You are on page 1of 4

DIVINE WORD COLLEGE OF BANGUED

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Module: 1-2 Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Topic: Pagkilala sa iba’t ibang Akademikong Sulatin ayon sa:

a. Layunin
b. Katangian
c. Gamit
d. Anyo
What I need to know

Magandang araw! Matapos nating mapag aralan ang kahulugan at kahalagahan ng


Akademikong Pagsulat. Ngayon pangalawang linggo naman sabay sabay natin kilalanin ang
iba’t ibang Akademikong Sulatin ayon sa lalyunin, gamit, katangian at anyo.

Ang pagkilala sa ibat-ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at


anyo ay nakakatulong sa pagpapalawak at pagpapalalim ng pagka-unawa sa aralin at
makakatulong ito para mas maunawaan pa ang kung ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasanay
sa pagsulat. Kailangan itong matutuhan upang mas lumawak pa ang kaalaman at umunlad ang
kasanayan sa pagsulat. Sa ikalawang lingo ng pagkatuto malalaman mo ano pa nga ba ang dapat
tandaan sa bago tayo malasusulat ng isang sulatin na pakikinabangan ng iba pang mag-aaral at
nagsasanay sa larangan ng pagsusulat sa akademikong sulatin. At makakatulong din ito sa
pagpapataas ng kaalaman sa ibat’t ibang larangan ng pagsulat.

Learning Objectives:

1. Natatalakay ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba’t


ibang larang.

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin

What I know

Bago tumungo sa aralin, ang aktibidad na ito ay makatutulong masukat ang dati ng
kaaalaman sa pagkilala sa iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layuninin, gamit, katangian at
anyo ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon.

Pormal May Paninindigan Obhetibo

May Kalinawan May Pananagutan pagbasa ng walang pag-unawa

Pictorial Essay katitikan ng Pulong Pagbasa nang may aplikasyon

Pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan

1. Ito ay hindi ginagamitan ng impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang
naturing uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral

2. Ito ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw
ang pagsulat ng impormasyon.

This module in FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) is a property and exclusive use of the DWCB SHS DEPT. any duplication and reproducgion, storing, in any retrieval system ,
disturbing , posting or uploading online as well as transmitting in any form or means (photocopying, eelctronic sharing , without prior written permission is STRICTLY PROHIBITED.
3. Ang Akademikong Pagsulat ay may kailangan paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan.

4. Binibigyang-diin ditto ang impormasyong gusting ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (alejo et al 2005)

5. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang


kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim n gating batas.

6. Kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang gamit.

7. Ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng kahulugan gamit ang paghihinuha at


komprehensiyon sa ipinpahayag ng awtor.

8. Matapos ang pagbasa, dapat ay isinasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na
maaring pasulat o pag-uulat.

9. Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.

10. Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.

What’s New

Matapos sagutan ang maikling pagsusulit. Ngayon naman sisimulan natin ang ating
panibagong aralin sa panunuod ng isang video clip. Suriing mabuti ang nilalaman ng pahayag ng
nagsasalita.Ilagay sa likod ng iyong papel ang iyong kasagutan.

Paunang Panonood:

a. Panuorin at suriin ng mabuti ang video-clip.


https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/nation-address-of-president-roa-duterte-on-
coronavirus-disease-2019-covid-19-pandemic/
b. Isulat ang mga napansin o nasuri sa napanood na sa palagay mo ay makakatulong sa
iyong pagkatuto.

A. Aktibidad na Panonood:
Panuorin ang pahayag ni President Rodrigo Duterte patungkol sa Covid 19
pandemic na kasalukuyang hinaharap ng Bansa.
B. Matapos ang Panonood:
a. Ano ang unang nasuri sa napanood na video-clip?
b. Ano kaya ang paghahandang ginawa ng nagsasalita?
c. Paano kaya makakatulong sa iyo ang napanuod na Video clip?

