You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
TAGO II District
BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL

PAUNANG PAGSUSULIT 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11
S.Y. 2022-2023
Pangalan: __________________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Guro: G. Rovie G. Saz
I. Tama o Mali (Aytem 1-10)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay
tama at isulat ang MALI kung ang pahayag ay mali.

1. Isinaad sa Saligang Batas 1987 (Artikulo XV, Sek.6 ) na ang Konstitusyon ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles.
2. Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.

3. Isinaad sa Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) na “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang
Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”

4. Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.

5. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumanggap ng mga pagbabago.

6. Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa
komersiyo at industriya.

7. Ayon kay Sapiro, Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na
pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao,at sa pamamagitan nito’y
nagkakaugnay,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.

8. Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.

9. Ipinahayag ni dating pangulo Cory Aquino na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog.

10. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
II. Maramihang Pagpipilian (Aytem 11-20)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
__ 11. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang
kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.

a. Wikang Pambansa b. Lingua Franca c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo


__ 12. Ang mga sumusunod ay katangian ng wika maliban sa isa:
a. may masistemang balangkas c. static
b. buhay at dinamiko d. arbitraryo

BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL , School ID No: 317903


Junction Badong-Cabangahan, Tago, Surigao del Sur , 8302
214-2210
317903@deped.gov.ph
__ 13. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.

a. Filipino b. Bisaya c. Ilokano d.Waray

__ 14. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sakomunikasyon.

a. Sapiro b. Gleason c. Hemphill d. Hutch


__ 15. Sino sa mga sumusunod ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”?

a. Ramon Magsaysay c. Jose Rizal


b. Manuel Quezon d. Apolinario Mabini
__.16. Sa taong ito ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng mga Pilipino at ipinahayag na ang opisyal na wika ng
bansa ay Tagalog at Ingles na binatay sa Batas Komonwelt blg. 570.
a. 1934 c. 1937
b. 1935 d. 1946
__ 17. Ito ang batas na nagsasaad na ang Kongreso ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
a. Saligang-Batas 1973, Artikulo XIV, Seksyon 4
b. Saligang-Batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3
c. Saligang-Batas 1936, Artikulo XIV, Seksyon 7
d. Saligang-Batas 1987, Artikulo IV, Seksyon 6
__ 18. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Panturo c.Wikang Pambansa


b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

__ 19. Si Jose E. Romero, ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay ipinalabas ang Kautusang Pangkagawaran
blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin ng ___________.
a. Filipino b. Tagalog c. Pilipino d. wala sa nabanggit

__.20. Ang Wikang Pambansa ay nakabatay sa wikang_________________.


a. Espanyol b. Tagalog c. Ilokano d. Ingles

II. Pagsulat
Panuto: Ibigay ang sariling ideya o opinyon batay sa mga sumusunod na katanungan. Bumuo
lamang ng 5 pangungusap para sa pagsagot. Limang (5) puntos bawat bilang.

21-25. Bilang isang mag-aaral ano ang magagawa mo upang mapanatiling buhay ang
unang wikang iyong natutunan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL , School ID No: 317903


Junction Badong-Cabangahan, Tago, Surigao del Sur , 8302
214-2210
317903@deped.gov.ph
26-30. Bakit mahalaga na magkaroon ng Wikang Pambansa? Sa anong paraan ito
nakatutulong sa ating pamumuhay? Magbigay ng ilang halimbawa para sa
pagpapaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Inihanda ni: Iniwasto ni:

ROVIE G. SAZ EMELDA G. CROMBIE


Filipino 11 Titser School Head

BADONG NATIONAL HIGH SCHOOL , School ID No: 317903


Junction Badong-Cabangahan, Tago, Surigao del Sur , 8302
214-2210
317903@deped.gov.ph

You might also like