You are on page 1of 3

Pariaan National High School

Pariaan, Camalig, Albay

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Name: _______________________________ Grade & Section: ______________


Major:________________________________Date:___________Score: ________

A. TAMA AT MALI. Isulat sa guhit ang salitang TAMA kung ang pangungusap
ay pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali.
__________ 1. Si Saleeby (1924) ay nagpahayag ng walang higit pang
makapagpapatimo sa isipan ng demokrasya kundi ang
katutubong wika.
__________ 2. Noong Mayo 21, 1987 isinulong ang 1987 Policy on
Bilingual Education sa pamamagitan ng DECS Order No. 52,
s. 1989.
__________ 3. Ang wikang katutubo o mother tongue ay siyang wikang
ginagamit panturo sa bansang Alemanya, America at
Britanya at marami pang progresibong bansa.
__________ 4. Noong panahon ng hapon, ipinatigil ang paggamit ng
wikang Ingles.
__________ 5. Nagkaroon ng pampubliko at pampribadong paaralan ang
Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano.
__________ 6. Noong panahon ng Espanyol, walang isang wikang pinairal
sa bansa sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol,
ang mga paring dayuhan ang nag-aral ng mga katutubong
wika.
__________ 7. Sa panahon ng mga Amerikano, sapilitang ipinagamit ang
wikang Ingles bilang wikang pangturo at ipinagbawal ang
bernakular.
__________ 8. Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas ayon sa
Saligang-Batas ng 1987.
__________ 9. Agosto ang buwan ng wikang Filipino.
__________ 10. Ang wikang pambansa ay nagsimula sa Tagalog,
napalitan ng Pilipino at sa ngayon ay Filipino.

B. Piliin ang mga konsepto ng wika na tinutukoy ng bawat


pangungusap.Piliin ang iyong sagot mula sa kahon.

Barayti Register Homogenous Heterogenous Idyolek


Unang Wika Pangalawang Lingguwistikong Diyalek Diyalekto
Wika Pangungusap

__________ 11. Ito ay baryasyon batay sa gamit o estilo ng pananalita.


__________ 12. Ito ay baryasyon batay sa gumagamit.
__________ 13. Ito ay barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan
sa buhay.
__________ 14. Ito ay isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang
katangiang sosyo-sitwasyonal.
__________ 15. Ito ay tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita
ng tao.
__________ 16. Ipinapahayag ito na may iisang katangian ang wika.
__________ 17. Ito ay konsepto ng wika na iba-iba ang gamit, layunin,
at gumagamit dahil sa lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal
na katangian ng isang partikular na lugar na gumagamit
ng naturang wika.
__________ 18. Ito ay tumutukoy sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng
pangkat ng tao sa isang komunidad.
__________ 19. Wikang natutuhan ng isang tamo mula noong kanyang
kapanganakan.
__________ 20. Ito ay tumutukoy sa iba pang wikang pinag-aaralan o
natutuhan maliban pa sa unang wika.
C. Basahin at unawain ang mga pangyayari. Alin ang mga sanhi at alin
ang mga bunga? Isulat ang mga sagot sa guhit kung ito ay SANHI o
BUNGA.
_____________________ 21. Filipino na ang wikang pambansa batay sa
Art. XIV Seksyon. 6 ng Saligang Batas ng
1987
_____________________ 22. Kailanagang may batayan ang wikang pambansa
_____________________ 23. Mapaunlad ang kalagayan ng bansa
_____________________ 24. Kulang na kulang ng mga aklat na nasusulat
sa alinmang wikang katutubo
_____________________ 25. Napili ang Tagalog na wikang Pambansa
_____________________ 26. Hindi kailangang Ingles ang wikang panturo
_____________________ 27. Magkaroon sa lalong madaling panahon ng mga
aklat na nasusulat sa Filipino
_____________________ 28. Isang napakalaking hakbang sa pagsulong ang
paggamit ng wikang pambansa
_____________________ 29. Marami ang nagsasalita ng wikang pambansa
_____________________ 30. Kaya naging daan ang wikang pambansa sa
pagkakaunawaan.

