyo pa ba ang nakaraang
aralin natin?

Cathy, maaari mo bang isaysay sa amin Cathy- ang ating nakaraang leksyon po
ang ating nakaraang leskyon? ay tungkol sa ang Batang Maikli ang
isang paa na si Mutya.
Tama Cathy! Itinalakay natin ang Batang
Maikli ang isang paa na si Mutya.

Ang tanong ko para kay Crystal paano


ba nagtagumay si Mutya?
Crystal- Si Mutya po ay nahihilig sa
musika. Kaya po pinag aral siya ng
kanyang ina sa pagtugtog ng piano.
Lahat ng guro ay maging gusto siyang
estudyante dahil sa angking talino at
galing sa musika. Hanggang sa
makalipas ang ilang tao isa na siyang
tanyag at kilalang piyanista. Nakarating
na siya sa ibat ibang bansa halimbawa
sa Amerika a Espanya. Inanyayahan din
siya sa Espanya para tumugtog sa Hari.

Tama ka Crystal. Isa na siya ngayong


kilala piyanista na hinangaaan sa ibang
bansa.

Ang pangalawang tanong ko. Ano ang


naging gampanin ng kapansanan ni
Mutya?
Cathy pakisagot. Cathy- Ang naging gampanin ng
pagiging maliit ng isang paa ni Mutya ay
hindi naging hadlang sa pagtupad ng
kanyang mga pangarap. Bagkos ginawa
niya itong inspirasyon sa kabila ng samot
saring panunukso sa kanya ay hindi
tinanong ang panginoon sa nagging
kalagayan niya. Siyay naging matapang
at matatag hanggang sa makarating siya
sa kinahahantungan niya ngayon na
isang sikat at tanyag na piyanista.
Tama ka Cathy.bigyan natin siya ng
isang bagsak. Hindi niya itinigil ang
kanyang mga buhay at pangarap dahil
lang sa meron silang mga kapansanan.
Nagsipag sila at pinagpatuloy ang
kanilang pangarap. Silay nanalig sa
panginoon na lahat ng itoy pagsubok
lang.

May tanong ako mga bata kung kayo ba


si Mutya titigil ba kayo sa pagtupad ng
inyong pangarap?

Crystal? Hindi po mam, kasi alam ko po na


gagabayan ako ng panginoon. Wala
naman po siyang ibibigay na pagsubok
na hindi natin kayang lampasan.
Ipagpapatuloy ko po ang aking
pangarap.
C. Pangganyak

Magpapakita ako ng mga larawan sa Ang mga bata ay nag iisip.


ating monitor sabihin niyo sa akin kung
ano ang mga nasa larawan. (ang guro ay
nagpapakita ng mga larawan patungkol
sa pangarap at propesyon ng tao)

Crystal ano ang pinapakita sa larawan?


(isang inhinyero)

Tama ka Crystal isang taong inhinyero o Isang inhinyero po.


engineer.

Ano pa? Cathy?


Tama ka Cathy. Salamat mga bata. Isang doctor po.

Ang mga larawan ay nagpapakita ng


mga taong may propesyon o pangarap
sa buhay.

Ngayon mga mag aaral gusto ko pag


isipan ninyo kung ano ang pangarap Ang mga mag aaral ay nag iisip
niyong maging.

Naka sip na ba kayo? Opo guro.

Cathy? Ang pangarap ko po ay maging guro


katulad ng kapatid ko.

Salamat Cathy. Ikaw Crystal anong Magkaparehas po kami ni Cathy maging


panagrap mo? guro katulad po ng nanay ko.

Wow, salamat mga bata at gusto niyong Gagawin ng mga bata.


maging guro tulad ng mga nanay at
kapatid niyo para makapagsilbi sa ating
bayan. Bigyan natin ang inyong mga
sarili ng limang bagsak.

Ngayon basahin niyo ng sabay sabay Babasahin ang sanaysay at


ang nasa powerpoint. Pagkatapos ay magpapangkat sa dalawa.
papangkatin ko kayo sa dalawa.
Magbibigay ako ng gawain pagkatapos.
Bibigyan ko lamang kayo ng 5minuto. At
iuulat ninyo ito sa harapan (ipapabasa
ang sanaysay “Mangarap Ka”.)

