You are on page 1of 6

Buhay Sundalo

MARICEL April 8, 2012 Community, CULTURE, Education, Family 7 Comments


Ilang bundok na ba ang aking tinahak? Hindi ko na mabilang. Maraming lugar na akong napuntahan. Marami
na akong nakilalang tao na may iba’t-ibang paniniwala, diyalekto at lahi pero lahat iyon ay naging kaibigan
ko. Sila ang aking sandigan upang maibsan ang lungkot sa aking dibdib. Lungkot na ang rason ay malayo ako
sa aking pamilya. Ang taong bayan ay ang aking pamilya. Nahanap ko ang aking pamilya sa katauhan nila.
Nagbibigay inspirasyon sa aking propesyon.

Heto ako nakikipaglaro ng basketbol sa mga kabataang lalaki. Kasali na ito sa aking nasanayan. Maliban sa
pinagpapawisan ako ay pinanalakas pa nito ang aking katawan at ang pundasyon ng aming pagkakaibigan.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakauwi sa aking sariling pamilya. Tatlong buwan na. Nagbeep ang
cellphone ko. Si misis pala, nangungumusta sa akin at sinabing may sakit si bunso. Para akong lampa na
walang magawa tuwing sasabihin ni misis na may sakit ang aking mga anak. Wala akong magawa sa layo ng
aming pagitan. Tinagurian akong haligi ng aming pamilya na hindi ko naman nagampanan. Ang sarili kong
pamilya ang aking naging pangalawang prayoridad. Totoo iyan. Dahil sa tawag ng tungkulin na ito ay hindi
ko mawari kung sa isang taon ilang beses lang akong nakakauwi. Sa gabing ito, nilibang ko ang aking sarili.
Naglalaro ng billard, nanonood ng TV at nakikipagkwentuhan sa kasamahan sabay na rin ng pag- inom ng
tanduay. Sabi nga pampaantok naming lahat. Ang aking mga kasama ang aking naging unang pamilya. Mas
kilala ko pa sila kaysa sa sariling kong pamilya. Mas alam ko pa ang liko ng bituka ng aking kabaro kaysa
mga anak ko. Inabutan na ako ng antok.

Pumasok ako sa aking kubo. Naramdaman ko na naman ang aking pagkukulang sa sariling pamilya. Hindi ko
na namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Akala ko maiibsan ang aking lungkot dahil sa aking ininom.
Ngunit mali. Pagtatawan siguro ako kung may makakita man sa aking hitsura. Ang kagaya na may malakas na
paninindigan ay umiiyak. Tinaguriang bayani ngunit sa kaibuturan ng puso ay hangad pa rin makapiling
ang tunay na pamilya. Ang pamilya ko na mauuwian ko sa takip silim ng aking buhay.

Ito lang masasabi ko masaya at malungkot ang buhay bilang sundalo.

http://definitelyfilipino.com/blog/2012/04/08/buhay-sundalo/

Sundalo ng Bayan kung ikaw ay tawagin,

Lahat ng panganib iyong susuungin.


Ilang ulit na nga bang nalagay sa alanganin

Sa pagtataya ng buhay para sa bayan natin.

Di ka ba natatakot sa malalakas na putukan?

O sa masusukal at madidilim na kagubatan?

Kung may nalalagas sa iyong kasamahan,

Bato ba ang puso at ‘di mo luluhaan?

Sariling pamilya ay iyong iniiwan,

Buhay ay itinataya nang dahil sa bayan.

Sadyang sa tulad mo nararapat ay pagpupugay,

Sundalong Pilipino ... ikaw ay MABUHAY!

http://www.philstar.com/opinyon/658133/tula-na-alay-ni-heidi-sa-kawal
http://www.army.mil.ph/Army_Sites/INFANTRY%20DIVISIONS/2ID_New/Editorial/Ang%20
Buhay%20Sundalo.html
Soldiers' Wives And Girlfriends (SWAG) Philippines
May 11, 2013 ·

Ang buhay ng isang sundalo ay napakahirap lalo na kung nasa malayong destino.

Maliban sa mabigat na bitbit (baril, bala at 7 day supply) na di maaaring iwanan dahil nakasalalay dito ang buhay nya, dala-dala nya
ang mabigat na saloobin, ang lungkot at pagaalala sa naiwan nyang pamilya, ang mga luha ng kalungkutan na di maaaring makita
ng mga kasama.

Sa tuwing maghaharbor, celpon kaagad ang hinahawakan na sana may signal upang makatawag o text man lang sa minamahal. Pag
minalas at makasagupa ng kalaban, ang tanging nasa isip ay mabuhay upang makabalik sa naghihintay na pamilya. At pag lalong
minalas at matamaan, ang laging huling hinahabilin ay ang pamilyang maiiwan.

Ang kakarampot na mess allowance ay minsan naipapadala pa sa asawa lalo na pag may sakit si bunso, mabuti nlang maraming
damo sa bukid na pwede gulayin.

Kapag nakababa sa barangay, kay sarap ng pakiramdam, makakapaglaba ng makati nang uniporme, makakabili ng sigarilyo, magic
flakes o kaya makapagload o makapagcharge.

Minsanan lang makauwi ang sundalo na malayo ang destino. Minsan kahit nakapases na di pa rin makababa dahil walang sundo.Di
naman pwedeng bumaba magisa, kaya hintay nalang uli sa susunod na round ng pases. mahirap mag take life baka madisgrasya pa.

Pag nakauwi naman, ambilis lumipas ng araw.ang 8-10 days na pases ay parang isang araw lang, kung pwede nga lang wag nang
bumalik. Pero talagang di pwedeng mag AWOL, pano nalang ang pamilya pag nagkataon.

Ang buhay ng isang sundalo ay di biro, pero nagiging madali dahil sa suporta ng mga mahal nya sa buhay. Ang lahat ng hirap at
panganib kinakaya dahil sa isip at puso nya, lahat ay gagawin para sa bayan at pamilya...

<43RD>

https://www.facebook.com/SoldierWivesAndGirlfriends/posts/191903624296173

You might also like