You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Kabulihan Elementary School
KABULIHAN, General M. Natividad, 3125

KASUNDUAN NG PAGKAKAUNAWAAN

Ang kasunduang ito ay binuo at magkakaron ng bisa sa loob ng dalawang


taon simula __________________________ sa pagitan ng KABULIHAN ELEMENTARY
SCHOOL na pinamumunuan ni GNG. CARMELITA C. SAGUN, Punonggurong
Nanunuparan, at ng SANGGUNIAN NG BARANGAY KABULIHAN sa pamumuno ni
KGG.BENIGNO D. VENDICACION, Punong Barangay.

Kung saan ang KABULIHAN ELEMENTARY SCHOOL kaakibat ng


pagnanais ng mga guro na tumupad sa tungkulin at makipag-uganayan sa mga
opisyal ng Barangay na tanggapin ang gampanin bilang katuwang ng mga guro
para sa napipintong pagsasagawa ng Limitadong Face-to-Face na paraan ng pag-
aaral.

SAMAKATUWID, upang maisaalang-alang ang mga binanggit at itinakdang


tuntunin at kondisyon, ang parehong partido ay sumang-ayon at isinalaysay ang
mga sumusunod:

A. ANG PAARALAN AY NARARAPAT NA:


1. Magsasagawa ng oryentasyon sa mga opisyales ng Barangay ukol sa
napipintong pagsasagawa ng Limited Face-to-Face Classes ng paaralan at
kung anu-ano ang mga ispesipikong tungkulin at gampanin na
kailangan nilang gawin lalo na sa pagsisiguro ng kaligtasan ng bawat
mag-aaral na papasok sa paaralan at ng buong paaralan.
2. Magtatalaga ng School Safety Officer na magsisilbing Focal Person na
siyang maniniguro ng istriktong pagpapatupad ng safety health protokols
sa paaralan.
3. Magtatalaga ng Clinic Teacher na gagampan sa basic health services
kung sakaling ang School Health Personnel ay wala sa paaralan.
4. Bubuo ng School COVID-19 DRRM Team upang masiguro ang maayos na
pagpapatupad ng safety health protocols sa paghahanda at pagsasagawa
ng Limited Face-to-Face Classes.
5. Mapanatiling bukas ang komunikasyon sa Barangay hinggil sa di
inaasahang pagkakaroon ng mga mag-aaral o guro na magpapakita ng
flu-like symptoms ng COVID-19 sa gitna ng pagsasagawa ng Limited
Face-to-Face Classes.
6. Masiguro ang kaligtasan ng bawat isa na maghahatid at kukuha ng
learning materials sa bawat purok.

Address: Kabulihan, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija 3125


Telephone No.: 0915-193-2355
Email: 105353kabulihanes@gmail.com
Facebook Page: https://web.facebook.com/Kabulihan-Elementary-School
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Kabulihan Elementary School
KABULIHAN, General M. Natividad, 3125

B. ANG MGA OPISYAL NG BARANGAY AY NARARAPAT NA:


1. Alertuhin ang mga myembro ng Barangay Health Emergency Response
Team (BHERT) para sa pakikipag-ugnayan ng paaralan sa ilalim ng
pagsasagawa ng Limited Face-to-Face Classes.
2. Matiyak na ang Barangay Ambulance ay laging handa para sa
ng mga di-inaasahang pasyente patungo sa ospital o health center.
3. Magtalaga ng mga Bantay Bayan na gaganap para sa disinfection ng mga
silid-aralan tuwing matatapos ang klase sa bawat araw at ng buong
paaralan tuwing Biyernes ng hapon.
4. Magtalaga ng mga Bantay Bayan sa Entrance at Exit gates ng paaralan
upang masiguro na nasusunod ang safety health protocols.
5. Matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at mga guro.
6. Magbigay ng kaukulang tulong sa paaralan para sa paghahanda sa
posibleng pagbubukas ng Limited Face-to-Face Classes.

C. Sa ilalim ng kasunduang ito, ang mga sumusunod na tuntunin at


kondisyon ay kasama rin:
Ang dalawang Partido ay nararapat na magbigay ng kanilang buong
kakayanan upang matamo ang layunin ng kasunduang ito. Sa ganitong
paraan, ang magkabilang Partido ay nararapat magsagawa at maghatid ng
mga kagamitan at mga dokumento na kinakailangan na syang magdudulot
ng katagumpayan ng mga layunin ng kasunduang ito at ng mga gawaing
kaugnay nito.

Sa katunayan ang magkabilang Partido ay lumagda sa KASUNDUAN NG


PAGKAKAUNAWAAN ngayong ika ___ ng _____________________, taong 2022
sa Kabulihan Elementary School, General M. Natividad, Nueva Ecija.

CARMELITA C. SAGUN BENIGNO D. VENDICACION


Punonggurong Nanunuparan Punong Barangay

Nilagdaan sa harap nina:

MARIBEL G. LUCAS GIGI DELA PAZ


Pangulo, Kabulihan ES Teaching Force Kalihim, Sangguniang
Barangay

Address: Kabulihan, Gen. M. Natividad, Nueva Ecija 3125


Telephone No.: 0915-193-2355
Email: 105353kabulihanes@gmail.com
Facebook Page: https://web.facebook.com/Kabulihan-Elementary-School

You might also like