You are on page 1of 7

FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)
FILIPINO 12
Unang Markahan- Modyul 4.2
Pagsulat ng Bionote
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Supplementary Learning Material
Unang Markahan – Modyul 4.2 : Pagsulat ng Bionote

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (teksto, seleksiyon) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Concepcion B. Floro
Tagasuri: Werlito C. Batinga at Dr. Jet O. Gellecanao
Tagaguhit: Concepcion B. Floro
Tagalapat ng Pabalat: Nemesio S. Cancan Jr., EDD

TAGAPAMAHALA NG MODYUL
OIC-SDS: Romela M. Cruz, CESE
CID Chief: Alyn G. Mendoza, PhDTE
SGOD Chief: Emma G. Arrubio
EPS-in-Charge: Werlito S. Batinga
EPS-LRMS: Ruby E. Baniqued, EDD

Department of Education – Schools Division Office, Mandaluyong


Office Address: Calbayog St. Highway Hills, Mandaluyong City
Telephone Number: CID- 79552557
E-mail Address:sdo.mandaluyong@deped.gov.ph ● www.depedmandaluyong.org
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Sa pagsasagawa ng mga gawain na nakapaloob sa modyul, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong ng kamag-anak, o sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.
4. Tapusin ang modyul ayon sa nakatakdang Linggo.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
1

F12

___________________________________________________________________________

Pangalan : _______________________________ Petsa:___________Iskor:__________

KUWARTER 1 - MODYUL 4.2


PAKSA: PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN
ARALIN 4 .2 : PAGSULAT NG BIONOTE

Layunin:

Magandang araw!
Sa modyul na ito, inaaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

A. Nakikilala ang katangian ng bionote bilang akademikong sulatin


B. Nakapagsasaliksik ng halimbawang bionote na may kaugnayan sa
larangan.
C. Nakabubuo ng bionote ng isang manunulat sa napiling larangan.

Ang Bionote ay isa sa mga halimbawa ng akademikong sulatin na


naglalahad. Tatalakayin natin sa modyul na ito ang sumusunod:

a. Kahulugan ng Bionote
b. Gamit at katangian ng Bionote
c. Katangian ng mahusay na Bionote

PANIMULANG
PAGTATAYA
MELC 12 Week No. 5 Code: CS_FA11/12PU-0d-f-92 Kasanayan: Nakasusulat nang
maayos na akademikong sulatin.
Code: CS_FA11/12PU-0d-f-93 Kasanayan: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
2

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap.

1. Ito ay maituturing na isang lagom na gingamit sa pagsulat ng personal profile ng


isang tao.

A. Buod C. Balangkas
B. Bionote D. Blog

2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagsulat ng bionote?

A. Upang matukoy ang paksa ng sulatin


B. Upang maipaalam ang kredibilidad ng manunulat sa nasabing larangan
C. Upang magsilbing inspirasyon sa mambabasa
D. Upang magbigay- aliw sa mambabasa

3. Isa sa mga dapat na lamanin ng bionote ay ang kaligirang Pang-edukasyon ng


manunulat kabilang dito ang:

A. edad C. digri
B. pinagmulan d. Kontribusyon

4. Isa sa mga dapat na lamanin ng bionote ay ang ambag sa larangang kinabibilangan


ng manunulat kabilang dito ang:

A. edad C. digri
B. pinagmulan d. Kontribusyon

5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mahusay ng bionote?

A. Gumagamit ng unang panauhang pananaw


B. Maikli ang nilalaman
C. Naglalaman ng mga datos na hindi kinakailangan
D. Gumagamit ng ikalawang panauhang pananaw

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi
naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

1. Ang abstrak ay naglalaman ng 100 hanggang 500 na salita


2. Ang sintesis ay buod ng isang teksto.
3. Mahalaga ang kaalaman sa pagbabalangkas sa pagsulat ng abstrak at
sintesis.
4. Ang sintesis ay katulad ng paglalagom, paghahambing o rebyu.
5. Ang balangkas ay pangunahing hakbang sa pagsulat ng akademikong
sulatin.

PANIMULA

MELC 12 Week No. 5 Code: CS_FA11/12PU-0d-f-92 Kasanayan: Nakasusulat nang


maayos na akademikong sulatin.
Code: CS_FA11/12PU-0d-f-93 Kasanayan: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
3

Ano nga ba ang gamit ng Bionote?


Bakit itinuturing itong isang marketing tool?

Ilan lamang iyan sa mga katanungan na ating sasagutin gamit ang modyul
na ito. Ilan sa mga katangian ng akademikong sulatin ay ang paggamit ng pormal na wika
at pagkakaroon ng tamang impormasyon tulad ng Bionote.

