You are on page 1of 3

Notre Dame of Talisay City

Baitang: 9 Bilang ng Linggo: 16


Asignatura: Filipino 9 Aralin: 8
Paksa: Ang mga Pangatnig Bilang Pag-ugnay

Layunin:
 Nasusuri ang binasang maikling kuwento batay sa pagkakabuo at mga element nito.
 Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik
 Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian sa tauhan, lugar, bagay, o pangyayari.

BASAHIN

Panuto: Sagutan ang mga tanong


Linangin Natin ang Kasanayan sa
Wika at Gramatika

Paggamit ng Tamang Pang-uri sa Pagbibigay-Katangian


Ang paglalarawan ng mga tauhan, tagpuan, at mga pangyayari sa isang akda ay mabisang nailalahad kung ang
mga katangian nito ay nagbibigay-diin hindi lamang sa pisikal na katangian nito kasama na ang mga pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa ng mga tauhan.
Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-katangian sa pangalan o panghalip sa pamamagitan ng pagbibigay
ng uri, kalagayan, o bilang ng salitang tinutukoy.
May iba’t ibang gamit ang mga pang-uri sa pangungusap:
1. Panuring sa Pangngalan
Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa mga pangngalan.
Halimbawa:
Nanginig sa takot ang matandang lalaki
Nakatatakot ang abandonadong bahay
2. Panuring sa Panghalip
Ito ay mga pang-uring naglalarawan sa mga panghalip.
Halimbawa:
Ako’y buto’t balat na raw sabi ng madla
Silang makabayan ang maging huwaran ng ating kabataan.
3. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
Ito ay mga pang-uring tumatayo bilang isang simunong pangangalan sa pangungusap at pinangungunahan ng
panandang ang.
Halimbawa:
Ang mararangal ay lubusang iginagalang
Ang magaganda ay karaniwang hinahangaan.
4. Pang-uring Kaganapang Pasimuno
Halimbawa:
Mapagkumbaba ang matanda sa kuwento.
Mabagsik ang mga lamang-lupa

PAGSASANAY

PANUTO: Magsaliksik ng isang kuwentong kababalaghan. Basahin ng maaayos at suriin. Isulat ang buod nito
sa isang short bond paper. Sundan ang gabay sa ibaba.
Pamagat ng Kuwento
Simula:__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Gitna:___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Wakas:__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAG
A

Isulat sa inyong kuwaterdo ang iyong nagging damdamin pagkatapos mabasa ang akda.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
PAGTATAYA

PANUTO: Suriin ang gamit ng pang-uring naka- italisado sa bawat pangungusap. Isulat sa linya ang titik ng
wastong sagot. Ilagay sa 1/2CW.

a. Panuring sa Pangngalan
b. Panuring sa Panghalip
c. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
d. Pang-uring Kaganapang Pasimuno

_______1. May napakalaking bosyo sa gilid ng baba ang matanda ngunit hindi iyon nagging sagabal sa
kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
_______2. Mahinahon ang matanda sa pakikipag-usap sa mga tokkebi dahil alam niyang uuwi ang
mga ito pagsapit ng umaga.
_______3. Madilim ang daan patungong nayon kaya’t nagpasiya ang matanda na maghanap ng
matutuluyan sa gubat.
_______4. Ang mga baluktot ay hindi magtagumpay sa kanilang buhay.
_______5. Ayon sa kanya, hindi na kailangang tawagin pa siyang magandang binibini sa iba.
_______6. Kayong dukha ang lalong may karapatan sa yaman ng bansa.
_______7. Mapagkawanggawa ang pamilya ni Ginoong Mapaguiman.
_______8. Mapungay ang mga mata niya na nakaakit sa binatang tagasiyudad.
_______9. Silang masisikap ang tiyak na may magandang kinabukasan.
_______10. Mapupusok ang kabataan ngayon.

TAKDANG
ARALIN

PANUTO: Bumuo ng pangungusap na ginagamit ang mga pang-uri bilang pangngalan at kaganapang pansimuno. Ilagay
sa 1/2cw.
1. MAHIWAGA
Pangngalan:__________________________________
Kaganapang Pansimuno:______________________
2. Maalalahanin
Pangngalan:__________________________________
Kaganapang Pansimuno:______________________
3. Masigla
Pangngalan:__________________________________
Kaganapang Pansimuno:______________________

Sanggunian: Pintig ng Lahing Pilipino 9


Kagamitan: Aklat

You might also like