You are on page 1of 4

Eastern Quezon College, Inc.

R. Marco St., Brgy. Penafrancia Gumaca, Quezon


SY 2020-2021

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

4th Preliminary Examination


Araling Panlipunan 10

Name: _____________________________________ Date: __________________


Grade/Section: ______________________________ Score: _________________

I. TAMA O MALI: Isulat sa patlang ang pangalang CIELO kung tama ang ipinapahayag ng mga
salitang may salungguhit at SHMAIRA kung ang pahayag naman ay mali.

__________1. Ang sistema ng edukasyon ay binubuo ng lahat ng pagtuturo sa mga mag-aaral sa mga
pampublikong paaran mula sa antas na pambansa, rehiyon, lalawigan o dibisyon, distrito, at hanggang
sa mga paaralan.
__________2. Ang sistema ng edukasyon (education system) ay tumutukoy sa instruksiyon sa paaralan
(schooling) na karaniwang sa pampublikong paaralan, mula sa elementary hanggang sa hayskul.
__________3. Base sa pag aaral isa ang pilipinas ang may mababang kalidad ng edukasyon. Kung
ikukumpara ang ating bansa sa karatig bansa ay sadyang napag iwanan. Upang makahabol sa kalidad
ng edukasyon sa asya at sa daigdig ipinatupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of
Education (DepEd) ang K to 12 kurikulum.
__________4. Taong 2010 pinatupad ang K-12 kurikulum na kung saan ay madadagdagan ang
sampung taon nang dalawa pang taon sa pag aaral ng mga mag aaral.
__________5. Ang edukasyon ay pundasyon ng matatag na estado.
__________6. Ang non-formal education ay organisadong proyektong pang-edukasyon ng
pamahalaan na hindi kabilang sa pormal na sistema ng edukasyon. Ang mga kurso rito ay
pangkaraniwang short- term at voluntary para sa mga tiyak na learning clienteles.
__________7. Ang ALS ay isa sa mga programa ng DepEd para sa mga kabataang hindi nakapag-aaral
o nagiging drop-out sa high school.
__________8. Ang OHSP ay nagsimula noon pang 1984 at unang nakilala bilang isang uri ng hindi
pormal na edukasyon.
__________9. Ang TVET ay proyekto sa ilalim ng Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA), isang programa ng pamahalaan na nabuo sa bisa ng Republic Act 7796.
__________10. Ang home education o homeschooling ay alternatibo sa pag-aaral sa mga institusyong
pang-akademiko.

II. IDENTIFICATION: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga programang
nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon.

____________________11. Ito ang ahensyang namamahala sa pangangasiwa sa batayang edukasyon


(K to 12) program.
____________________12. Ahensyang nangangasiwa sa regulasyon ng “academically-oriented
universities and colleges”.
____________________13. Pangunahing tanggapan na namamahala sa pagpapaunlad ng mga
institusyon at programa sa “technical-vocational education” at “skills development” sa buong bansa.
____________________14. Programang nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Grade 10 completer
mula sa pampubliko at pribadong Junior High School (JHS) upang makapag-aral sila ng Senior High
School sa isang pribadong high school, pribadong university o college, state o local university o
college, o sa technical-vocational school simula School Year 2016-2017.
____________________15. Layunin ng programang ito na ihanay ang kurikulum ng edukasyon sa
Pilipinas sa ibang bansa upang makahabol sa antas ng edukasyon sa daigdig.
____________________16.Ito ay isang pag-aaral na malayo sa paaralan at sa tagapagturo.
____________________17. Ito ay isang medium na ginagamit sa distance education. Nakapaloob dito
ang paggamit ng computer, internet, messaging platforms, at iba pang applications na nagagamit
sa teaching-learning process.
____________________18. Ito ay programa ng DepEd para mga hindi nakakapasok sa paaralan—
nahadlangan ng kahirapan,  nakatira sa dakong malayo sa paaralan, nagtatrabaho, PWDs, bilanggo,
nasa rehabilitation center, dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan, mga katutubo, at iba pa.
____________________19. Ito ay organisadong proyektong pang-edukasyon ng pamahalaan na hindi
kabilang sa pormal na sistema ng edukasyon. Ang mga kurso rito ay pangkaraniwang short-
term at voluntary para sa mga tiyak na learning clienteles.
____________________20. Ito ay educational assessment scheme na gumagamit ng equivalency
competence standards upang kilalanin ang mga kaalaman, kasanayan, at mga natamong pagkatuto mula
sa mga karanasan, gaya ng sa trabaho.

III. ESSAY: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong. Gawing batayan ang rubric na nasa ibaba
para sa inyong mga kasagutan.

Puntos Indikador
5 Nakapagbibigay ng mga angkop at organisadong kasagutan sa mga katanungan
at may maliwanag na eksplanasyon at kasiya-siyang detalye.
4 Katulad ng nabanggit sa puntos 5, ang mga kasagutan ay angkop at organisado.
May ilang aspeto lamang ng kasagutan ang kailangang bigyan ng mas malalim
na ideya at detalye.
3 Ilan sa mga aspeto ng kasagutan ay angkop at organisado ngunit hindi lahat ay
nabigyan ng malinaw na ideya at detalyadong kasagutan katulad sa puntos 4.
2 Ilan lamang sa mga bahagi ng kasagutan ang organisado. Ang ilan sa mga ideya
ay hindi maayos na nailahad ayon sa katanungan.
1 Ang mga kasagutan ay walang maayos na paglalahad at ideya.
0 Walang kahit anong kasagutan.
21-25. Ano ang edukasyon? Ano ang kaibahan at kaugnayan nito sa sistema ng edukasyon?

26-30. Ano-ano ang katangian ng sistema ng edukasyon sa bansa? Ano-ano ang kakulangan at kahinaan
nito?

31-35. Ano-ano ang mga isyu o suliranin sa edukasyon sa bansa? Pano nagsimula at ano-ano ang sanhi
ng bawat suliranin? Isa-isahin at ipaliwanag.
36-40. Ano-ano ang mga programa at iba pang hakbanng na ipinatupad ng pamahalaan na bumubuwag
o nagpapahina sa social inequality at nagsusulong ng social equality sa edukasyon?

41-45. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng bawat programa ng pamahalaan?

46-50. Bakit mahalaga ang kamulatan sa mga isyung pang-edukasyon sa sarili, pamilya, komunidad, at
bansa?

Inihanda nina:

Shmaira G. Rejano at Cielo O. Polinares


Tagapagpakitang-turo
Iniwasto at nabatid ni:

Arvin D. Burce
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like