You are on page 1of 5

Department of Education

Region III
San Fernando East District
PANDARAS INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando, Pampanga

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10


50

Pangalan: ________________________________ Petsa: _________________________


Baitang at Seksyon: ________________________ Lagda ng Magulang: ______________

I. PAGSUSURI SA PANGUNGUSAP. Para sa bilang 1-8, basahin at suriin ang dalawang


pangungusap sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang gamit
ang sumusunod na batayan sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Kung ang dalawang pangungusap ay tama.


B. Kung ang unang pangungusap ay tama at ikalawa ay mali
C. Kung ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama
D. Kung ang dalawang pangungusap ay mali

______1. (A) Ang K to 12 ay ipinatupad ni Pangulong Benigno “Nonoy” Simeon Aquino III.
(B) Nahahati ang K to 12 ng anim na taon sa elementarya, dalawang taon sa junior high
school at apat na taon sa senior high school.

______2. (A) Ang STEM, HUMMS, ABM at GAS ay itinuturing na mga career tracks.
(B) Ang K to 12 program ay mahalaga dahil nagkakaroon ang bansa ng mga globally
competitive na mamamayan.

______3. (A) Pinapalakas ang early childhood education dahil ito ang kritikal na taon sa brain
development ng mga mag-aaral.
(B) Spiral Progression ang tawag sa sistema ng pagtuturo sa asignatura mula sa
pinakasimple hanggang sa kumplikadong asignatura.

______4. (A) 21st century skills ang tawag sa pagtutugma ng kurikulum sa kontekstwalisasyon.
(B) Ang Mother-tongue Based Multilingual Education ay ginagamit bilang midyum sa
pagtuturo ng Senior High School.

______5. (A) Sa Senior High School, maaaring mamili ang mga mag-aaral sa mga learning
areas o strands at apat na tracks.
(B) Isa sa mga dahilan ng pagtutol sa K-12 ay ang dagdag gastos ng mga magulang dito.

______6. (A) Ang K-12 ay nangangahulugang isang taon na kindergarten, anim na taon sa
elementarya, apat na taon sa junior high at dalawang taon sa senior high.
(B) Bago ipatupad ang programang K-12, ang Pilipinas ang tanging bansa sa buong Asya
ang may sampung taon na Basic Curriculum.

______7. (A) Nangunguna ang Pilipinas sa reading comprehension batay sa resulta ng PISA o
Program for International Student Assessment noong 2018.
(B) Ipinatupad ang programang K-12 upang mabigyan ng katuparan ang vision, mission at
core values ng DepEd.

______8. (A) Ang kontekstwalisasyon ay nangangahulugan ng pag-uugnay ng kurikulum o aralin sa


partikular na tagpuan, sitwasyon o lugar ng paglalapat upang gawing angkop,
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.
(B) Ang Middle-Level Skills ay mga kasanayan o trabaho na nangangailangan ng
edukasyon higit sa high school subalit hindi labis sa apat na taon sa kolehiyo.
II. TAMA O MALI. Para sa bilang na 9-16, suriin ang bawat pangungusap at isulat ang salitang

1
TAMA sa patlang bago ang bilang kung wasto ang pahayag at MALI naman kung ito ay hindi.

____________ 9. Ang SPED ay para sa mga mag-aaral na may kakaibang kakayahan at kalagayan
katulad ng mga differently-abled at children with special needs.
____________10. Ang Special Program in Journalism ay programa para sa mag-aaral na may likas
na talino sa agham, teknolohiya, matematika at pananaliksik.
____________11. Ang edukasyon para sa komunidad ng mga Muslim ay tinatawag na Madrasah.
____________12. Nabibigyan din ng pagkakataon na maipagpatuloy ang pag-aaral ang mga batang
6-14 taon, mga kabataang edad 15-24, mga matatandang 25 na taon o higit pa na
hindi nakapagtapos ng basic education sa tulong ng Alternative Learning System.
____________13. Ang LRMDS ay pantulong sa edukasyon para sa mga nasa laylayan ng lipunan na
nasasaklaw ng wastong edad ng pag-aaral ngunit hindi makapasok sa regular na
klase.
____________14. Ang GASTPE ay programa kung saan ang pamahalaan ay tinutulungan ang mga
mag-aaral na karapat-dapat magpatulog sa pag-aaral sa pamamagitan ng
taunang subsidiya upang mabayaran ang kanilang tuition fee at iba pa.
____________15. Makikita sa resulta ang nasasalamin sa napapanahong kurikulum tulad ng
kaalaman tungkol sa gender, kalusugan, nutrisyon, pag-iwas sa mga sakit, at
kapayapaan.

