You are on page 1of 1

Kilos Kabataan!

Ni Jemuel Bucud Lagarto

Kabataan, kabataan ano ba ang layon?


Nalalaman mo ba ang nag daang kahapon?
Ika’y propesiya ng mga bayaning yumaon
Pag-asa pa ba ng bayan sa ngayon?

Ang bayan nati’y tigib na sa dusa


Purus pagpapasakit sa bansa ay sagana
Sinong sasagip sinong magsasalba
Bayang kahapis-hapis at kaaba-aba!

Sa mabilis ng pagbabago ng mundo


Kabataan, kabataan anong ganap mo?
Nasa tamang landasin ba ang iyong tinatakbo?
O baka nama’y nililihis kana ng mapusok na mundo?

Sayong pagtakbo sa karera ng buhay


‘Wag mag dalawang isip humingi ng pag gabay
At kung madapa o masugatan pa nga
Huwag matakot tumayo at muling magsimula

Sa paaralan ikay hinuhubog ng husto


Upang sa kalauna’y maging mabuting tao
Guro’t magulang mo’y ikinintal sayong kaisipan
Mahalin ang kataastaasan higit sa kaninuman

Mga kabataan pandaying maiigi ang kaalaman


Ito’y inyong magiging sandata sa papalapit na bakbakan
Kung lalamya-lamya ka sayong paaralan
Naisip mo na ba ang iyong kahihinatnan?

Nawa’y maging instrumento ng madilim na mundo


Ating bitbitin liwanag ng malaking pagbabago
Gamiting maiigi ang inyong nagliliyab na kaalaman
Upang masaganang bukas ay atin ng makamtan

Kilos kabataan halika ng makibaka


Ipakita nating tayo ang tunay na pag-asa
Tulong-tulong tayo’t magsama-sama
Patunayan nating bukas ay atin na!

You might also like