You are on page 1of 9

ANG PAGBASA BILANG

YUNIT 2
HULWARAN NG KAALAMAN

INTRODUKSYON

Ang Yunit II ay pumapatungkol sa pag-aaral hinggil sa pagbasa bilang

hulwaran ng kaalaman. Be more, read more, ang sabi sa adbertisment ng isang
pahayagan. The readers of today are the leaders of tomorrow, ang sabi naman sa
adbertisment ng isang kilalang palimbagan at outlet store ng mga aklat at kung ano-
ano pa. Ito ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang pagbibigay-diin sa pagbasa
sa ano mang sistemang pang-edukasyo

n. Malaki kasi ang nagagawa ng paglinang ng kasanayan sa pagbasa sa

paglinang ng pagkatao ng isang tao. Malaki rin ang nagagawa nito sa paghahasa ng
talino ng isang tao na kanyang nagiging puhunan upang maging matagumpay sa
isang larangan o kaya’y maging higit na kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan
kalaunan.

- ( Bernales et al. 2013)

Ano-ano ang sakop ng pangalawang bahagi/yunit?

1. Kahulugan at Hakbang
2. Yugto ng Pagbas
3. Uri at Paraan ng Pagbasa
4. Teorya sa Pagbasa
5. Estratehiya sa Aktibong Pagbasa
6. Mga Kasanayan sa Pagbasa

Sa katapusan ng unang bahagi/yunit, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

o Natutunan ang kahulugan, katangian, pamamaraan at uri ng pagbasa;

o Napagkukuro ang mga teorya sa pagbasa;
o Nakapag-aanalisa ng mga teksto bilang lunsaran sa pagbasa;
o Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya at kasanayan sa pagbasa.

PRE-TEST

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ____________ay proseso ng pagkonstrak ng kahulugan mula sa mga tekstong
nakasulat.
a. Pagbasa c. Pakikinig
b. Pagsulat d. Pagsasalita

2. Pagkilala ito sa nakalimbag na simbolo. Anong hakbang ng pagbasa ito?

a. Persepsyon c. Reaksyon
b. Komprehensyon d. Asimilasyon

3. Pagproseso ito ng isipan sa mga impormasyong ipinahahayag ng simbolong

nakalimbag? Ang pag-unawa sa teksto ay nagaganap sa hakbang na ito.
a. Reaksyon c. Persepsyon
b. Asimilasyon d. Komprehensyon

4. Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng

teksto sa hakbang na ito.
a. Komprehensyon c. Reaksyon
b. Persepsyon d. Asimilasyon

5. Iniintegreyt at inuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa sa kanyang dati nang

kaalaman at/ o karanasan sa hakbang na ito.
a. Asimilasyon c. Komprehensyon
b. Reaksyon d. Persepsyon

6. Upang mamaster ang yugtong ito, kailangang matutunan, ang mga pangangailangan ng
sining ng pagbasa sa pamamagitan ng salalayang pagsasanay at pagkakamit ng inisyal
na kasanayan sa pagbasa.
a. Pagbasang Elementari c. Pgabasang Inspeksyonal
c. Pagbasang Analitikal d. Pagbasang Sintopikal

7. Sa yugtong ito , ang mga mag-aaral ay binibigyan ng oras o panahon kung kailan dapat
matapos ang pagbabasa.
a. Pagbasang Elementari c. Pgabasang Inspeksyonal
c. Pagbasang Analitikal d. Pagbasang Sintopikal

8. Sa yugtong ito, ang pagbasa ay isang komplikado at sistematikong gawain.

a. Pagbasang Elementari c. Pgabasang Inspeksyonal
c. Pagbasang Analitikal d. Pagbasang Sintopikal

9. Ang yugtong ito ng pagbasa ay nangangailangan ng pinakamataas na antas ng

kasanayan.
a. Pagbasang Elementari c. Pgabasang Inspeksyonal
c. Pagbasang Analitikal d. Pagbasang Sintopikal

