You are on page 1of 16

SENIOR HIGH SCHOOL

INSTRUCTIONAL MODULE
SCHOOL YEAR 2020-2021- 2ND SEMESTER

FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Ipinasa ni: RAGASA, JEFF STEPHEN C.

Ipinasa kay: Bb. April Jane E. Rasgo


ARALIN 1- MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT (KAHULUGAN,KATANGIAN AT
LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT.)

GAWAIN 1

Sagutin ang mga katanungan sa isang buong papel.

1. Bakit kinakailngang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

Napakahalagang pag-aralan at maunawaan ang kasanayan sa akademikong pagsulat dahil ito ay


isang asignaturang hindi basta basta. Dahil ito ay makakatulong sa ating pag aaral na magiging gabay natin
upang mapag sunod sunod ng tama ang mga uri ng pagbabasa o pagsusuri ng iba't ibang tekso magagamit sa
mga gawain ng akdemikong pag sulat. Dito din tayo natutu kong paano ang wastong pagsagawa ng ulat at
tamang konsepto mula sa tinalakay na paksa.

2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga


layunin ng akademikong Pagsulat?

Bilang isang estudyante, Mahalagang mabatid at maunawaan ko kung ano nga ba ang layunin ng
Akademikong Pagsulat upang maunawan ko ito ng lubusan at upang hindi maging magulo sa aking isipan ang
mga layunin nito.Tulad ng nga sumusumod:
1.Ang akademikong pagsulat ay may layuning mahasa at mapaunlad ang pangunahing kaisipan at kaalaman
ng mga mambabasa.
2.Ang akademikong sulatin ay nagpapalawak ng imahinasyon at kaisipan ng mamababasa lalo na ang mga
mag-aaral.
3.Ang akademikong sulatin ay nakadaragdag ng mahahalagang kaalaman at impormasyon sa mga
mambabasa lalo na sa mga mag-aaral.
4.Ang akademikong sulatin nakatutulong sa mambabasa lalo na sa mga mag-aaral na mapataas ang
kaalaman sa iba't ibang disiplina at larangan.
5.Ang akademikong sulatin ay nakakatulong din sa mambabasa lalo na sa mga mag-aaral na mas
maunawaan at nmaintindihan ang kultura ng isang bansa.
6.Nalalaman ng mga mambabasa ang mga iba't ibang reaksyon, opinyon at saloobin ng manunulat ng isang
akademikong sulatin
3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba
lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at marami pang iba.
Hindi mabuti ang Plagiarism dahil ito ay isang mabigat na kaso na pwedeng ipataw sa isang taong kumuha at
gumaya ng isang akademikong likhain. Ito ay naka sulat sa batas na Republic Act No.8293, Sa ilalim ng
kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012, maaari ring managot ang mga plagiarist, o ang mga
magnanakaw o nangongopya ng ideya o salita ng iba at pagkatapos ay aangkinin.

4. Bakit mahalaga ang bibliyograpiya sa wastong pangalap ng impormasyon?

Mahalaga ang isang bibliyograpiyan sa wastong pangangalap ng impormasyon dahil sa bibliyograpiya


natin makikita ang kredibiladad ng isang teksto. Ang bibliograpiya ay tumutukoy sa listahan ng mga aklat,
artikulo, magasin na tungkol sa isang partikular na asignatura. Ito ay tumutukoy din sa identipikasyon at iba
pang mga impormasyon patungkol sa isang akda kaya't mahalaga ito upang mapadali at mapabilis ang
pangangalap natin ng mga impormasyon. Sa pamamagitan ng wastong pagkonsulta sa mga Bibliograpiya,
masisigurado natin kung tama ba ang pinanggalingan ng impormasyong nakuha. Mahalaga ito upang matukoy
kung tunay ba at hindi gawa-gawa lamang ang impormasyong ating nakalap.

GAWAIN 2

Ibigay ang kahilingan sa bahaging ito.

Anu-ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.

