You are on page 1of 2

86Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

CALIBUNGAN HIGH SCHOOL


Calibungan, Victoria, Tarlac

SUMMATIVE TEST – FILIPINO 11


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: ___________________________ Iskor: ____________


Grade 11 – St. John Petsa: ____________

I. Pagkilala. Kilalanin ang mga hinihinging sagot sa bawat tanong sa ibaba. Isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.

____________________1. Tumutukoy ito sa dalawang wikang ginagamit sa isang lugar.


____________________2. Tawag ito sa wikang katutubo sa isang pook. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.
____________________3. Siya ang namuno sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa.
____________________4. Siya ang namuno sa Komisyong Taft.
____________________5. Siya ang namuno sa Komisyong Schurman.
____________________6. Siya ang naiproklamang pangulo ng Pilipinas nang mamatay si Manuel L. Quezon.
____________________7. Pamagat ng aklat na inilabas ni Saleeby noong 1924.
____________________8. Nangangahulugan itong barayti ng wika at hindi hiwalay na wika.
____________________9. Ito ang tawag sa mga salita o termino na maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito.
____________________10. Ito ang tawag o paglalarawan sa panitikan noong Panahon ng Hapon.
____________________11. Ito ang komisyong nagpasimula sa pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas.
____________________12. Ito ang kautusan na inilabas noong Panahon ng Hapon na nag-utos na Tagalog at Hapon ang
mga wikang opisyal sa bansa.
____________________13. Isang bise gobernador at tagapagtaguyod ng Edukasyong Amerikano ang naniniwalang “hindi
maitatangging ginagamit pa rin ng mga Pilipino ang kanilang katutubong wika sa iba’t ibang gawin”.
____________________14. Ayon sa linggwistang ito, hindi sapat ang paggamit ng wikang bernakular sa pagtatamo ng
maayos na edukasyon kung kaya dapat gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan.
____________________15. Ano ang ibig sabihin ng UNESCO?
____________________16. Ano ang ibig sabihin ng DECS?
____________________17. Ano ang ibig sabihin ng CHED?
____________________18. Ano ang iba pang tawag sa salitang arbitraryo?
____________________19. Ang pang-edukasyong kautusang ito ay tungkol sa pagiging guro ng mga sundalong
Thomasites.
____________________20. Ang Kautusang Pangkagawarang ito ay nagsasaad ng dagliang pagpapalaganap at
pagpapatupad ng Ortograpiyang Pambansa na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.

III. Maramihang Pamimilian: Piliin mula sa kahon ang mga taon/petsa na tumutukoy sa mga pangyayaring naganap noong Panahon
ng Malasarili o Neokolonyal na Pamahalaan noong taong 1934-1986. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.
Agosto 16, 1934 Marso 27, 1968 Pebrero 8, 1935 Agosto 7, 1969
Nobyembre 9, 1937 Hunyo 7, 1940 Abril 1, 1940 Hulyo 7, 1940
Oktubre 4, 1947 Agosto 6, 1969 Marso 26, 1954 Abril 12, 1940
_____1. Ipinag-utos na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino sa
pamamagitan ng Memorandum Sirkular Blg. 172.
_____2. Napailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon.
_____3. Paggawa ng mga hakbang ng Kongreso tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.
_____4. Pagpapalabas ng Sirkular Blg. 26 na naglalaman ng pagtuturo ng wikang pambansa at sisimulan muna sa mga mataas at
paaralang normal.
_____5. Pinagtibay ang Pambansang Kapulungan ng Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa Pambansang Wika na maging isa sa
Wikang Opisyal ng Pilipinas Simula Hulyo 4, 1946.
_____6. Binuo ang isang kapulungan upang bumalangkas ng Saligang Batas ng Pilipinas para sa napipintong pagsasarili ng
pamahalaan sa kamay ng Estados Unidos.
_____7. Napili ang Tagalog ng Surian ng Wikang Pambansa ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral na nakatugon sa hinihingi ng Batas
Komonwelt 184.
_____8. Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.
_____9. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na nagsasaad ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.
_____10. Nilagdaan ni Ernesto Maceda ang Memorandum Sirkular Blg. 227.

You might also like