____________16. Ang mga mag-aaral ang pinakamahalagang batayan sa kalidad ng edukasyon


kaya nararapat lamang na sila ay malulusog, nakakakain nang tama, at handang
makiisa at matuto.

III. PAGKILALA. Para sa bilang 17-21, isulat ang SULIRANIN kung ito ay tumutukoy sa problemang
kinakaharap sa edukasyon at MUNGKAHI kung ang mga sumusunod na pahayag ay
nagpapataas ng kalidad ng edukasyon.

____________ 17. Marami ang mga propesyonal na umaalis ng bansa kung kaya’t nawawalan tayo
ng mga eksperto.
____________ 18. Magkaroon ng sapat na pasilidad at kagamitan na makapaghihikayat sa mga
mag-aaral at guro para lalo pang malinang ang kanilang kritikal na kaisipan at
kahusayan.
____________ 19. Maraming mga mag-aaral ang hindi pumapasok sa klase dahil sa iba’t ibang
kadahilanan katulad ng kawalan ng interes sa pag-aaral at kahirapan.
____________ 20. Ang kalidad ng edukasyon ay batay sa pangangailangan ng lipunan at
kinakailangan na ang tinuturo ay batay sa napapanahong kurikulum na nakatuon
sa mag-aaral o learner-centered at sumusunod sa maayos na pamantayan o
rubrics sa pagsukat ng kaalaman.
____________ 21. Ang umiiral na hindi pagtutugma ng edukasyong pagsasanay at ang mga aktuwal
na trabaho na nagdudulot ng patuloy na pagtaas ng unemployment at
underemployment.

IV. PAGBUO NG TALATA: Para sa bilang 22-29, hanapin sa loob ng kahon ang mga nawawalang
salita o lupon ng mga salita upang makumpleto ang talata tungkol sa pagkamamamayan. Isulat ito sa
mga patlang na makikita pagkatapos ng talata

Jus Sanguinis 10 taon Jure Matrimonii

naturalisasyon Likas na pagkamamamayan civitas

21 taon mamamayan Jus Soli

2
“Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa” mga katagang buong pagmamalaking sinasambit ng
mga Pilipino na may malalim na kaugnayan sa kanilang pagiging 22. ______ ng bansang
Pilipinas. Ang mamamayan o ang citizen ay galing sa salitang Latin na 23. ______ na
nangangahulugang grupo ng mga taong nagkakaisa na naninirahan sa isang siyudad.

May dalawang uri ng mamamayang Pilipino batay sa kung paano natamo ang kanilang
pagkamamamayan. Ang unang uri ay 24. ______ kapag ito ay natamo mula sa kanyang
kapanganakan. Kaugnay nito ay may dalawang prinsipyo na tinatawag na 25. ______ na ang
pagkamamamayan ay ayon sa relasyon sa dugo na sinusunod ng Pilipinas at 26. ______ kung
saan ang batayan ng pagkamamamayan ay lugar ng kanyang kapanganakan na sinusunod
naman ng mga bansa gaya ng Canada at Estados Unidos.

Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding tinatawag na 27. ______ na maaaring makamit ng
isang dayuhan sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas na ipinasa ng Kongreso.
Kinakailangan nasa tamang edad na 28. ______ taong gulang at 29. ______ paninirahan nang
tuluy-tuloy sa Pilipinas.

22. __________________________ 26. __________________________


23. __________________________ 27. __________________________
24. __________________________ 28. __________________________
25. __________________________ 29. __________________________

V. ODD-ONE-OUT. Para sa bilang 30-35, isulat ang titik ng HINDI kabilang sa pangkat batay sa
pahayag/pamagat na nakasulat sa itaas nila.

