You are on page 1of 1

SAN VICENTE NATIONAL HIGH SCHOOL

Buhi, Camarines Sur

Pagsusulit sa Ikaapat na Kabanata


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
BAITANG 11
2016-2017
Pangalan ______________________________________________ Marka _______________
Taon at Pangkat ________________________________________ Petsa________________

I. Ayusin ang mga kasunod na wika ayon sa pagkalaganap o batay sa dami ng mga taal na tagapagsalita.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 12 ang patlang.
________ Kinaray-a ________ Tausug
________ Cebuano ________ Tagalog
________ Maguindanao ________ Maranao
________ Kapampangan ________ Pangasinan
________ Ilocano ________ Hiligaynon
________ Waray ________ Bicol

II. Suriin ang mga kasunod na pangungusap. Kung tama ang diwa ng pangungusap, isulat ang salitang TAMA
sa patlang. Kung mali, isulat sa patlang ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang
maging tama ang pangungusap.
____________13. Multilingguwal at multicultural na bansa ang Pilipinas.
____________14. Ang katangiang heograpikal ng ating bansa ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng ating wika at
kultura.
____________15. Limitado ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa .
____________16. Itinuturing ang wikang Ingles bilang pangunahing unang wika ng Pilipinas.
____________17. Nananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa ating lipunan.
____________18. Kasama sa opisyal na wika ang Kastila bagamat Filipino ang ating pambansang wika.
____________19. Ang lehitimong wika ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa pag-unlad ng Sistema ng
edukasyon at pagpapagana ng Sistema ng paggawa.
____________20. Pinaghihiwalay at pinatatatag ng lehitimong wika ang ekonomiya at politika ng isang bansa.
____________21. Pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming tagapagsalita sa Estados Unidos,
bukod sa Ingles.
____________22. Binago ng social media ang pamamaraan ng pamumuhay ng milyong-milyong Pilipino.
____________23. Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas.
____________24. Hindi na rin maiiwasan ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa internet.
____________25. May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa.

III. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
_______26. Ang unang daluyong ng panahon ng kasaysayang politikal at kultural ay panahon ng ______.
a. pagkakaisa b. pagkawatak-watak c. pag-unlad d. paglalabanan
_______27. Ang ikalawang daluyong ng kasaysayang politikal at kultural ng lahi ay pinagharian ng mga _____.
a. Tsino b. Hapon c. Espanyol d. Amerikano
_______28. Aling katangian ang nagbubunga sa pagkakaiba-iba ng wika at kultura?
a. heograpikal b. sosyolohikal c. soykolohikal d. sosyal
_______29.Ito ang salitang tumutukoy sa pamamaraan ng pangunguna o pamumuno ng isang klase o uri ng pag-
iisip at pamumuhay.
a. sosyalismo b. nasyonalismo c. elitismo d. kapitalismo
_______30. Noong 1998, ilang porsyento ng Pilipino ang may kakayahang magsalita ng pambansang wika?
a. 55.5 b. 65.5 c. 75.5 d. 85.5

MacelQuijano2016

You might also like