10. Panghuhula ito kung ano ang mangyayari at kung paano magtatapos ang seleksyon.
a. Vizualizing c. Predicting
b. Connecting d. Clarifying

11. Pag-uuganay ito ng binasa sa sarili.

a. Clarifying c. Evaluating
b. Connecting d. Questioning

12. Nagtatanong habang nagbabasa. Anong estratehiya ng pagbasa ito?

a. Clarifying c. Evaluating
b. Connecting d. Questioning

13. Ang teoryang ito sa pagbasa ay naniniwalang ang mga mambabasa ay pasibong
tagatanggap ng impormasyon sa teksto.
a. Tradisyunal na Pananaw c. Kognitibong Pananaw
b. Metakognitibong Pananaw d. Analitikal na Pananaw

14. Uri at paraan ito ng pagbasa na ang layunin ay matukoy at maiwasto ang mga
pagkakamaling tipograpikal.
a. Subvocalized Reading c. Speed Reading
b. Proof Reading d. SPE Method

15. Nagkokombayn ito ng sight reading at internal sounding ng mga salita tulad ng
pagbigkas sa mga ito.
a. Subvocalized Reading c. Speed Reading
b. Proof Reading d. SPE Method

MANOOD KA!

Panuto: Pagkatapos magsagutan ang paunang pagsusulit, panoorin

ang mga sumusunod na vidyo lektura:
Vidyo Lektura 1

2.1. Kahulugan at Hakbang sa Pagbasa

2.2. Yugto ng Pagbasa

*Matapos mong mapanood ang mga vidyo lektura, ito naman ang sunod mong
gagawin. Ang mga sumusunod na link ay mga vidyo na kinuha sa “youtube”.
Panoorin ito sapagkat makapagdaragdag ito sa iyong kaalaman tungkol sa mga
Talapaksang tinalakay.
ng Unang Paksa

Ano ang pagbasa?

Maramig pagpapakahulugang binigay sa pagbasa ang mga

teorista at siyentista. Ang isa dito, ayon kay Anderson et al.
1985, ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng
kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Isa itong
komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang
magkakaugnay na hanguan ng impormasyon.

Ano-ano naman ang mga

hakbang sa pagbasa?

May apat na hakbang sa pagbasa ayon kina Bernales et al.,

2001; 1. Persepsyon- pagkilala ito sa mga nakalimbag na
simbolo. 2. Komprehensyon- pagpoproseso ito ng isipan sa
mga impormasyong ipinapahayag ng simbolong nakalimbag.
Ang pag-unawa sa teksto ay nagaganap sa hakbang na ito. 3.
Reaksyon- hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan ay pagpapahalaga ng teksto sa hakbang na ito. 4.
Asimilasyon- iniintegreyt at inuugnay ang kaalamang nakuha
ng mambabasa sa kanyang dati nang kaalaman at/o
karanasan sa hakbang na ito.
Ano – ano naman ang
mga yugto ng pagbasa?

Ganito ang paglalarawan nina Mortimer Adler at Charles Van

Doren sa (http:// knol.google.com) sa mga yugto ng pagbasa: 1.
Pagbasang Elementari- karaniwang natututunan ito sa paaralang
primarya at preschool. 2. Pagbasang Inspeksyonal- ang mag-
aaral ay binibigyan ng oras o panahon kung kalian dapat matapos
ang pagbabasa. 3. Pagbasang Analitikal- ginagamit ang yugtong
ito kung kinakailangan ng malalimang pag-unawa sa isang
particular na tekstong binabasa. 4. Pagbasang Sintopikal- tinawag
itong Pagbasang Komparatibo ni Gestalt. Ito ang
pinakakomplikado at sistematikong yugto ng pagbasa.
Nangagailangan ito ng pinakamataas na antas ng kasanayan. Ang
mambabasa ay kailangang makabasa ng maraming aklat at
maiugnay ang bawat isa sa isa’t isa at sa isang paksa.

