Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon
1. Tagapagpadala o tagapaghatid
2. Mensahe
3. Tsanel
4. Tagatanggap
5. Ganting mensahe
6. Hadlang
7. Konteksto
8. Sistema o relasyon
Wika
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng
mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit
sa pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na “ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
Maraming mga karaniwang wika ang kinikilala sa buong mundo at ang kanilang katanyagan ay
nakasalalay sa maramimg mga kadahilanan:
Laki ng populasyon
Pakikipag-ugnayan sa mga lugar ng kalakalan
Relasyong diplomatiko at edukasyon
Pagpapalitan ng pamana ng kultura
Wika sa Pilipinas
Sa isang pagdinig sa Senado noong 2014, itinanong ni Senador Loren Legarda sa Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) ang isang napakahalaga ngunit napakasalimuot na tanong, ilan ba
ang wika sa Pilipinas?
Proyekto ng Atlas ng mga Wika ng Filipinas noong 2014. Nagsimula ang proyektong ito sa
pagsusuri ng datos mula sa pitong pag-aaral na sinundan ng serye ng pagbabalida ng datos
sa iba-ibang panig ng bansa.
TAGALOG
Ito ang batayan ng wikang Pambansa
Sa geograpikal na pagpapaliwanag ang WIKANG TAGALOG ay ang wikang ginagamit ng
kalakhang Luzon (Rehiyon IV)
NGUNIT…Kailanman ay hindi naging WIKANG PAMBANSA. Ito ay batayan lamang!
Opisyal na kinilala ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bílang batayan ng Wikang
Pambansa noong 30 Disyembre 1937 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at
sinimulan itong ituro sa lahat ng paaralan sa buong kapuluan simula noong 1940.
Noong 13 Nobyembre 1936, nilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang
Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
Pilipino ang katawagan sa Wikang Pambansa noong taong (1959)- 1986.
1973- Noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo
15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang Wikang Pilipino.
Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog noong 13 Agosto 1959, sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nilagdaan ni Jose Romero na dating Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C.
Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14
Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika."
Wikang Pambansa ay Filipino
Ang Wikang Opisyal o tinatawag rin sa State Language sa wikang Ingles ay tumutukoy sa isang wika
ng partikular na bansa o estado.
Ang Lingua Franca ng bansa ay FILIPINO.
Ang Lingua Franca ng daigdig ay INGLES.
1967-1968
Naglagda ang Pangulong Marcos ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na nagtatadhanang ang lahat
ng gusali edipisyo at tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Pinalabas ng Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.172 na nagbibigay diin naang mga
letterhead ng mgakagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat nasusulat sa
Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
1973
Noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2
at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipino
WIKANG OPISYAL ng Pilipinas sa kasalukuyan ay ang FILIPINO at INGLES
Wikang Panturo
Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo.
Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na
wikang panturo ay Tagalog at Ingles. (Wikang Panturo - 19)
BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO
Ang bilinggwalismo ay ang kakayahan ng taong gamitin ang dalawang wika sa
pakikipagtalastasan.
Multilingguwalismo ang kakayahang magsalita o gumamit ng higit sa dalawang uri ng wika.
BARAYTI NG WIKA
Ang wika ay bahagi ng bawat bansa at pamayanan, sinasaklaw din nito ang kultura, pamumuhay, at
kasaysayan ng mga taong naninirahan dito. Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas
at pagsasalita ng wika ay nagkakaroon din ng Barayti o ‘variety’ sa wikang Ingles. Sinasaklaw ng Barayti
ng wika ang paraan kung paano binibigkas o sinasalita ng mga tao ang nalalaman nilang wika.
1. Sosyolek - Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang
sosyo-ekonomiko. Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon sa napapanahong uri ng
pagsasalita tulad ng bekimon at jejemon.
Halimbawa: “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.”
2. Dayalek - Ang dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong
kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek ay ayon sa
rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan
Halimbawa: Tagalog: Anong pangalan mo?
Kapampangan: Nanong lagyu mo?
Ilokano: Anya ti nagan mo?
Tatlong Uri ng Dayalekto
Ayon sa manunulat na si Curtis McFarland, isa sa mga may-aka ng Diksyunaryong Monolingwal sa
Filipino, nahahati raw sa tatlong uri ang dayalek— dayalek na sosyal, diskretong dayalek, at dayalektikal
na baryasyon.
DAYALEK NA SOSYAL
Kahit nasa iisang lugar daw ang mga tao at mayroong wika o dayalektong kinalakihan,
nagkakaroon pa rin daw ng pagkakaiba sa ginagamit na wika ang mga tao ayon sa katayuan sa
lipunan o trabaho nito
DISKRETONG DAYALEK
Ito ay sumasalamin sa direktang pagkakaiba ng mga dayalekto o wika mula sa iba’t ibang mga
lugar. Nakaaapekto sa uring ito ang lokasyon o heograpiya ng isang lugar
DAYALEKTIKAL NA BARYASYON
May mga lugar sa Pilipinas na kahit magkaiba ng lugar ay pareho naman ng wikang binibigkas
ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Ito ang ikatlong uri ng dayalek na tinatawag na
diyalektikal na baryasyon. Naiiba ang aksent, punto, o tono ng pagbigkas ng salita kahit pareho
naman ang wikang sinasalita.
HALIMBAWA: Quezon: “ka ganda baga!”
Batangas: Ala eh! “Ka ganda ere!”
Tagalog: “Ang Maganda!”
Ang Wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o pinakamaliit na tunog (ponema) na kapag
pinagsamasama ay makalilikha ng mga salita o pinakamaliit na yunit ng salita (morpema) na bumabagay
sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.