BIONOTE

- Maikling paglalarawan sa manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas


inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
- Ito ay impormatibong tala na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng awtor bilang
propesyunal.
- Naglalahad ng impormasyon tungkol sa awtor na may kaugnayan sa paksang
tinalakay sa papel o trabahong nais pasukan.
- Maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor.

Ang bionote ay maaaring isulat ng mismong awtor o kaya ay ng ibang


tao.Mahalaga ang intensibong pananaliksik kung susulat ng bionote ng iba. Ito
ay nagsisilbing marketing tool kung saan itinatanghal ang mga pagkilala at
natamo ng indibidwal. Ang mga sumusunod ay mahalagang impormasyon na
nararapat lamanin ng bionote:

a. Personal na Impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-


kasalukuyan)
b. Kaligirang Pang-edukasyon ( paaralan, digri, at karangalan)
c. Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:

1. Maikli ang nilalaman. Mahalagang impormasyon lamang ang inilalagay sa


bionote at tanging mga may kaugnayan lamang sa paksa ang inilalagay dito.

2. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw. Kahit na ang bionote ay


tungkol sa sarili, mahalagang gumamit ng pangatlong panauhang pananaw.
Halimbawa:
Mas kilala bilang Rio Alma sa mundo ng panitikan, si Virgilio S.
Almario ay isang premyadong makata at kritiko bukd pa sa pagiging
natatanging tagasalin, patnugot, guro at tagapamahalang kultural.

Mula sa Bionote ni Virgilio Almario (Filipino sa Piling Larang-Akademik, Kagamitan ng Mag-aaral.p.91)

3. Kinikilala ang mambabasa. Kailangang iangkop at iayon sa target o


hinahanap ng mambabasa ang isusulat na bionote

4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Simulan ang pagsulat sa


pinakamalahagang impormasyon . Ilagay ito sa unang bahagi upang
matiyak na ito ay mababasa.

5. Nakatuon sa angkop na kasanayan o katangian. Mamili lamang ng mga


kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.

MELC 12 Week No. 5 Code: CS_FA11/12PU-0d-f-92 Kasanayan: Nakasusulat nang


maayos na akademikong sulatin.
Code: CS_FA11/12PU-0d-f-93 Kasanayan: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
4

6. May katapatan sa pagbabahagi ng impormasyon. Isa sa katangian ng


sulating ito ay ang pagiging matapat sapagkat ito ay may layuning magbigay
ng ipmormasyon at kinakailangan sumunod sa etika ng pagsulat.

GAWAIN 1: Dugtungan

Mahalaga ang pagbabasa ng bionote sapagkat


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
kung kaya’t
________________________________________________________________________

GAWAIN 2 : Saliksik

Panuto: Magsaliksik ng buhay ng isang awtor sa iyong larangan.


Gumawa ng bionote patungkol sa nasabing awtor. Tiyaking maging
matapat sa paglalahad ng impormasyon.

GAWAIN 3: Ibahagi
mo!

MELC 12 Week No. 5 Code: CS_FA11/12PU-0d-f-92 Kasanayan: Nakasusulat nang


maayos na akademikong sulatin.
Code: CS_FA11/12PU-0d-f-93 Kasanayan: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
5

Pumili ng limang kamag-aral na pagbabahaginan ng iyong


ginawang bionote. Ang bawat isa sa limang mag-aaral ay
magbabahagi at magtatala ng mga bagong impormasyon na nalaman
tungkol sa awtor mula sa bionote na isinulat ng kamag-aral.

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi
naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

1. Ang bionote ay impormatibong tala na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng awtor


bilang propesyunal.

2. Isinusulat sa ikatlong panauhan ang bionote.

3. Sa pagsulat ng bionote, kinakailangang unahin ang hindi gaanong mahalagang


impormasyon.

4. Awtor lamang ng aklat ang maaaring sumulat ng bionote.

5. Hindi kinakilangan ng intensibong pananaliksik o pakikipanayam sa pagsulat ng


bionote ng iba.

SANGGUNIAN:

Villanueva, Voltaire M. et al. 2016. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan (Akademik).


Quezon City: Vibal Group, Inc.

Corazon L. Santos, PhD et al. Filipino sa Piling Larang- Akademik Patnubay ng Guro Unang
Limbag 2016. Pasig City

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office-Mandaluyong

Calbayog Street, Highway Hills, Mandaluyong City 1500

Telefax: (632) 79552557

Email Address: sdo.mandaluyong@deped.gov.ph


●www.depedmandaluyong.org

MELC 12 Week No. 5 Code: CS_FA11/12PU-0d-f-92 Kasanayan: Nakasusulat nang


maayos na akademikong sulatin.
Code: CS_FA11/12PU-0d-f-93 Kasanayan: Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin

You might also like