1. Maalam – isa sa katangian ng isang manunulat lalo na sa larangan ng akademikong


pagsulat ay ang pagiging maalam sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa kkanyang
tinatalakay bagkus maging sa kanyang ayos ng gramatika sa pagsulat.
2. Reponsable – Ang pagigng responsible ay isa dapat sa katangian na ating tataglayin
kung tayo ay susulat ng akademikong sulatin, sapagkat tayo mismo o pangalan mismo
natin ang nakasalalay sa ating sinusulat na akademikong sulatin. Sabi nga ng aking guro
noong ako ay nasa baiting sampu, ikaw mismo ang wikang ginagamit mo.
3. Tinitiyak agad ang Punto ng usapin- Bilang tagasulat ng akademikong sulatin,
kailangan na nating ipaalam kung ano ang punto dahil ang akademikong sulatin ay hindi
naman kinakailangan ng marami pang palabok o matatamis na salita, bagkus mas
mainam na punto agad ang ating ipaalam sa ating mambabasa.
4. May kakayahang tumanggap ng Kritika ng iba – Bilang isang tagasulat ng sulatin,
malikhain man iyan o akademiko, kinakailangan nating maging bukas sa lahat ng Kritika
dahil ang mga Kritika na ibabato sa atin bilang tagasulat ay siyang huhubog sa atin na
gumaling pa sa larangan ng pagsulat.
5. Matalino- Ang pagiging matalino sa larangan ng pagsulat ay hindi nangangahulugan ng
kritisismo o diskriminasyon sa hindi pa ganoon kahusay sa pagsulat bagkus bilang
manunulat ng akademikong sulatin kailangan mong maging matalino kung ano ng aba
ang iyong tatalakayin o kung anong mga wika at gramatika ang iyong ilalagay o ilalapat
sa iyong sulatin.

GAWAIN 3

Basahin at unawain ang talataan sa ibaba, Pagkatapos, tukuyin kung kanino nauukol
ang sulatin at kung anu-ano ang katangian ng teksto na nagsasabing para nga ang teksto sa
kinauukulan.

Ang Pilipinas ay isang Agrikultural na bansa. Itinuturing ang bigas na isa sa mga
nangungunang produkto nito. Subalit dahil sa globalisasyon, nag- aangkat na tayo ng bigas.
Noong 2008, Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang nag-
aangkat ng bigas.

Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang, prutas at
karne. Maraming Pilipinong magsasaka at maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa
pagpasok ng mga imported na produkto.
1. Sino ang mambabasang pinag-uukulan ng teksto?

- Mga mamamayang Pilipino

2. Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito?

- Ang layunin ng teksto ay maghatid ng impormasyon ukol sa nararanasan ng bansa.

3. Ano ang iyong naging damdamin matapos mabasa ang teksto?

- Nakakalungkot lamang dahil kahit anong kayod ng mga magsasaka ng pilipinas ay nalulugi
pa rin ito dulot ng mga imported na produkto angkt ng ibang bansa.

4. Paano ka nahikayat ng damdamin ng teksto?

- Nahikayat ako ng teksto dahil ang mga magsasaka na kumakayod kalabaw ay hindi
umaasenso at nahihikayat ang aking damdamin sapagkat kapwa ko sila Pilipino.

5. Ano ang mahalagang mensahe na nais bigyang-halaga ng teksto para sa mga


mambabasa?

- Tangkilikin at pagyamanin pa ang sariling atin.

GAWAIN 4 MEDIA

LITERACY

Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan.

Pagkatapos, idikit ito sa isang bond paper. Suriin at ipaliwanag ito ayon sa sumusunod na
pamantayan:

Walang bakuna, walang ‘face-to-face’ classes


1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto.
- Mga mag-aaral at maging mga magulang
2. Organisasyon ng sulatin.
- DepEd / PHILSTAR
3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit.
- Ang mga wikang ginamit sa sulatin ay akma at sakto lamang para mas maunawaan
at maintindihan ng mga mambabasa. Lahat ng mga salita na ginamit ay pormal na
nagprepresenta talaga sa pormalidad ng isang tekstong babasahin.
4. Layunin ng sulatin.
- Ang layunin ng sulatin ay magbigay impormasyon para sa susunod na semester na
kasalukuyan nating dinadanas ngayon sa ating online na aralin o kurso.
5. Damdamin ng sulatin.
- Ang damdamin ng sulatin ay nakakalungkot sapagkat kahit anong gusto ko na
pumasok ngunit mas mainam at mahalaga pa rin ang kalusugan ng lahat.
6. Mensahe ng sulatin para sa iyo.
- Ang mensahe ng sulatin para sa akin na mag-aaral ay masasabi kong napaka
impormatbo dahil inilahad nila kung ano ng aba ang suliranin at danas ng bansa
kaya kinakailangan natin na mas manatili sa programa ng online na edukasyon sa
panahon ngayon. Kalusugan muna ang pinakamahala, ayon ang gustong iparating
ng tekso o pangulong-tudling na aking nabasa.