D. Basahin ang mga sitwasyon ilapat ang nauunawaang kahulugan ng gamit


ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat sa guhit kung
Panregulatori, Pang-interaksiyonal, Pampersonal, Pangheuristiko,
Panpresentatibo, at Pang-imahinasyon ang gamit ng wika sa bawat
sitwasyon.
_____________________ 31. Pagsasarbey kung ano ang wikang pambansa.
_____________________ 32. Pagsasabi ng Po at Opo sa matandang babae
habang kinakausap.
_____________________ 33. Pag-anyaya sa bisita na saluhan silang
kumain.
_____________________ 34. Paglikha ng tauhan sa isang maikling kwento.
_____________________ 35. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan
ng wikang pambansa.
_____________________ 36. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
_____________________ 37. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit sa
paaralan.
_____________________ 38. Paggawa ng resipe ng isang kakanin.
_____________________ 39. Paggawa ng sariling tula.
_____________________ 40. Pagsulat ng pananaliksik.

E. Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B.


HANAY A HANAY B
______ 41. Isinaad ang pagpapalimbag ng “A A. Proklamasyon Blg 104
Tagalog English Vocabulary” at (1997)
“Ang Balarila ng Wikang
Pambansa”.
______ 42. Ipinahayag na isa sa wikang B. Kautusang
opisyal ang wikang pambansa. Tagapagpaganap Blg.
263
______ 43. Nagtadhana ng 9 na yunit na C. Batas Komonwelt Blg.
pangangailangan ng Filipino sa 570
kolehiyo o pamantasan.
______ 44. Nilagdaan at ipinalabas ni D. Proklamasyon Blg.
Pangulong Fidel V. Ramos na 186 (1955)
nagtatakda na ang buwan ng
Agosto, ang buwan ng wikang
Filipino.
______ 45. Ipinilabas noong Agosto 13, E. Proklamasyon Blg. 12
1959 ng noo’y kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon na si
Jose E. Romero na nag-aatas na
tawagin ang wikang pambansa na
Pilipino.
______ 46. Ipinalabas noong Marso 26, 1954 F. Saligang Batas 1987,
ni Pang. Ramon Magsaysay ang Artikulo XIV Seksyon
pagkakaroon ng pagdiriwang ng 6
Linggo ng Wika mula Marso 29-
Abril 4.
______ 47. Nilagdaan ng kalihim ng G. CHED Memorandum Blg.
Edukasyon at Kultura, Juan 59 (1966)
Manel ang pagpapairal ng
Edukasyong Bilinguwal sa mga
paaralan simula sa taong-
panuruan 1974-1975.
______ 48. Ipinag-utos ni Pangulong H. Kautusang
Diosdado Macapagal na awitin Pangkagawaran Blg. 7
ang pambansang awit sa wikang
Pilipino.
______ 49. Inilahad ang paglilipat ng I. Kautusang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika Pangkagawaran Blg.
sa Agosto 13-19. 25
______ 50. Filipino ang wikang Pambansa ng J. Saligang-batas ng
Pilipinas. 1973

F. Gamitin sa sariling pangungusap ang bawat cohesive device. Sa


pagsulat ng pangungusap, isaalang-alang ang mga halimbawang sitwasyon
na gamuit ang wika sa lipunan bilang paksang pagbabatayan ng magiging
ideya ng pangungusap.
51. Marahil __________________________________________________________
__________________________________________________________________
52. Samantala ________________________________________________________
__________________________________________________________________
53. At saka __________________________________________________________
__________________________________________________________________
54. Bilang karagdagan ________________________________________________
__________________________________________________________________
55. Hindi lamang _____________________________________________________
__________________________________________________________________
56. Bukod sa _________________________________________________________
__________________________________________________________________
57. Dahil sa _________________________________________________________
__________________________________________________________________
58. Kapag ____________________________________________________________
__________________________________________________________________
59. Dahil dito _______________________________________________________
__________________________________________________________________
60. Para sa __________________________________________________________
__________________________________________________________________

GOODLUCK! 

You might also like