You are on page 1of 1

Divine Word College of Bangued Unang Markahang Pagsusulit

Rizal St. Zone 6, Bangued Filipino 7

Pangalan: ______________________________________ Iskor:________


Baitang at Seksiyon: ___________ Petsa:________

KAALAMAN
I. Pang-ugnay Hunt
Panuto: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang
ginamit. Isang puntos sa bawat bilang gaano man karami ang mga pang-ugnay.
1. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa.
2. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya inalintana para sa kapakanan ng kanyang bayan.
3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang isang mayabang na kaaway.
4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga kalaban dahil sa kanyang angking talino.
5. Ang pagdating ng ulan ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa mga mamamayanan.

PROSESO
II. Pagbuo ng Acronym
Panuto: Bumuo ng acronym mula sa salitang MINDANAO. Tiyakin na maibigay ang mga paglalarawang dapat gamitin
upang tangkilikin ng mga turista ang kapuluan ng Mindanao. Maaring gumamit ng salita, parirala o pangungusap sa
paglalarawan.
Kaangkupan ng Nilalaman- 5 Gramatika-3 Impact- 2

M-
I-
N-
D-
A-
N-
A-
O-

PAG-UNAWA
II. Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Basahin, intindihin at sagutin ang mga tanong. Sagutin lamang ito ng 3-5 pangungusap.
Nilalaman- 3 Gramatika-2
1. Ano ano ang iyong maimumungkahi( suggest) upang mapalaganap at mapanatiling buhay ang mga kuwentong-bayan
lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon?

2. Maaari kayang makatulong ang taimtim na panalangin sa Panginoon para sa pagbabago ng iba? Maglahad ng isang
halimbawa. Maaaring napanood, nabasa, o tunay na naranasan para makapagpatunay rito.

“Ang lahat ng iyong pinagdadaanan sa kasalukuyan ay may kaginhawaang hatid kinabukasan. Magtiwala lang sa Kaniyang
kadakilaan.”- Teacher Belle 

You might also like