-mula sa Pagbasa, Pagsulat @ Pananaliksik nina Bernales, et al., (2013)

Pag-unawa sa Paksa Bilang 2.1 & 2.2

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag ang katagang sinabi ni Anderson tungkol sa pagbasa. “ang pagbasa ay
proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Isa itong
komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng
impormasyon.” __________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Sa palagay mo alin sa mga hakbang sa pagbasa ang pinakamahirap gawin? Ipaliwanag

ang iyong kasagutan. ______________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

3. Sa iyong palagay, nasa aling yugto ng pagbasa kaya ang iyong kakayahan sa pagabasa?
Ano-ano ang makakapagpatunay na narating mo na ang yugtong ito?
_________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Gawain Bilang 2.1 & 2.2

A. Panuto: Tukuyin kung anong hakbang sa pagbasa ang isinasaad ng mga pangungusap
na nasa ibaba.
________________1. Matapos mabasa ni Gina ang teksto, nakapagbigay siya ng puna o
reaksyong hinggil dito.
________________2. Mabilis na naunawaan ni Anna ang kanyang binasang kuwento
dahil may pagkakaparehoito sa nabasa niyang kuwento noong
siya’y high school pa lamang.
________________3. Tinitingnang mabuti ni Venn ang mga salitang nakasulat sa
kanyang binabasang tula.
________________4. Napapatigil at napapatango si Jake habang nagbabasa ng isang
artikulo.
________________5. “Napakaganda naman ng takbo ng istorya sa binasa kong kwento.”
Ang sabi ni Loyd.

B. Panuto: Ipaliwanag ang mga yugto ng pagbasa na nasa ibaba.

Pagbasang
Sintopikal

Pagbasang
Analitikal

Pagbasang Inspeksyonal

Pagbasang Elementari

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

C. Panuto: Tukuyin kung anong yugto ng pagbasa ang isinasaad ng mga sumusunod na
pangungusap.
________________1. Isa- isang pinapantig ni Jess ang mga patinig sa alpabetong
Filipino.
________________2. “Magsimula na! Isang oras nyo lamang iyan babasahin.” Ang sabi
ni Sir Josh sa kanyang mga mag-aaral na nasa ikaanim na baiting.
________________3. Nakapaggawa ng isang magandang kongklusyon si Jade at Besa sa
kanilang binasang teksto.
________________4. Dahil hindi maunawaan ni Janet ang kanyang binabasa, minabuti
niyang magtanong sa kaklase at magsaliksik.
________________5. “Ang nakalaang oras ay natapos na. Itago na ang libro at sagutan
na ang mga sumusunod na katanungan.” Ang sabi ng guro sa
Filipino.
Takdang Aralin Bilang 2.1 & 2.2

Panuto: Magsaliksik ng impormasyon hinggil sa mga uri, paraan at teorya sa pagbasa.

Isulat ang nasaliksik na impormasyon sa nakalaang kahon na nasa ibaba.

___________________________________________________________
__________________________________________________________________

______________________________________________________.

MANOOD KA!

Panuto: Pagkatapos magsagutan ang mga gawain, panoorin ang mga

sumusunod na vidyo lektura:
Vidyo Lektura 2

2.3. Uri at Paraan ng Pagbasa

2.4. Teorya sa Pagbasa

*Matapos mong mapanood ang mga vidyo lektura, ito naman ang sunod mong
gagawin. Ang mga sumusunod na link ay mga vidyo na kinuha sa “youtube”.
Panoorin ito sapagkat makapagdaragdag ito sa iyong kaalaman tungkol sa mga
paksang tinalakay.
Tala ng mga Paksa

Ano-ano ang mga uri at 1. Subvocalized Reading.

paraan ng pagbasa? Nagkokombayn ito ng sight
reading at internal sounding ng
mga salita tulad ng pagbigkas sa
mga ito.

