You are on page 1of 3

Holy Spirit School of Tagbilaran

Ikatlong Markahan
Unang Mahabang Pasulit sa Filipino 9

CNPangalan 9-_______Nov. 26, 2019 Iskor KAALAMAN: ________


PROSESO:
_______
PANG-UNAWA: ______
PAKSA: Aralin 1: Parabula ng Alibughang Anak; Aralin 2: Mahatma Gandhi

I. KAALAMAN: A. Kilalanin ang kasing kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa iba pang salita sa
loob ng pangungusap. Bilugan ang salitang ito.
1. Sa kanilang tahanan ay labis pa ang mga pagkaing inilaan para sa mga katulong sa sobrang dami ay hindi nila ito
maubos.
2. Nilustay niya sa mga walang kabuluhang bagay ang kayamanang kahit kalian ay hindi winaldas ng kanyang ama.
3. Lubhang nahabag ang ama nang makita anga anak, naawa siya sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na anak.
4. Natanaw ng ama ang papalapit na anak, siya ay napabalikwas nang nasilayan ito.
5. Nalaman ng ama na ang kanyang anak ay nagdalita matapos maubos ang kanyangf pera kaya’t sadyang naghirap
siya.

II. Tukuyin ang kaisipang tinutukoy ng pahayag.


1. Anong ibig sabihin ng pangalang “Mahatma?” _________________
2. Isang paraan ng pagpapahayag na nagkukuwento. _________________
3. Tawag sa salitang walang panlapi, walang katambal at hindi inuulit. Binubuo ng salitang ugat lamang.
_________________
4. Ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.________________
5. Ang kayarian ng salita kung itoý binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
lamang. _________________
6. Siya ang nagsulat ng tulang “Mahatma Gandhi.” _________________
7. Si Gandhi ay mula sa bansang _________________
8. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap sa panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
_________________

B. Punan ang talahanayan sa ibaba ayon sa hinihingi nitong kasagutan.


Pamagat Uri ng Akda Pangunahing Mahalagang aral (3pts each)
Tauhan
Alibughang 9. 10. 11-13.
Anak

Mahatma 14. 15. 16-18.


Gandhi

C. Suriin ang kayarian ng mga salitang may salungguhit. Isulat ang mga ito sa tamang hanay.
Si Mahatma Gandhi ay isa sa mga lider sa mundo na dapat ikarangal at taas noong ipagmalaki sanhi ng
kanyang kahusayan at katapatan sa paglilingkod. Isa siyang dakilang guro, isang idealista, at praktikal na tao. Ang
kanyang ginintuaang kaisipan ay unti-unti at pinilit niyang isabuhay, upang iturong ang mga kaisipang ito ay maaaring
gawin at mapagtagumpayan. Binibigyang-diin niya ang hawak-kamay na pagmamahal sa sandaigdigan at paggamit
ng buong-buong mapayapang paraan ng paglutas ng mga suliraning pambansa at pandaigdig man.

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

D. Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba upang maipakita nang maliwanag ang katangian ng iba’t ibang tulang
liriko. (2pts bawat sagot)

Uri ng Tulang Liriko Damdaming Nangingibabaw sa Tula Layunin sa Pagsulat ng Tula

Awit

“Karangalang maituturing ng mga magulang ang anak na magalang, gayundin ng guro ang
estudyanteng puno ng katapatan.” -mam hernz
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon in Advance Grade 9!
Elehiya

Pastoral

Oda

E. Unawain ang talata at sagutin ang sumusunod na katanungan nito.

Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling
walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari.
Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtalaga sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang
kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng mesa: sa ibabaw ng maasong
kapeng mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng nitog. Kung silaý palarin: kakamal ng
libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.
Halaw sa: Nagmamadali ang Maynila ni Serafin Guinigundo
1. Ang trabaho o gawain ng mga taong inilalarawan sa talata ay ________.
A. kargador B. ahente C. tindera D. negosyante

2. Sa pangungusap na “Kung silaý palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.”
Ipinapahiwatig nito na ___________.
A. di-tiyak ang hanpbuhay C. mahirap maghanapbuhay
B. mayaman ng ilang oras lamang D. Ang buhay ay walang kasiguraduhan.

3. Sa pariralang “mga mamimili ng walang puhunan (karamihan), at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa
kanila at lalong hindi kanilang pag-aari.” Masasabing ang mga taong tulad nila ay ______.
A. madiskarte B. matulungin C. matalino D. matiyaga
III. PROSESO: A. Paggawa ng sariling oda bilang pasasalamat o pagbibigay puri sa kabayanihang ginagawa
ng mga guro. (25pts)

B. Ang mga sumusunod na pangyayaring naganap sa parabulang binasa ay maaaring maganap sa


kasalukuyan at sa tunay na buhay. Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap o
nagaganap sa kasalukuyan kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o
isang pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa o napanood. (3pts bawat sagot)

1. Hinihingi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang magulang niya.

Kaparehas na Pangyayari:

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong pamumuhay.

Kaparehas na Pangyayari:-
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

IV. PANG-UNAWA: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Krayterya: Kaangkupan (3pts) ___ ___ Balarila (3pts) ___ ___ Value Integration(4pts) ___ ___

“Karangalang maituturing ng mga magulang ang anak na magalang, gayundin ng guro ang
estudyanteng puno ng katapatan.” -mam hernz
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon in Advance Grade 9!
1. Ano ang mabuting gawin kung ikaw ay pinatawad at 2. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong
binigyan muli ng isa pang pagkakataon?(10pts) namumuno sa Pilipinas upang ang ating bansa ay
makaahon sa kahirapan at korupsiyon? (10pts)

“Karangalang maituturing ng mga magulang ang anak na magalang, gayundin ng guro ang
estudyanteng puno ng katapatan.” -mam hernz
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon in Advance Grade 9!

You might also like