What’s in it

Matapos suriin ang video-clip na ang nilalaman ay ang pahayag ni Pres. Duterter
at masagutan ang gabay na tanong, ngayon sa bahaging ito palalalimin pa natin ang iyong
kaalaman patungkol sa panibagong aralin.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

1. Pormal (basahin ang p. 3)


2. Obhetibo (basahin ang p. 4)
3. May Paninindigan (basahin ang p. 4)
This module in FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) is a property and exclusive use of the DWCB SHS DEPT. any duplication and reproducgion, storing, in any retrieval system ,
disturbing , posting or uploading online as well as transmitting in any form or means (photocopying, eelctronic sharing , without prior written permission is STRICTLY PROHIBITED.
4. May Pananagutan (basahin ang p. 4)
5. May Kalinawan (basahin ang p. 4)
Layunin sa pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
1. Makakapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing
pagsasagawa ng ulat. (basahin p.4 para sa malalim na pag-unawa).
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t-ibang uri ng teksto na
nagagamit sa mga Gawain ng akademikong pagsulat. (basahin p.4 para sa malalim na
pag-unawa).
Tatlong antas na nararapat na taglayin ng isang mag-aaral
a. Una- Pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay pag-
unawa ng mga salita ng wikang ginamit.

b. Pangalawa- Pagbasa nang may pag-unawa, ang mga mag-aaral ayb nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag ng
mensahe ng awtor.

c. Pangatlo- pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa
isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang paka ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda


kasabay kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.(p.5)

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga


naisagawang pag-aaral.(p.5)

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin (p.5)

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging


inotibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.(p.5)

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng


paggawa ng Portfolio. (p.5)

Basahin at bisitahin ang link na ito para sa pagpapalawak pa ng iyong aralin:


https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

What’s More

Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Pagkatapos, tukuyin kung kanino nauukol ang
sulatin at kung ano-ano ang katangian ng teksto na nagsasabing para nga ang teksto sa
kinauukulan nito?

Ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa.itinuturing ang bigas na isa sa mga


nangungunang produkto nito. Subalit dahil sa globalisasyon, nag-iimport na tayo ng bigas.
Noong 2008, Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang nag-iimport
ng bigas. Noong 2008, Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang
nag-iimport ng bigas.

This module in FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) is a property and exclusive use of the DWCB SHS DEPT. any duplication and reproducgion, storing, in any retrieval system ,
disturbing , posting or uploading online as well as transmitting in any form or means (photocopying, eelctronic sharing , without prior written permission is STRICTLY PROHIBITED.
Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang. Prutas, at karne.
Maraming Pilipino magsasaka at maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa pagpasok ng mga
imported na produkto.

-Mula sa SIBIKOMIKS Magasin, June-August 2014

1. Sino ang mambabasang pinag-uukulan ng teksto?


2. Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito?
3. Ano ang iyong naging damdamin matapos mabasa ang teksto?
4. Paano ka nahikayat ng damdamin ng teksto?
5. Ano ang mahalagang mensahe na nais bigyang-halaga ng teksto para sa mambabasa?

What I have learned

Matapos mong tukuyin ng katangian ng teksto, sa bahaging ito palalalalimin pa natin ang
iyong kasanayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Panuto: Gumuhit ng isang pangulong-tudling (Editoryal) mula sa kinahihiligan mong


pahayagan, pagkatapos, idikit ito sa isang bond paper. Suriin at ipaliwanag ito ayon sa
sumusunod na mga pamantayan:

1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto


2. Organisasyon ng sulatin
3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit
4. Layunin ng sulatin
5. Damdamin ng sulatin
6. Mensahe ng sulatin para sa iyo

What I can do

Kumusta ang iyong paglalakbay sa iyong aralin? Nasisigurado mas naiintindihan muna
ang anyo, katangian at layunin ng Akademikong Sulatin. Kaya naman Sa paraan ng sanaysay
isulat mo ang iyong kasagutan sa bahaging ito. Ang iyong pangungusap ay naglalaman ng 4 na
pangungusap sa bawat tatlong talata. May limang puntos ang katumbas nito. Isulat ang iyong
kasagutan sa likod ng nito.

“Ano ang plaagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng
ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik.”

Reference

Manunulat: Garcis, Florante C. PhD

Koordinator: Marquez, Servillano T. Jr., PhD

Pamagat ng aklat: Filipino sa Piling Larang (akademik)

Link: https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

This module in FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) is a property and exclusive use of the DWCB SHS DEPT. any duplication and reproducgion, storing, in any retrieval system ,
disturbing , posting or uploading online as well as transmitting in any form or means (photocopying, eelctronic sharing , without prior written permission is STRICTLY PROHIBITED.

You might also like