You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
BANCAL INTEGRATED SCHOOL
BANCAL, BOTOLAN, ZAMBALES

Unang Markahang Pagsusulit


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PANGALAN: _____________________________________ MARKA: _____________


BAITANG at SEKSYON:___________________________ LAGDA ng MAGULANG:___________

Isulat ang TAMA kung wasto ang kaisipan sa bawat pangungusap at MALI
kung hindi tama ang nasabing kaisipan.
___________1. Ang wikang Filipino ay binubuo ng mga makabuluhang tunog na ginagamit
lamang sa pagsasalita.
___________2. Nagiging makahulugan ang mga tunog na natutuhan sa pag-aaral ng wika kung
ito’y magagamit na sa pagsasalita at pagsusulat.
___________3. Naiiwan at namamatay ang isang wika kapag ang isang bansa ay umuunlad na.
____________4. Pangunahing instrumento ng pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa ang
paggamit ng wika maging sa anomang anyo at paraan.
____________5.Dahil sa paggamit ng teknolohiya kaya umuunlad ang wika.
_____________6. Iisa lamang ang maaaring maging opisyal na kahulugan ng wika.
____________7. May mga tao na kayang makipagkomunikasyon kahit hindi sila magsalita?
____________8. Likas na kakayahan ng tao ang wika, ito ay mayabong na sa ating isipan bago
pa nating matutuhang gamitin.
____________9. Masasabing mga guro ang unang tagapagpayaman ng wika.
____________10. Ang salitang Filipino at Pilipino ay nagtataglay ng iisang kahulugan.
___________11. Si Chomsky ay nanindigan na ang tao ay nagtataglay na ng kakayahan sa
paggamit ng wika bago pa sila mag-aral.
___________12. Ang isang salita na may likas na baybay at kahulugan ay maaaring magbago
ang kahulugan.
____________13. Instrumento sa malinaw at maayos na pagsasalita ang koordinasyon ng dila,
ngipin at panga.
___________14. May mga pagkakataon na napahahalagahan ang wika at napag-iiwanan ang
kulturang tunog ay masasabing makabuluhan.
__________15. Lahat ng tunog ay masasabing makabuluhan. .
_____________16. Ginagamit sa buong Pilipinas ang Filipino bilang wikang panturo mula Kinder
hanggang grade 3.
_____________17. Nagiging wikang opisyal ang lenggwaheng Visaya tuwing ito’y ginagamit ng
pangulo sa kanyang pag-uulat sa bayan.
____________18. Ang wikang panturo at wikang opisyal ay magkaibang wika na ginagamit sa
magkaibang paraan.
_____________19. Sa pag-unlad ng Pilipinas naaayon lamang na alisin na ang Filipino sa high
school at kolehiyo o panatilihin na lamang ito sa elementarya?
____________20. Iba’t iba ang wikang panturo na ginagamit sa mga rehiyon sa bansa sa mga
asignatura mula high school hanggang kolehiyo.
____________21. Ang batas ukol sa Wikang Filipino ay wala ng halaga dahil inalis na rin ang
Filipino sa kolehiyo.
______________22. Lahat ng mga komunikasyong opisyal sa kasalukuyan ay sumusunod sa
pagsasatitik sa Filipino.

Address: National Highway corner Parel


Street, Purok 2, Bancal, Botolan, Zambales
Contact Numbers: 09309302725
Email Address: 500513@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
BANCAL INTEGRATED SCHOOL
BANCAL, BOTOLAN, ZAMBALES

_______________23. Nagsimula ang pagmamahal natin sa Wikang Filipino noong EDSA


Rebolusyon na kinilalang pinakamapayapang himagsikan sa kasaysayan ng mundo.
______________24. Ang Tagalog at Filipino at pareho sa lahat ng aspeto.
______________25. Kapag umuunlad ang wika kasabay nitong umuunlad din ang bansa.
______________26. Nakamamatay ng wika ang kawalan ng mga pahayagang nasususlat sa
Filipino.
______________27. Sa kasalukuyan ay pantay ang pagtingin ng lipunan sa paggamit ng Filipino
at Ingles.
______________28. Ang batas ay nagsasabing ang tanging opisyal na mga wika sa Pilipinas ay
Ingles at Filipino.
______________29. Ang ating kasalukuyang alpabeto ay binibigkas ng Tagalog.
_____________30. Ang mga mag-aaral sa senior high school ay inaasahang mas magaling sa
Ingles kaysa Filipino upang masabing handa na sila sa trabaho, sa negosyo, at sa kolehiyo.

Panuto. Piliin ang titik ng wastong sagot.


1. Si Manuel L. Quezon ay kinilalang Ama ng Wikang Pambansa dahil_______.
a. pinili niya ang Tagalog para maging Wikang Pambansa
b. pinaglaban niya ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa
c. pinag-utos niya na italaga ang Agosto bilang Buwan ng Wika
d. itinatag niya ang Surian ng Wikang Filipino
2. Tagalog ang naging batayan sa paglikha ng Wikang Pambansa dahil______.
a. maraming Pilipino ang nagsasalita nito
b. ito ang wika sa kapitolyo ng bansa
c. natanto nito ang pamantayang inilatag ng SWF
d. nanalo ito sa botohan ng piniling wika
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng Komisyon sa Wikang Filipino?
a. mag-aaral ng mga dayalekto
b. gagawa ng magpapaunlad sa Wikang Pambansa
c. pipili ng magiging wikang pambansa
d. magmumungkahi ng mga pagbabago sa ortograpiya ng bansa
4. Ang Pilipinas ay masasabing malaya dahil____________.
a. hindi tayo sakop ng ibang dayuhang bansa
b. nagagamit natin ang ating mga karapatang pantao
c. mayroon tayong sariling wika
d. lahat ng nabanggit
5. Malaki ang naging ambag ni Pangulong Cory Aquino sa pag-unlad ng ating
wikang pambansa dahil____________.
a. pinag-utos niya na magamit ang Filipino sa mga transaksyon,
korespondensya
b. pinag-utos ang paggawa ng bagong diksyonaryong Filipino
c. pinag-utos na Agosto ang itatalagang buwan ng wika
d. pinag-utos ang pagbabago ng ortograpiya ng Wikang Filipino
6. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang unang naganap batay sa kasaysayan
ng Wikang Pambansa?
a. Pinagtibay na ang Filipino ang Wikang Pambansa sa Pilipinas
b. Pumili ng mga isang wikang batayan mula sa umiiral na wika sa bansa

