You are on page 1of 2

Nilutong Talino’t Diskarte Sangkap ng Tagumpay

Sa hamong walang tuldok ng dahil sa mga pangarap, handa kang harapin ang darating
na hinaharap!

Ang buhay nakadepende kung paano ka mag-isip,mangarap at patuloy na


susunod sa alon na siyang humahampas para magising ka sa katotohanan na hindi mo
alam kung saan magsisimula para makapagsimula at nang makabangon sa
pagkalugmok! Samakatuwid, simpleng buhay, simpleng pangarap ang nakakintal sa
isipan ng bawat isa ngunit ito’y hindi natin hawak ang pangyayaring maaaring
nakaatang na pagsubok na siyang dahilan upang maligaw ng landas.

Isang batang babae ang lumaki na puno ng mga tanong, nagtatanong kung
bakit ang mga hindi inaasahan ay naganap sa kanyang buhay. Naging kanlungan niya
ang kanyang nakababatang kapatid simula nang ito ay tatlong taong gulang pa
lamang. Sa katunayan, ang pagmamahal ay palaging namumutawi sa kanyang labi na
tagos sa kanyang puso at nagbibigay sa kanya ng lakas sa bawat araw. Kilala siya
bilang si Joceriel Grace Magdato Barrete, isang dating mag-aaral ng Sta. Josefa
National High School na naging isang mag-aaral na may karangalan at naiwan ang
isang alala sa buhay ng ilan.

Nagpatuloy sa kolehiyo sa Philippine Normal Univesity (PNU),ngunit ng dahil


sa dagok ng buhay na hindi nakayanan nag-asawa ng maaga na hindi nakapagtapos ng
kolehiyo pero hindi ito ang katapusan ng mundo, patuloy ang pangarap para sa
nabuong pamilya at sa isang munting anghel ng tahanan na si Haliyah Amari. Ayon
kay Joceriel Grace, “Mapagud ngunit wala tayong karapatang sumuko sa buhay,
andito na ako para lumangoy hanggang makamit ko ang mga mithiing alam kong
mahirap ngunit naniniwala ako na sa tulong ng ating Panginoon ay malalampasan din
ang lahat at paggising ko balang araw hindi ko namalayan na sungkit ko na ang rurok
ng tagumpay.”

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat ako ng buong puso sa ating Poong


Maykapal na nagkaroon inang madiskarte sa buhay kaya hindi talaga namin
naranasang magkakapatid ang subrang hirap gaya mga basic needs ang pag-uusapan
sapagkat ang aming ‘ INATAY’ ina at tatay ng tahanan ay laging ginagawa ang gabi
na araw. Hindi namin alam na pagud na siya kasi laging pinapakita okey lang po siya
ngunit nang ako’y nag-asawa unang tanong ko sa sarili paano niya kami nagapang
galing sa hirap? Ang hirap nga na isa palang ang anak ko? Kami pa kaya?May
magulang pa siyang inaalalayan at kapatid na matagal nakaratay dahil sa sakit.
Hiwalay pa sila ni Papa sa loob ng 17 years. Siya lang mag-isa ang nagtaguyod sa
amin na wala kang maririnig na susuko na siya sa buhay!

Isang salaysay na gumimbal sa puso kahit sa sinumang makarinig datapwat


naging inspirasyon ito ng iilan sa mga estudyante. Ngayon, siya ay napasali sa
listahan sa larangan ng pagnenegosyo (online -selling) sa probinsya ng Agusan del
Sur. Malakas ang binatahan online sa loob at labas ng bansa ang tumatangkilik sa
kanyang negosyo. Dahil sa tiwala ng mga costumer niya sa kanya, sila na rin ang nag-
sugest para sa pasukan na naman niyang negosyo. Ayon sa isang panayam sa
kanya,bakit grabe yong kanyang pagsisikap sa larangan ng negosyo? “Habang may
buhay, may pag-asa ha..ha..”anya pa niya.Sa kabilang dako, grabe ang pangarap ko sa
buhay lalo na sa pagnenegosyo kaya napagtanto ko ito na ata ang linya ko para
umasenso. Ayaw kong maging guro, ayaw ko maging katulad sa aking ina na subsub
sa trabaho. Kung pwede dalhin ang school sa bahay matagal na niyang ginawa kaya
piliin ko ang pagnenegosyo dahil dito maraming pera. Dagdag pa niya!

Isang matibay na paninindigan na hindi kayang tibagin ninuman. Pangarap na


hindi kayang higitan ng mga hamon at balakid sa buhay sapagkat nananaig ang
pangarap na nais mapasakamay ninuman. Kaya harapin ang ngayon at huwag
mamuhay sa nakaraan dahil may kasabihan na nagsasabing ” hindi mo kasalanan na
ipinanganak kang mahirap ang kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap”.

You might also like