1. Pumili ng isang tamang gawain ng Guguhit ang mga mag aaral


isang taong may pangarap ayon
sa powerpoint at iguguhit ito sa
isang long bond paper.
D. Paglalahad

Matapos gawin ang Gawain ano sa tingin Ang ating leksyon po ay tungkol sa
niyo ang ating leksyon sa araw na ito? gawain ng isang taong may pangarap
Cathy?

Tama cathy. Ang ating leksyon ay ang


gawain ng isang taong may pangarap

Ngayong ang bawat grupo ay iuulat at


ilalarawan sa harapan ang ginagawang Uulat ang mga bata sa harap
guhit.

E. Pagtatalakay

Mauuna mag ulat ang pangkat una. Mga kaklase ang napili po naming
gawain ng isang taong may pangarap ay
ang “handang kumilos para maabot ito”.
Iginuhit po namin ang taong matiyaga at
nagsusumikap sa pag aaral. Hindi
magpapdala sa tukso ng mga kaibigan
dahil alam niyang balakid ito sa kanyang
pangarap na maging isang guro.

Bigyan nating ng tatlong bagsak ang


unang pangkat.

Ang pangalawang pangkat naman. Ang ikalawang pangkat ay napili ang


“Nadarama ang pangangailangang
makuha ang mga pangarap”. iginuhit po
naming ang taong pumunta sa ibang
lugar upang magtrabaho at
makapagpadala ng pera dahil pangarap
niya makapagtapos ang kanyang anak.
Tinitiis niya ang lungkot at sakripisyo
matupad lang ang kanyang pangarap.

Magaling mga bata. Bigyan natin ang Magpapalakpak ang mga bata ayon sa
pangalawang pangkat ng tatlong bagsak. bilang.

Balikan natin ang inyong naging ulat at Makikinig ang mga mag aaral sa
pagsasadula. (ang guro ay magtatalakay tinatalakay.
tungkol sa mga Gawain ng isang taong
may pangarap. Magdadagdag siya ng
mga impormasyon na hindi nasabi ng
mga mag aaral).

Mayroon ba kayong tanong? Cathy? Opo guro, sa inyo pong palagay


kailangan po bang gawin ang lahat ng
mga gawaing iyan para masabi po na
ikaw ay may pangarap?

Oo naman Cathy. Dahil aanhin naman


ng isang taong may pangarap pero wala
naman siyang ginagawa. Kagaya nga ng
kasabihan na “Nasa diyos ang awa nasa
tao ang gawa. Kailangan kumilos ng tao
para maisakatuparan ang kanyang
pangarap. Naiintindihan mo ba Cathy? Opo guro
Mga mag-aaral?

Ako naman ang magtatanong. Para


saiyo masasabi mo bang ginagawa mo
ang mga gawain ng isang taong may
pangarap base sa iyong pang araw araw
na ginagawa Crystal? Opo guro, ang mahahalimbawa ko po
ang pag aaral ko ng maigi ngayon.
Nagdidikit po ako ang larawan sa may
higaan ng silid ko po. Isang larawan po
ng isang guro na nagiging inspirasyon ko
po ito tuwing pag gising ko dahil sa araw
araw ko itong nakikita ang pagnanasa ko
pong maging guro baling araw ay
nandoon parin po sa puso ko.
Maraming salamat Crystal sa pagbahagi
ng iyong karanasan.
F. Pagbubuod

Ang pangarap ay tila isang binhi na Nakikinig ang mga mag aaral
kinakailangan ng maingat na pag aalaga
upang lumago at bumunga.
Bilang tao ang katuparan ng ating
pangarap ay nakatali sa ating pinipiling
bokayson. Nakasalalay rito ang pagtamo
ng tunay na kaligayahan. Hindi tunay na
magiging masaya gaano ka man
kayaman o katanyag pagdating sa
panahon kung hindi mo isa alang alang
ang plano ng diyos para sayo.

