You are on page 1of 2

Kabataan nga ba ang pag asa ng bayan

Nasaan na Ang dangal ng kabataan

Nasaan na Ang sinasabing pag asa ng bayan

Kung sa panahon ngayon sila'y naligaw ng kapalaran

Tayong mga kabataan dapat nating malaman

May mga responsibilidad tayo na dapat isa alang alang

Dapat tayo ay mag aral upang magkaroon ng mabuting asal

Sa isang munting bagay wag tayo mag away away

Droga ay dapat iwasan nakakasira Yan sa kalusugan

Kahit ito ay bawasan nalalason parin sa isipan

Ito ang dahilan sa pagkasira ng ating magandang samahan

Tayo ay pinagbabawalan para lang sa ating kalusugan

Masdan mo ngayon Ang kabataan

Pati kababaihan Ang lalakas sa inuman

Marami Ang sakanilay napapariwara ng kapalaran

Pansin moba ang pagbabago ng kabataan?

Saan nga ba patungo Ang salitang namutawi

Sa isang tulang isinulat ng ating bayani

Sa bisyo silay nalulong at Ang iba'y nawawala sa sarili

Pag-asa nga ba ng bayan itong masasabi


Ano na nga ba Ang nangyayari sa ating bayan?

Puro nalang kaguluhan nasaan na Ang

kapayapaan?

Simple lang Ang kasagutan sa mga katanungang iyan

Halinat ating tulungan kapwa natin kabataan

Wag tayong maging pipi o magbulag bulagan

Kumilos ka at ating paunlari

ating bayan

Sapagkat kabataan Ang pag asa ng bayan

Kung gagabayan natin ito ng Tama sa kasalukuyan

You might also like