You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
CULIAT HIGH SCHOOL
TANDANG SORA AVENUE, QUEZON CITY

Abril 19, 2024

Sa mga minamahal naming magulang/tagapangalaga,

Ang Parent-Teacher Conference (PTC) ng Departamento ng Senior High School (SHS)


para sa pagtatapos ng Ikatlong Markahan, Ikalawang Semestre ay magaganap sa darating na
Lunes, Abril 22, 2024 sa ganap na ika-10:30 ng umaga. Paalala rin po na kung maging
synchronous/asynchronous ang mode of learning ng mga mag-aaral, magiging online na
lamang din po ang pagsasagawa ng PTC.

Kaugnay nito, magalang po naming ipinababatid sa inyo na aming inaasahan ang inyong
pagdalo upang malaman ang kasalukuyang katayuang pang-akademiko ng inyong anak/mag-
aaral. Ito rin ang pagkakataon upang mapag-usapan ang inyong indibiduwal na mga
katunungan kaugnay ng iba’t ibang asignaturang kinukuha ng inyong anak/mag-aaral para sa
Ikalawang Semestre, Taong-Aralan 2023-2023.

Gayundin, dahil sa magaganap na pagpupulong, ang iskedyul ng klase ng mga mag-aaral sa


SHS (Baitang 11) ay mula ika-6 hanggang ika-10:30 ng umaga lamang.

Ang inyo pong pagtugon at kooperasyon para sa magaganap na pulong ay lubos naming
ikasisiya. Aasahan po namin ang inyong pagdalo. Maraming salamat po!

Gumagalang,

Tagapayo

Binigyang-pansin nina:

SALLY D. JAVIER
MT I/SHS Focal Person

EULOGIO B. PEBRES
Punongguro IV

You might also like