You are on page 1of 32

Yunit 1:Aralin 2:Unang Wika, Bilingguwalismo, at

Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino


Mga Layunin

1. Nalalaman ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang wika,


bilingguwalismo, multilingguwalismo, at unang wika sa pagkatuto
2. Natutukoy ang mga pag-aaral na tumatalakay sa kahalagahan ng
paggamit ng unang wika
3. Nakapagbabahagi ng personal na karanasan gamit ang inyong unang
wika
Tanong!
Maituturing bang multilingguwal ang Pilipinas?
Patunayan.
WIKANG PAMBANSA AT MULTILINGGUWALISMO

▪ Ang wikang Filipino ay binubuo ng


maraming wika mula sa kasalong
wika at mga banyagang wika.
▪ Ang wikang pambansa ay dapat
ibatay hindi sa isang wika lang kundi
sa maraming wika ng Pilipinas; pero
hindi nito pinupuwersa na isa sa
mga wikang ito ang gagawing
nukleus simula ng wikang
Pambansa(Ernesto Constantino,
1974)
Native speakers
Language ISO 639-3 Native speakers
Tagalog tgl 26,387,855
Cebuano ceb 21,340,000
Ilocano ilo 7,779,000
Hiligaynon hil 7,000,979
Waray-Waray war 3,100,000
Central Bikol bcl 2,500,000
Kapampangan pam 2,480,000
Pangasinan pag 2,434,086
Maranao mrw 2,150,000
Tausug tsg 1,822,000
Maguindanao mdh 1,800,000
Zamboangueño cbk 1,200,000
Kinaray-a krj 1,051,000
Surigaonon sgd, tgn 1,000,000
UNANG WIKA
▪ Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang
itinuro sa isang tao
▪ Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, o
arterial na wika.
▪ Sa ibang lipunan, tinutukoy ito bilang wika ng isang
etnolingguwistikong pangkat kung saan nabibilang ang isang
indibidwal at hindi ang unang natutunang wika.
BILINGGUWALISMO

▪ Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung


nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na
kahusayan.

▪ Ang patakarang bilingguwal ayon sa KWF, ay isang pagtupad sa


Artikulo XV, Seksiyon 2-3 ng 1973 Konstitusyon hingil sa Filipino at
Ingles bilang mga opisyal na wika ng komunikasyon at pagtuturo.
MULTILINGGUWALISMO

▪ Ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa


paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang
pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo.

▪ Layunin ng Multilinggwalismo samakatuwid ang unang pakinisin at


gamitin ang mga wikang katutubo o dialekto o wika ng tahanan
bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa unang
baitang hanggang ikaapat, susundan ito ng Filipino ng wikang
pambansa bago ibababad sa Wikang Ingles.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Yugto ng Wika)

• 1901 -Wikang Ingles ang mga dinala ng Amerikano at ipinapalaganap


sa pampubliko, at kalaunan sa pampribadong edukasyon.
• 1935 (Unang Yugto ng Wikang Tagalog/ TAGALOG-1)
✔ Pinangalanang wikang pambansa ang Tagalog.
• 1940 (Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog/ TAGALOG-2)
✔ Ginawang isang pang-akademikong asignatura ang Tagalog.
• 1959 (Unang Yugto ng Wikang Pilipino/ PILIPINO-1)
✔ Ang pangalang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino".
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Yugto ng Wika)

• 1973 (Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino/ PILIPINO-2)


✔ Pinatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit
tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa

• 1973(Ang Unang Wikang Filipino/ FILIPINO-1)


✔ Filipino ang artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon at papalit
sa wikang pambansa.

• 1987 (Ang Ikalawang Wikang Filipino/ FILIPINO-2)


✔ Ang wikang Pilipino ay muling kinilala bilang wikang opisyal,
pang-akademiko, at pambansa, at pinangalanang "Filipino" ng
Konstitusyon.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)
• 1901 (Monolingguwalismong Ingles/
MONOLINGGUWALISMO)
Ang sistema ng monolingguwalismong Ingles ang ipinataw sa kabataang
Filipino
✔ dahil ayaw ng mga Amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang
Espanyol;
✔ dahil wala silang makitang iisang katutubong wika na maaaring
gamitin sa kanilang ipinapalaganap na pampublikong edukasyon;
✔ at dahil ninais nilang hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at
kultura ng Estados Unidos.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)

• 1939 (Unang Bilingguwalismo/ BILINGGUWALISMO-A)