Address: National Highway corner Parel


Street, Purok 2, Bancal, Botolan, Zambales
Contact Numbers: 09309302725
Email Address: 500513@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
BANCAL INTEGRATED SCHOOL
BANCAL, BOTOLAN, ZAMBALES

upang magkaroon ng wikang pambansa


c. gagawa ng hakbang ang konggreso tungo sa pagkakaroon ng wikang
pambansa
d. Itinuro ang Wikang Pambansa batay sa Tagalog
14 7. Alinsa mga sumusunod ang walang katotohanan?
a. Noong 1940, unang itinuro ang Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa
b. Marami at iba’t iba ang dayalekto sa Pilipinas
c. Balakid sa mabilis na pagkakaisa ang mga pulo ng Pilipinas
d. Mahinang uri ang Wikang Filipino dahil sa mahirap na bansa ang Pilipinas
8. Alin sa mga susunod ang hindi pamantayan ng Surian sa pagpili ng Wikang
Pambansa?
a. wika ng sentro ng pamahalaan
b. wika ng sentro ng edukasyon
c. wika ng sentro ng kalakalan
d. wika ng modernism
9. Alin sa mga sumusunod ang malayo sa katotohanan?
a. ang wika ay simbolo ng kalayaan ng bansa
b. maging ang wika ay may pinagdaanang kasaysayan
c. nababago ng kasaysayan ang wikang ginagamit sa bansa
d. ang wika pambansa ay maaaring palitan anomang oras
10.Bakit nagmula sa iba’t ibang pangkat ang mga itinalagang kasapi ng Surian ng
Wikang Pambansa?
a. dahil sila’y mga kinatawan ng Konggreso
b. dahil sila’y itinalaga ng pamahalaan
c. upang magkaroon ng balanseng kinatawang ang mga pangkat etniko
d. upang magkaroon ng balanseng botohan sa pagpili ng Wikang Pambansa
11.Ang Teoryang Bow – wow nagpahayag na ang mga unang tao ay natutong
magsalita sa pamamagitan ng panggagaya sa mga tunog sa kaliksan.
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
b. Teorayang Ta-ta d. Teoryang Pooh-pooh
12.Ayon sa Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay, ang salita ng sinauang mga tao ay
nagmula sa mga ritwal na kanilang ginagawa.
a. tama b. mali c. hindi laging totoo d. opinyon lang
13.Naniniwala ang mga tao noong lumaganap ang Teoryang Ding-dong, na natutong
magsalita ang mga tao dahil sa mga tunog ng hayop.
a. tama b. mali c. imbento d. opinyon lang
14.Alin sa mga sumusunod na teoryang pangwika ang unang pinaniwalaan ng mga
tao na pinagmulan ng wika?
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
b. Teorayang Ta-ta d. Teoryang Pooh-pooh
15.Ang Teoryang Pooh-pooh ay ukol sa masidhing damdamin na pinagmulan ng
wika.
a. tama b. mali c. imbento d. opinyon

16. Alin sa mga sumusunod ang hindi salitang likas sa atin?

Address: National Highway corner Parel


Street, Purok 2, Bancal, Botolan, Zambales
Contact Numbers: 09309302725
Email Address: 500513@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
BANCAL INTEGRATED SCHOOL
BANCAL, BOTOLAN, ZAMBALES

a. vakul b. hudhod c. wala d. a at b


17. Ang Wikang Tagalog ay ang mismo ding Mother Tongue ng lahat ng mga taga
central Central Luzon at ginagamit sa pagsasalita sa araw-araw. Ang pahayag na ito
ay masasabing _____.
a. mali b. totoo c. depende d. opinyon
18. Wala pang wika sa mundo ang maituturing na homogenous dahil_________.
a. lahat ng wika ay ginagamit
b. lahat ng wika ay naiimpluwensyahan ng iba pang wika
c. lahat ng wika ay magkakaiba
d. lahat ng wika ay dinamiko
19. Kilala bilang mga icon sa pagbabalita sina Noli De Castro at Mike Enriquez kahit
di mo sila makita at marinig lamang ang kanilang mga boses hindi mo maipagpapalit
ang isa sa isa pa dahil sa ______________ nila.
a. register b. idyolek c. etnolek d. pidgin
20. Barayti ng wika na nakabatay sa katayuan sa buhay at pangkat na
kinabibilangan sa lipunan.
a. register b. idyolek c. etnolek d. sosyolek

PREPARED BY:

KRISTINA MAE B.LEANDADO


Teacher

Address: National Highway corner Parel


Street, Purok 2, Bancal, Botolan, Zambales
Contact Numbers: 09309302725
Email Address: 500513@deped.gov.ph

You might also like