You are on page 1of 6

SHEPHERDVILLE COLLEGE

Talojongon, Tigaon, Camarines Sur


College of Education Department
First Semester
AY 2020 – 2021

______________________________________
MODULE 1 SAQ Answer Sheets

Name: Richard V. Ollete Course/Year: BSED Filipino 3D

Subject: Filipino bilang Ikalawang Wika Contact No.: 09385169536

Teacher: Gng. NELLY CORRE-MAGHOPOY Date: May 31, 2021

SAQ #1: ( puntos)

1. Ano ang esensya ng pagbabalik-tanaw at pagdalumat ng kasaysayan ng pag-unlad ng ating wika?(5


puntos)

 Ang naging dahilan ng pag-unlad ng ating wika ay ang pagsakop ng mga banyaga sa ating bansa, na
siya nakaapekto sa katutubong wika na naging dahilan din ng pag-usbong nito. Sa makatuwid,
maraming pagbabago ang naganap sa ating wika at ang ilan dito ay mga salitang hiram na siya ring
nagpatatag sa ating wika hanggang sa mapagkasunduan na ang wikang gagamitin ay Filipino bilang
pambansang wika ng Pilipinas.

2. Sa iyong sariling pananaw, paano mo bibigyang-hugis ang naging pag-unlad ng wikang Filipino sang-
ayon sa natutuhan mo sa talakayan?(5 puntos)

 Ang hugis na aking maibibigay ay tatsulok. Sapagkat hindi naging madali na maisakatuparan ang
wikang gagamitin dahil sa mga impluwensya ng mga dayuhan sa ating bansa. Maraming pag-aaral din
ang naganap upang ang wika ay magamit sa wastong pagsulat o pagsasalita man.

SAQ #2: ( puntos)

1. Sa iyong sariling opinyon bilang mag-aaral ng BSED-Filipino, Ano ang kahalagahan upang pag-aralan
ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino?
 Nakapakahalagang pag-aralan ito sapagkat ang Tagalog, Pilipino at Filipino ay naging bahagi ng
katawagan bilang wika ng atin bansa. Ito ay nagkaroon ng pagbabago simula Tagalog at naging
Pilipino hanggang maging opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas na naging Filipino. Nagkaroon ng
pagkakaiba-iba ito dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang konsepto o gamit.

SAQ #3: ( puntos)

1. Kung ikaw ang tatanungin, may nais ka bang alisin, baguhin o idagdag sa alpabeto at ortograpiyang
filipino? Ano ito at bakit? Ipaliwanag.

 Para sa akin ay wala. Dahil ito na rin ang kabuoan ng mga letra na siyang bumubuo sa mga salita na
may katumbas na kahulugan kung hahanapin ito sa disyunaryo.

SHEPHERDVILLE COLLEGE
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
College of Education Department
First Semester
AY 2020 – 2021

______________________________________
MODULE 1 EBALWASYON

Name: Richard V. Ollete Course/Year: BSED Filipino 3D

Subject: Filipino bilang Ikalawang Wika Contact No.: 09385169536

Teacher: Gng. NELLY CORRE-MAGHOPOY Date: May 31, 2021

TIMELINE NG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (20puntos)

PANAHON NG KATUTUBO 800 B.C. – 800A.D.


•Syllabic Writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin.)

•Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga


sinaunang letra.

• Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri,
masama, wika, aklat, galit, sadya. Sandata, mutya, panday at salita.

•Mayroon lamang katinig: B,D,G,H,K,L,M,N,NG,P,S,T,W,Y

PANAHON NG KASTILA 1565-1872

•Nalimot ng mga taong-bayan ang kanilang Paganismo, ngunit hindi ang


kanilang katutubong wika.

•Nakaambag ang mga Kastila sa Panitikan ng Pilipinas

1. Romanisasyon ng Alibata o Baybayin (Abecedario)

2. Pagkakasulat ng Aklat Gramatika ng iba’t ibang wikain sa


Pilipinas.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN 1872-1898

•November 1, 1897 – Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-


Bato- nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang
opisyal ng mga Pilipino.”

•Itinadhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elementarya ay wastong


pagbasa, pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang
pangunahing simulain ng Ingles.

