You are on page 1of 3

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG

IKALAWANG SEMESTRE – LINGGO 6

Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW

Kasanayan sa Pagkatuto:
Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. (CS_FA11/12PU-0d-93)

BIONOTE

Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng tinatawag na bionote at ang dahilan, layunin,
katangian, mga bahagi at halimbawa nito.
Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang
inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng
manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. (https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan- at-
mga-halimbawa/).
Ang kahulugan ng salitang bio ay buhay” na nagmula sa salitang Greek Bios “buhay “ na may kaugnayan sa
salitang Latin na Vivus “buhay” at Sanskrit na “jivas”.( Dictionary.com)
Ang layunin nito ay ito’y ginagamit para sa sariling profile ng isang tao parang katulad ng kaniyang academic
career at iba pang nalalaman ukol sa kanya.
MGA BAHAGI NITO
 Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay kabataan hanggang sa kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
 Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya
MGA KATANGIAN NG AYOS NA BIONOTE
1. Maikli ang nilalaman - Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga kahanga-
hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliin ang
iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw - Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.”
3. Kinikilala ang mambabasa - Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok - Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin.
Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan impormasyon.
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian - Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na
angkop sa layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/ chef.”
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante
o chef.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan - Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon - Walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng
sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan.
Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag- iimbento ng impormasyon para lamang bumango
ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.
Ang awto-biograpiya ay isinasalaysay ang lahat ng tungkol sa may-akda--buhay at karanasan niya. Ang ipinapakilala
naman sa biograpiya ay ang buhay ng ibang tao.
Halimbawa ng Bionote:
Si Gng. Carmela Esguera - Jose ay nagtapos ng Balediktoryan sa Elementarya at sa Sekondarya. Nakamit niya
ang kanyang Digri ng Bachelor of Arts in Philippine Studies, Cum laude, at Master of Arts in Philippine Literature and
Education sa University of the Philippines, Diliman. Kumuha rin siya ng kurso sa Sertipiko ng malikhaing pagsulat sa
Filipino sa nabanggit ding unibersidad.
Nakasulat na siya ng mga tula at maikling kwento at mga pag-aaral sa literaturang pambata at pagpapahalagang
pilipino, nakapagturo siya ng filipino sa elementarya at sa sekundarya sa loob ng labing walong taon at nakapaglingkod
bilang Filipino subject coordinator sa Assumption Antipolo.
Nagturo rin siya ng Special Filipino Program sa mga non-tagalog speaker at Filipino Bridging Program para sa Senior
HIgh-School sa nasabing paaralan sa kasalukuyan ay tinatapos niya ang kaniyang doktorado sa Educational
Management at patuloy pa ring nagtuturo ng Filipino. naniniwala siya na ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman bilang
guro ay manunulat ay isang paraan ng paglilingkod sa Panginoong Diyos.
(https://gawangfilipino.blogspot.com/)
GAWAIN A. Gamit ang Akrostik ng Bionote, sumulat mula sa tinalakay na mga kahulugan at katangian nito.

B - _________________________________________________________________________________________

I - _________________________________________________________________________________________

O - _________________________________________________________________________________________

N - _________________________________________________________________________________________

O - _________________________________________________________________________________________

T - _________________________________________________________________________________________

E - _________________________________________________________________________________________

GAWAIN B. Isulat sa ibaba ang mga kahalagahan ng Bionote.

PAGGANAP #3: PAGSULAT NG BIONOTE

Sitwasyon: Pagkalipas ng labinlimang taon ay naging matagumpay ka na sa iyong tinahak na propesyon.
Makapagpapalimbag ka pa ng isang aklat na naaayon sa iyong karera (Halimbawa, isa kang tanyag na chef at
nakapaglabas ka ng isang aklat tungkol sa mga bagong resipi). Bago mailimbag ang iyong aklat, kinakailangan
munang ilagay ang iyong Bionote bilang isang may-akda. Itinalaga mo ang iyong sekretarya sa pagsulat ng
iyong bionote.
Gawain: Ipagpalagay na ikaw ang sekretarya ng may-akda, isulat ang draft ng bionote sa ibaba gamit ang
pamantayang ibinigay ng may-akda:
Pamantayan:
Kahusayan sa Paglalahad ng mga impormasyon - 10 puntos
Naipakikita ang mga katangian ng isang epektibong bionote - 8 puntos
Gramatikal/Teknikal (pagbabaybay) - 7 puntos
Kalinisan - 5 puntos
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabuuan: 30 puntos
Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW
(PAGSULAT NG BIONOTE)

_______________________________________________
(Pamagat)

________________________________________________________________________________

You might also like