2. Speed Reading. Koleksyon ito

ng mga paraan ng pagpapataas
ng tulin sa pagbasa nang hindi
nababawasan ang 3. Proofreading. Uri ito ng
komprehensyon at retensyon. pagbasa para sa layuning
Mahigpit itong nauugnay sa matukoy at maiwasto ang
speed reading. mga pagkakamaling
tipograpikal.

5. Survey Question- Read-

Recite-Review (SQ3R)
4. Structure- Preposition Method. Karaniwang
Evaluation (SPE) Method. ginagamit ito sa mga
Pinasikat ito nina Adler at Van
paaralang pampubliko.
Doren sa kanilang How to
Read a Book para sa pagbasa Kinasasangkutan ito ng
mainly ng mga akdang di- pagbasa tungo sa abilidad na
piksyon. maituro kung ano ang binasa.

6. Multiple Intillegence- Based (MIB) Methods.

Paggamit ito ng iba’t ibang paraan ng pag-iisip at
pagkatuto ng mambabasa upang mapagbuti ang
kanyang pagpapagalaga sa teksto.

6. Rapid Serial Visual Presentation. Nagsasangkot ito ng

paglalahad ng mga salita sa isang pangungusap nang paisa-isa
sa iisang lokasyon ng display screen at isang ispesipikong
eccentricity. Ginagamit ito upang makontrol ang pagkakaiba-
iba ng reader eye movement ng isang pangkat ng mambabasa
at sa pagsukat ng tulin sa pagbasa sa mga eksperimento.
Ano-ano naman ang mga teorya sa pagbasa?

Ang una ay tradisyunal na pananaw. Ayon kina Dole, et. al.,

( 1991, sa http//www.teachingenglish.org), ang mga
proponent ng pananaw na ito ay naniniwalang ang mga
mambabasa ay pasibong tagatanggap ng impormasyon sa
teksto. Ang kahulugan ay nasa teksto at kailangan lamang na
ireprodyus ng mambabasa ang kahulugan. Tinawag din ito
nina Nunan ( 1991) na pananaw na bottom-up sa pagbasa.

Ang pangalawa ay ang kognitibong pananaw, ang modelong top

down ay direktang oposisyon ng modelong bottom-up. Ayon kay
Nunan (1991) at kina Dubin at Bycina (1991), ang modelong
sosoyolingguwistik ng pagbasa at ang modelong topdown ay
tumutugma sa isa’t isa. Ang kognitibong pananaw ay nagbibigay-
diin din sa interaktibong kalikasan ng pagbasa at konstraktibong
kalikasan ng komprehensyon.

Ang pangatlo ay ang metakognitibong pananaw. Ayon kay

Block (1992) sa kanilang ginawang pananaliksik , nakatuon na
sa ginagawang kontrol ng mga mambabasa sa kanilang
kakayahang maunawaan ang teksto. Ang kontrol na ito ay
tinawag niyang metakognisyon. Ang metakognisyon ay
kinasasangkutan ng pag-iisip hinggil sa ginagawa ng isang
mambabasa habang siya ay nagbabasa.

-mula sa Pagbasa, Pagsulat @ Pananaliksik nina Bernales, et al., (2013)

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos ang bawat bilang)

1. Sa iyong palagay, alin ang pinakamahirap gawin sa mga tinalakay na uri at paraan ng
pagbasa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Alin naman ang sa iyong palagay ang pinakamadaling gawin o gamitin sa mga paraan
at uri ng pagbasa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

3. Paano nagkakaiba-iba ang mga teorya sa pagbasa? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka sa Gagawing Pagsasagot

5 Puntos Maayos na nasagot ang mga katanungan at may kaisahan ang mga ideya.
4 Puntos Maayos na nasagot ang mga katanungan ngunit medyo magulo ang ideya
3 Puntos Hndi gaanong nasagot ang katanungan at medyo magulo ang mga ideya.
2-1 Puntos Nakapagsagot at may kaunting ideya.
0 Puntos Hindi nakapagsagot.

You might also like