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN 1935-1942 (Komonwelt)

• Napagkasunduan nila

“Dapat na katutubong Wika at hindi dayuhang Wika ang


Wikang Pambansa, at magpapatuloy bilang wikang opisyal ang
Ingles at Espanyol.”

1935 – Saligang Batas ng 1935 (Art.Blg.XIV, s.3) – ang kongreso ay


gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika sa
kapuluan.
Nob. 13, 1936 – Batas Komonwelt Blg. 184 – Itinatag ang surian ng
Wikang Pambansa (SWP) – Binigyan ng kapangyarihang gumawa ng
mga pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa Pilipinas at
magrekomenda ng pinakamagaling na magiging batayan ng
isangpambansang wika. TAGALOG ang kanilang pinili…

Nob.9, 1939 – Isinumite ng mga miyembro ng surian kay Pang. Quezon


ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng
wikang pambansa.

Dis.30, 1939 – Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 –


WIKANG TAGALOG ang gawing batayan sa pagpili ng wikang pambansa.

Dis. 1939 – Nalimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino ni Lope K.


Santos na kinalalang Ama ng Balarilang Pilipino.

Abr.1, 1940- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263- Pagpapalimbag ng


Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ang Balarila ng Wikang Pambansa para
magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan.

Hul.4, 1946 - Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570- ang wikang


pambansa ay sisimulang ituro bilang asignatura mula unang baitang ng
elementarya hanggang ika-apat na taon sa sekondarya.

PANAHON NG HAPON 1942-1945

•Naging aktibo si Pang. Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda ng


bagong konstitusyong nagtakda ng ilang reporma sa edukasyon.

•Nob. 30, 1943 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 – ituturo ang


wikang pambansa mula elementarya hanggang sa kolehiyo.

•Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng


tagalog sa mga gurong hindi tagalog.

•Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat sa mga


Hapones.

PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA 1946-1972

•Hulyo 4, 1946 – Batas Komonwelt Blg. 570 – ang wikang pambansa ay


isa nang Wikang Opisyal sa Pilipinas.

•1946 – ang wikang pambansa ay tatawaging “WIKANG PAMBANSANG


PILIPINO.”
•1951 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging “WIKANG PILIPINO.”

• Marso 26, 1954 – Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang


Proklamasyon Blg. 13, ang PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKA
tuwing Marso 29-Abril 4

• Setyembre 23, 1955 – Proklamasyon Blg. 186 – Inilipat ang petsa ng


pagdiriwang sa Agosto 13-19. itinapat sa kaarawan ng Pang. Quezon.

•Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – ang wikang


pambansa ay tatawaging “PILIPINO.”

•1970 – Resolusyon blg. 70 – Ang wikang Pambansa ay naging wikang


panturo sa antas elementarya.

•Hulyo 29, 1971 - Memorandum Sirkular 488 – magdaos ng palatuntunan


sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansaa, Agosto 13-19.

•Muling binuo ni Pang. Marcos ang SWP at itinakda ang mga


kapangyarihan nito.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN 1972-1985

• 1972 – Saligang Batas ng 1972(Art.XV,s.2-3) Ang Batasang Pambansa


ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang tatawaging PILIPINO at hangga’t di
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga opisyal
na wika ng Pilipinas.

•1973 – Resolusyon Blg. 73-7 – Patakarang Edukasyong Bilingguwal

•September 10, 1983 – Ang Constitutional Commission ay inaprubahan na


pormal na pagtibayin ang FILIPINO bilang Wikang Pambansa.

1986- KASALUKUYAN

• Oktubre 12, 1986 – pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng


FILIPINO bilang pambansang wika.

•Enero 1987 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 – pinalitan ang SWP


ng LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.

•Mayo 1987 – Inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing (Kalihim ng Edukasyon)


ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 32, FILIPINO – wika ng literasi,
ENGLISH – wika ng agham at teknolihiya.
•Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 – nagsagawa ng reporma sa
alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. “Ang Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.”

• Agosto 14, 1991 - Batas Republika Blg. 7104- Nilikha ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)

•Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon


Blg. 1041. Nagpapahayag sa taunang pagdiriwang ng BUWAN NG
WIKANG PAMBANSA tuwing Agosto 1-31.

You might also like