G. Paglalapat

Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat at Magpapangkat ang mga mag aaral at


gagawa kayo ng isang pagsasadula ang magsasadula ng naayon sa kanilang
unang pangkat ay mag sasadula ng pangkat.
isang taong ginagawa ang gawain ng
isang taong may pangarap. Ang
pangalawang pangkat naman ay
magsasadula ng isang taong hindi o
walang ginagawa upang makamit ang
kanyang pangarap. Bibigyan ko kayo ng
limang minuto para makabuo ng isang
konsepto at inyo itong isasadula sa
harapang ng inyong kaklase.

Unang pangkat ang una magsasadula. Ang unang pangkat po ay sa mga


ginagawa ang gawain ng isang taong
may pangarap. (isasadula ang taong
masaya na isa alang alang ang plano ng
diyos sa kanya (bokasyon or calling)
maging isang madre o alagad ng diyos
sa paglilingkod sa kanya. Iniwan ang
kanyang dating propesyon para tugunin
ang kanyang tawag kahit siya ay tanyag
na sa larangang napili noon.

Maraming salamat unang pangkat.


Dalawang bagsak para sa unang
pangkat,

Ikalawang pangkat kayo naman. Ang pangalawang pangkat naman ay


magsasadula ng isang taong hindi o
walang ginagawa upang makamit ang
kanyang pangarap. (isasadula ang taong
hindi man lang inaayos ang pag aaral.
Palaging nagbubulakbol, nagpa udyok sa
tukso at pambubuyo ng barkada. Hindi
naniwala sa kakayahan ng kanyang
sarili).
Maraming salamat sa ikalawang
pangkat. Napakaganda ng inyong
pagsasadula. Bigyan niyo ang inyong
sarili ng palakpakan.

Naiintindihan niyo ba ang ating tinalakay Opo guro.


ngayon mga bata?

May mga tanong pa ba kayo? Wala na po guro.

Kung wala kayong tanong ako ang Crystal- Masasabi na nagawa ko na ang
magtatanong base sa iyong karanasan mga gawain ng isang taong may
paano mo masasabi na nagawa o pangarap dahil kahit anong paghihirap
naranasan mo nang gawin ang mga ang aking dinanas ay hindi parin po ako
ginagawa ng taong may tumitigil na makamtam parin ito. Bilang
pangarap?Crystal? isang working student po kahit pagod sa
pag tatrabaho kinakaya ko parin po dahil
pangarap ko pong maging isang guro
balang araw.

Tama Crystal. Dahil alam mo na iyon ang


gusto mo sa buhay at kahit nahihirapan
sa pagsubok ng buhay ay masaya ka
paring ginagawa ito dahil gusto mo.

(Cathy magtatanong) Cathy – guro base po sa iyong


propesyon nagawa mo narin po ba ang
Gawain ng isang taong may pangarap?

O.o naman Cathy, masasabi ko na


ginawa ko ang gawain ng isang taong
may pagarap dahil hindi ako magiging
guro ngayon kung hindi ako kumilos,
kung wala akong pagnanasa na marating
ito, kung hindi ko nadarama ang
pangagailangan na makuha ang
pangarap kong ito at naniwala ako sa
sarili ko na magiging totoo ang aking
pangarap sa gabay na rin ng maykapal
sa akin kaya ko natamo ang lahat ng
meron ako ngayon lalo na ang pagiging
guro ko sa inyo.

Ano ulit ang pinag aralan natin mga Pinag aralan po natin na mahalaga na
bata? ang tao ay may pangarap at dapat gawin
niya ang mga gawain ng isang taong
may pangarap. Dapat hindi lang puro
pangarap meron din kaakibat na kilos
upang makamit ito.
Tama!Wala na ba kayong mga tanong
mga bata? Wala na po guro.

Talagang lubos niyong naintindihan ang


ating aralin ngayon. Maghanda para sa
pagtataya.

IV. Pagtataya
Kumuha ng isang ¼ na papel at basahin ang tanong na nasa screen
projector.
Panuto. Isulat ang tamang sagot sa tanong.
1-4 – Ano-ano ang apat na gawain na dapat gawin ng isang taong may
pangarap.
V. Takdang Aralin
Sa isang long bond paper gumawa ng poster na nagpapakita ng isang gawain
ng taong may pangarap. Ipasa ito sa susunod nating pagkikita.

You might also like