You are on page 1of 4

Banghay Aralin saMathematics Grade

Multiplication
Aralin 41

I. Paksa
Multiplication sa pamamagitan ng Counting by Multiples
II. Layunin
Nailalarawan ang multiplication sa pamamagitan ng counting by
multiples
III. Kinakailangang Kaisipan at Kasayan
1. Pagbibilang ng 2’s, 5’s at 10’s hanggang 100
2. Nailalarawan ang multiplication as repeated addition
IV. Sanggunian / Kagamitan
Sanggunian
1. Teacher’s Guide 2, pp. 154-156
2. Learning Module, pp. 99-101
3. Mathematics-K-12-Curriculum-Guide, p. 19
Kagamitan
1. Tunay na bagay
2. Activity Sheet sa laktawang pagbibilang at repeated addition
3. Tsart ng Story Problem

V. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay – Pangkatang Gawain
Punan ang patlang ng nawawalang numero.
1) 2, 4, 6, ___, 10 4) ___, 10, 15, 20, 25
2) 3, 6, ___, 12, 15 5) 6, ___, 18, 24, 30
3) 4, 8, 12, 16, ___
2. Balik-Aral – Pangkatang gawain
Tapusin ang repeated addition upang ilarawan ang mga
sumusunod namultiplication.
1) 5 x 6 = 5 + 5 + ___________________
2) 7 x 3 = 7 + ______________________
3) 8 x 4 = 8 + ______________________
4) 9 x 7 = 9 + 9 + ___________________
5) 4 x 8 = 4 + 4 + ___________________
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magtalaga ng numero sa bawat isa sa mga mag-aaral.
Sabihin:
Maging alerto at tandaan ang inyong numero.
Tatawagin kayo upang sabihin ang inyong kaukulang bilang.
Ang pattern kung paano tatawagin ang mga aaral ay ang
multiple ng isang kaukulang na numero.
Halimbawa:
Multiples ng 3 (3, 6, 9, 12, … atpb)
2. Paglalahad
a. Concrete
 Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ang bawat
pangkat ng 20 na maliliit na bato /counters o kung
anuman ang mayroon sa loob ng silid-aralan.
 Gabayan sila upang ayusin ang unang 2 hanay tulad ng
ipinapakita sa ibaba.
II IIII
 Atasan ang mga ito namagdagdag ng dalawang
karagdagang mga hanay.
 Hayaan ang bawat pangkat na ipaliwanag ang kanilang
mga kaukulang sagot.
 Pagkatapos ay ipakita ang tamang hanay ng mga
counter.
(IIIIII IIIIIIII)
 Magtanong tungkol sapatternna nakikita nila.
 Atasan ang mga ito upang bumuo ng ikalimang hanay
(IIIIIIIIII)
b. Pictorial
 Paglalarawan ng mga nasa itaas na sitwasyon tulad ng
ipinapakita sa ibaba.
1st set 2nd set 3rd set 4th set 5th
set
II IIII IIIIII IIIIIIII
IIIIIIIIII
Itanong:
Ano ang naobserbahan mo sa pattern?
Gaano karaming 2’smayroon sa unang hanay?Sa
pangalawang hanay? Sa pangatlong hanay? Sa pang-
apat na hanay? Sa panlimang hanay?
Anong pattern ang iyong nakita?
c. Abstract
Tumawag ng mag-aaral upang isulat ang mganumero ng
unang hanay, ikalawa at iba pa tulad ng ipinapakita sa
ibaba.

Ipaliwanag na ang 2, 4, 6, 8 at 10 ay multiples ng 2 (2, 4,


6, 8, 10)
Ipaliwanag din na ang unang hanay ay ang produkto ng
pag-multiply ng 2 at 1, pangalawang hanay ng mga 2 at
2, at iba pa.
3. Karagdagang Gawain
A. Pag-aralan ang grid na ito.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

Kopyahin sa iyong papel.


Gamitin ang iyong kaalaman saskip counting upang:
1. Makulayan ng pula ang multiples ng 2;
2. Makulayan ng asul ang multiples ng 3;
3. Makulayan ng berde ang multiples ng 4; at
4. Makulayan ng dilaw ang multiples ng 5.
B. Kopyahin ang grid na ito sa iyong papel. Gawin ang
isinasaad sa bawat bilang.
0 1 2 3 4

5 6 7 8 9

10 11 12 13 14

15 16 17 18 19

20 21 22 23 24

25 26 27 28 29

1. Ipakita ang 2 x 3 sa pamamagitan ng pagbilog sa unang


dalawang multiples 3.
2. Upang maipakita ang 4 x 5, ano ang panghuling multiples
ng 5 ang bibilugan mo?
3. Bilugan ang unang anim namultiples ng 4 upang
maipakita ang 6 x 4.
4. Kulayan ng asul ang unang walong multiples ng 2 upang
magpapakita ng 8 x 2.
5. Kung ang unang multiples ng 9 na bibilugan mo ay 9 rin
upang maipakita ng 3 x 9, ano pa ang dalawang kasunod
na multiples ng 9 ang bibilugan mo.
4. Paglalapat
Gumawa ng number grid hanggang 100.
Gamit ang number grid, ibigay ang sagot sa kalagayang ito.
Anim na patrol ng mga Boy Scouts ng Paaralang Elementarya ng
Calagonsao ang sumali sa Provinincial Jamborette. Kung sa bawat
patrol ay may 8 boy scout, ilang boy scout ang sumali?

5. Paglalahat

Mailalarawanang multiplication sa pamamagitan ng counting by


multiples,kunin ang multiple ng multiplicand ayon sa dami ng
beses na natukoy sa pamamagitan ng multiplier.
VI. Pagtataya
Gamitin ang numero ng grid sa ibaba upang ilarawan ang sumusunod
na multiplication bilang counting by multiples. Sundin ang mga
batayang kulay sa ibaba:

1.) 7 x 5 (pula) 2.) 9 x 4 (dilaw) 3.) 8 x 6 (dalandan)


4.) 6 x 3 (berde) 5.) 5 x 7 (asul)

VII. Takdang-Aralin
Ipakita ang multiplication sa ibaba bilang counting by multiples.
Maaari kang gumamit ng number grid.
1) 3x5 2) 8x4 3) 2x7
4) 9x5 5) 6x3

You might also like