You are on page 1of 1

Jessebil B.

Falcon XII-Samuelson
Gng. Gretchen B. Calamba November 25,2019

SARILI

Marami ang nagsasabi na ako ay lubos na nilang nakilala ngunit di nila alam kung sino nga ba
ako? Sino ng aba ako? Ako ang pangalawang anak nila Evelyn at Jesriel Falcon. Ako si Jessebil, Nining sa
aking pamilya at sa ilang malalpit na kaibigan. Ipinanganak ako sa Adela Serra Ty Medical Center
Tandag,Surigao Del Sur . Sa aking pagsilang naghatid ako ng labis na kasiyahan sa aking magulang.
Lumaki ako sa sarili kung mga magulang. Lumaki ako na kasama ko ang aking mga kapatid.
Naranasan kung maglaro sa lood at labas ng aming bahay,naranasan kung maligo sa ilog, at naranasan
kung mabuhay ng simple.Naalala ko pa ang aking pag akyat sa puno ng aming kapitbahay upang
magnakaw ng manga,ang pagpapalipag ng saranggola sa harap ng aming bahay,ang pagbabahay-
bahayan at ang paglalaro ng mga larong pinoy kasama ang mga batang kakilala ko. Siguro sa pananatili
ko ditto, natutunan kung mahalin ang kalikasan ko. Sa lugar ring ito ditto ako nag aaral mula
kinder,unang baitang ng elementarya sa Obrero Elementary School hanggang sa natapos ko ang
Elementarya at lumipat na ako ng paaralan sa paaralang Agusan National High School,kasama ang aking
nakakatandang kapatid na si Jimboy, natutunan kung makasanayan ang bagong mundong ginagalawan.
Sa pagtungtong ko sa mataas na paaralan sa Agusan National High School lubhang napakalaki ng naging
papel ng eskuwelahang ito sa aking pagkahubog bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga naging
inspirasyon ko sa buhay.Sa eskuwelahang ito nabuo ang aking mga prinsipyo at mga pangarap. Bukod sa
mga napakaraming kaalamn,ditto ko natutun ang pakikipagkapwa at pakikisama sa mga tao.Sa
paaralang ito din ako tunay na umibig. Bilang isang studyante aktibo ako sa mga gawaing pang eskuwela,
sa pagtatapos ko noong 2016,nagdesisyon akung kumuha ng kursong Accountancy,Business ang
Management bilang paghahanda na rin sa aking pangarap,nakakatuwang isipin na ang layo na pala ng
aking narrating mula sa pagiging isang sutil na bata na nakukuha na ang lahat ng gustuhin.Nandito na
ako,isang dalagang nagnanais ng kabutihan para sa nakararami lalo na sa aking pamilya.Di ko matatawag
ang aking sarili na isang simpleng tao dahil marami akung mga pangarap na sa ibay malayo sa riyalidad.
Nais kung magsilbi, nais kung magbigay ligaya, nais kung tumulong at nais kung magligtas ng mga buhay.
May paniniwala akung di kailangang mamuno upang makapagsilbi, ang kabukalan sa kalooban ng
paglilingkod ang mas mahalaga. Isa akung taong may prinsipyo na kahit ano pa man ay aking
paninindigan. Bagama’t tahimik di ibig sabihin ay walang pakialam. Ako ang taong
makapagkakatiwalaan,ang kaibigang dadamayan ka sa hirap man o ginhawa kahit na mabilis akung
magalit,magtampo at umiyak, di ako ganun kahirap magpatawad, ngunit sa pagkakataong pamilya ko na
ang nasasaktan, kaya kung kalimutan kahit ang sariling kapakanan maipagtanggol lamang sila.
Bilang isang Indibedwal, medyo binibigyang importansya ko ang oras,kaayusan at kalinisan.Kung
ugali namn ang pag uusapan,marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako.Oo, tama naman sila. Mabait
ako sa taong mabait din ang pakikitungo sa akin,kung mabait ang isang tao sayo dapat ganun ding
kabaitan ang ipakita mo sa kanya. Ganyan ako.

You might also like