✔ Iniutos ni Jorge Bocobo, Kalihim ng Pampublikong Instruksyon, na
maaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang
panturo, lalo na para sa mag-aaral sa unang baitang, kaya ang
kauna-unahan nating programang bilingguwalismo ay binubuo ng
wikang Ingles at isa sa ating mga unang wika
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)

• 1970 (Ikalawang
Bilingguwalismo/BILINGGUWALISMO-B)
✔ Inilabas ang pamantayan ng nag-uutos na tanging wikang
Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa
lahat ng antas pang-akademiko.
✔ Sa programang ito naganap sa kauna-unahang pagkakataon
ang paggamit ng wikang Pilipino bilang wikang panturo sa
buong kapuluan.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)

• 1973 (Unang
Multilingguwalismo/MULTILINGGUWALISMO-A)
✔ Ipinatupad ito na nag-utos na gamitin ang mga unang wika bilang
midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan
naman sa paggamit ng wikang Pilipino at Ingles
• 1974 (Ikatlong
Bilingguwalismo/BILINGGUWALISMO-C)
✔ Ipinatupad ito nag nag-utos ng gamitin ang mga wikang Ingles at
Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika.
✔ Umiral ito ng higit sa isang dekada at naging batayan pa sa mga
kasunod nitong programang pangwika.
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)

• (Ikalawang Multilingguwalismo/
MULTILINGGUWALISMO-B)
✔ Ipinatupad noong panahon ni P. C. Aquino, dito pinagtibay ang
paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli
ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa
pagtuturo
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano sa Wika
(Programang Pangwika)

2009 (Ikatlong
Multilingguwalismo/MULTILINGGUWALISMO-C)
✔ Ito ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika at
nakabatay sa sistemang pananaliksik tungkol sa
multilingguwalismo
✔ Oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas
mahabang panahon ang iniutos.
✔ Ito ang tinatawag na sistematikong multilingguwalismo.
Yunit 1:Aralin 3:Lingguwistikong Komunidad at Uri
ng Wika
Mga Layunin

1. Nauunawaan ang pag-iral ng lingguwistikong komunidad


2. Nalalaman ang konsepto ng sosyolek, idyolek, diyalekto, at
rehistro ng wika
3. Natututuhan ang kahulugan ng sosyolek, idyolek at
nakakapangalap ng halimbawa.
Paano nakatulong ang lingguwistikong komunidad
upang pagyamanin ang iyong kultura?
Salik sa Lingguwistikong Komunidad
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.
Homogenous ang wika – iisang anyo at uri o barayti ang wikang
ginagamit
(Chomsky, 1965; Lyons, 1970)

2.Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at


interpretasyon nito.
katulad ito ng kinagawiang interpersonal na komunikasyon gamit ang
pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005)

3.May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.


Kaisahan sa Uri (Homogenous)
Umiiral ito sa sumusunod:
1. Sektor – mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at
tungkulin sa bayan ng nagbubuklod sa mga pagsapi sa kilusang
paggawa
2. Grupong pormal – Bible Study group
3. Grupong impormal – barkada
4. Yunit – team ng basketbol; organisasyon sa paaralan
*Nagkakaintindihan sila sa tuntunin at naibabahagi ng bawat isa ang
parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila ng wika at
pakikitungo nila sa isa’t isa.
Multikultural na Komunidad
❑ Iba-iba ang ating lahi, kulay ng balat, kasarian, paniniwala, pananampalataya,
estado sa buhay, maging kasaysayan at aspirasyon sa hinaharap.

❑ Sa usapin naman ng wika iba-iba, samo't -sari, o marami ang mga wika dahil sa
multikultural nating katangian, identidad, at pinagmulan ( heterogenous ) .

❑ Sa multikultural na komunidad, multilingguwal ang mga kasapi nito. Ang ugnayang


nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
Halimbawa:
▪ Internasyonal- United Nations; UNICEF
▪ Rehiyonal- EurUnion; ASEAN
▪ Pambansa- mga bansang may iba't ibang etnoligguwistikong pangkat
▪ Organisasyonal- Microsoft; Google; Nestle
“Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba”
URI NG WIKA

● Wika na nililikha at ginagamit


ng isang pangkat o uring
panlipunan

Halimbawa: Jejemon
URI NG WIKA
Natatangi at espesipikong
paraan ng pagsasalita ng
isang tao.
URI NG WIKA
*DIYALEKTO

Cebuano Tagalog Pangasinan Chavacano


URI NG WIKA

REHISTRO
Mga pananalita at espesyalisadong termino na
ginagamit sa iba’t-ibang larangan o propesyon.
Halimbawa ng Rehistro
Gng. Españo

Maraming Salamat !

You might also like