_______ 30. Aktibidad ng Paaralan


A. Feeding program C. Pagboto
B. Medical Mission D. Recycling program

_______ 31. Halimbawa ng Elektoral na Pansibikong Pakikilahok


A. Paglutas ng suliranin sa komunidad
B. Pagtakbo sa isang posisyon sa pamahalaan
C. Paglagay ng signages o sticker ng ibobotong tao
D. Pagrehistro sa pagboto

_______ 32. Katangian ng Aktibong Kabataan


A. May kaalaman sa mga napapanahong isyu
B. May pagmamahal sa mga banyagang produkto
C. May maigting na pagmamahal sa bayan at kultura
D. May kakayahang mamuno at gumawa ng desisyon

_______ 33. Dahilan ng Pagkawala ng Mamamayan


A. Tahasang pagtataksil sa pagkamamamayan
B. Pagsisilbi sa Hukbong Sandatahang ng Pilipinas
C. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
D. Pagkansela ng sertipiko ng naturalisasyon

_______ 34. Dahilan ng Pagsasagawa ng Politikal na Partisipasyon


A. Ideyalismo C. Sariling Interes
B. Responsibilidad D. Mataas ng posisyon

_______ 35. Mga Maaaring Makaboto ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987
A. 18 taon gulang pataas
B. hindi diskwalipikado ayon sa isinaad ng batas
C. mamamayan ng Pilipinas

3
D. tumira sa Pilipinas nang kahit anim na buwan at sa lugar kung saan niya gustong
bumoto nang hindi bababa sa tatlong buwan bago mag-eleksiyon

4
VI. IDENTIFICATION. Para sa bilang 36-43, Tukuyin ang hinihinging konsepto batay sa kahulugan
na ibinigay sa ibaba. Pumili sa loob ng kahon. Titik lamang ang isulat.

A. Demokrasya E. Pagboto
B. Politika F. Politikos
C. Di-Kumbesyunal G. Ideyalismo
D. Kumbensyunal H. Artikulo II, Seksiyon 1 ng Saligang Batas 1987

_______ 36. Ito ay karaniwang pag-uugali, gawain o pagkilos na gamit ang kinatawan o ang
representante sa pamahalaan.
_______ 37. Ito ay salitang Griywego na nangangahulugang “mula, para, o may kinalaman sa mga
mamamayan.”
_______ 38. Nakasaad dito na ang Pilipinas ay isang republikano at demokratiko kung saan ang
ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng
mga awtoridad na pampamahalaan.
_______ 39. Ito ay sistema ng pamumuno ng pamahalaan na kung saan nakasalalay ang
kahihinatnan ng isang bansa sa usaping pag-unlad.
_______ 40. Ang di-pangkaraniwan na pag-uugali, gawain o pagkilos na humahamon o tinutulan ang
ahensiya ng pamahalaan o ang naiibang kultura.
_______ 41. Ito ay isang Sistema ng pamahalaan na mga mamamayan ang humahawak ng
kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinili nila sa malayang halalan.
_______ 42. Ito ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang
Batas, at pagkakakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal.
_______ 43. Pagkakaroon ng malakas na paniniwala sa isang particular na ideya.

VII. PAGTAPAT-TAPATIN. Para sa bilang na 44-50, suriin at iugnay ang mga gawaing pansibiko at
pampulitikal na nasa hanay B mula sa mga halimbawa nito na nasa hanay A.

A B
____ 44. Paglikom ng pondo ng gobyerno A. Pagsasagawa ng General
____ 45. Pakikiisa sa pagsuporta sa paglilinis ng Assembly
ating kapaligiran B. Pagsasagawa ng protesta
____ 46. Ang kagustuhan ng mga tao ay pinaparating C. Pagboto
sa pamamagitan ng pagpupulong D. Pakikipagpalitan at pagbibigay
____ 47. Paghingi ng tulong sa mga nakaupo sa ng mahahalagang impormasyon
pamahalaan para pagpapaunlad ng sariling E. Clean & Green Program
pamayanan F. Magbayad ng buwis
____ 48. Pagboboycot at pagra-rally G. Paglapit sa mga opisyales ng
____ 49. Maayos na pamamahagi ng impormasyon pamahalaan
sa lipunan
____ 50. Paghalal ng pinuno

***Pagtatapos ng Pagsusulit***

Inihanda ni:

Bb. Miraleen S. Daclitan


Guro

You might also like