You are on page 1of 2

Department of Education

REGION III - CENTRAL LUZON


SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
LA PAZ SOUTH DISTRICT
106499 COMILLAS ELEMENTARY SCHOOL

February 7, 2022

Mahal na mga Magulang:

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Kalusugan at iba pang mga ahensya
ng pamahalaan ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga paraan upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad
na edukasyon sa kabila ng pandemya dulot ng COVID – 19 sa lahat ng mga batang mag-aaral. Kaugnay nito, ang mga
nasabing Departamento ay gumagawa ng mga hakbang upang maipatupad ang mabisa at mahusay na transisyon ng
pag-aaral mula sa Distance Learning patungo sa pagpapatupad ng ligtas at walang pangambang Limited Face-to-
Face Classes o limitadong harapang pagkaklase

Simula sa darating na 2022, ang mga paaralan ay magbubukas na para sa Limited Face-to-Face
Learning Modality na kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroong muli ng pagkakataong matuto at mag-aral sa
loob ng kanilang mga silid-aralan kasama ang kanilang kamag-aral at mga guro.

Ang nasabing harapang pagkaklase ay magkakaroon nang masistema, maayos at ligtas na pamamaraan sa
loob ng paaralan. Magkakaroon ng iskedyul ang bawat mag-aaral sa kanilang pagpasok upang maiwasan pa rin ang
maramihang pakikisalamuha sa iba upang hindi maging sabay-sabay ang pagpasok ng lahat ng mga mag-aaral.

Paiigtingin din ang pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang
COVID-19 virus gayundin ay maalis ang pangamba ninyong mga magulang para sa kaligtasan ng inyong mga anak.

Ang Comillas Elementary School ay lubos ang paghahanda at pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at
kaligtasan ng buong paaralan upang masiguro ang ligtas na pagbubukas ng klase sa darating na 2022.

Kaugnay nito, ang paaralan ay humihingi ng pahintulot sa inyong mga magulang/tagapag-alaga ng mga
mag-aaral ng pagsang-ayon upang dumalo sa Limited Face-to-Face Classes dito sa ating paaralan.

Ang inyo pong tugon ay lubos na kinakailangan ng paaralan upang makapagsagawa ng komprehensibong
pagpaplano at mga hakbang para sa ligtas na pagbabalik klase ng mga mag-aaral.

Mangyari lamang po na inyong sagutan at lagdaan ang mga sumusunod at isumite sa guro ng inyong anak.

Lubos na gumagalang,

VALERIE Y. DIZON
Adviser

NOLITO C. PINEDA
Principal I

PAHINTULOT ng MAGULANG
PANGALAN ng MAG-AARAL: __________________________________________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________________________________________________________ Petsa: _______________________________________
Tirahan: __________________________________________________________________________ Telepono: __________________________________

(Pakilagyan ng check ( / ) ang box)

Oo, Pinahihintulutan ko ang aking anak na dumalo sa limited face-to-face classes.


Hindi ko pinahihintulutan ang aking anak na dumalo sa limited face-to-face classes.

Dahilan : ________________________________________________ _______________________________

__________________________________________________________________________
Lagda ng Magulang sa Ibabaw ng Pangalan

CABANATUAN NORTH ELEMENTARY SCHOOL


A. Valino Street, Aduas Centro, Cabanatuan City
Email Address: 107109caba@deped.gov.ph, Contact No.: 044 950 2312
Department of Education
REGION III - CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
LA PAZ SOUTH DISTRICT
106499 COMILLAS ELEMENTARY SCHOOL

CABANATUAN NORTH ELEMENTARY SCHOOL


A. Valino Street, Aduas Centro, Cabanatuan City
Email Address: 107109caba@deped.gov.ph, Contact No.: 044 950 2312

You might also like