ARALIN 2- ANG PROSESO NG PAGSULAT

GAWAIN 1

1. Ipaliwanag ang kaisipang ito: “Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa , tema, o mga
tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang
kaligiran, interes at pananaw”

- Ang pagsulat ng teksto ay hindi lamang nakakulong sa kung ano ang gusto mong
talakayin, dahil ang bawat teksto ay may pamantayan na kung saan ay
kinakailangan nito ng paksa at tema para mas buhay ang iyong sulatin. Bilang
isang tagasulat, kinakailangan rin na maalam ka sa mga katanungan ng paksa
upang maipahayag mo ang iyong opinion na iyong gustong iparating sa iyong
mambabasa.

2. Paanong maituturing na sukatan ng katalinuhan ng isang tao ang pagsulat?

- Maituturing na katalinuhan ang pagsulat dahil nangangahulugan lamang na marunong


kang mag-isip at lumikha ng isang teksto na ikaw lamang at utak lamang ng mag-aaral ang
ginagamit.

3. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?


- Kinakailangan mabatid ang proseso ng pagsulat dahil ang akademikong pagsulat ay
masyadong pormal at kinakailangan natin itong gamitan ng proseso ng pagsulat para mas
maipahayag natin ng tama at wasto ang gusto nating ipahayag.

GAWAIN 2

Ilahad ang mga hakbang sa pagsulat at bahagi ng teksto. Pagkatpos, ipaliwanag ang
mahalagang ugnayan nito bilang proseso ng pagbuo ng isang komposisyon.

MGA PROSESO NG
MGA BHAHAGI NG TEKSTO
PAGSULAT

MAHALAGANG UGNAYAN

Panimula
Bago Sumulat (PreWriting) Sa bahagi ng panimula ang mga mag-
aaral ay dumaraan muna sa brainstorming.
Ano ang paksa, Ano ang layunin sa pagsulat
at estilong gagamitin.

KATAWAN

Sa pagsulat ng bahaging ito


Habang Sumusulat (Actual Writing) matatagpuan ang wastong paglallahad ng
detalye at kaisipang nais ipahayag ng may akda.
Karaniwang tuon ng bahaging ito ang halaga ng
paksa, kabuluhan ng pag-aaral at lohika sa loob
ng sulatin.

WAKAS

Nakapag-iiwan ng isang pgkakakilanlan sa


Pagkatapos Sumulat (Post-Writing) isip ng mga mambabasa na maaring mgbigay ng
uod sa isip ng mga mambabasa.

GAWAIN 3
Pumili ng isang pinakamasayang pangyayari sa iyong buhay ngayong taon. Sumulat
ng maiksing sanaysay hinggil dito.sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat at mga
bahagi ng isang teksto.

Wala ng Sasaya pa sa Isang Bata na Pinagpala.


Sa kabila ng ating pinagdadaanan sa buhay, natanong ma na ba sa iyong sarili kung masaya ka ba
ngayon? Kung nagig mapalad ka ba sa taon ito? O may roon ba akong nakakatuwa at nakakagalak na
memorya kahit ang pait ng ngiti ng mundo ngayon? Kasi ako, Oo. Pinalad, masaya at nagging maganda ang
ngiti ng mundo sa akin kahit na nilamon ang ating mundo ng pait ng nakaraan.
Sa panahon ng pandemya, karamihan ng ating mamayang Pilipino ay lubhang naapektuhan nito.
walang mayaman at mahirap sa pandemya. Halos lahat ng tao ay nagdusa at maging bansa ay lubhang na-
apektuhan na rin, ngunit sa likod ng mga pagdurusa, sakit at negatibong dulot ng pandemya ay mayroon
naman itong positibong dulot sa aking buhay, lubusan pa rin akong natutuwa dahil isa ako sa mga bat ana
pinagpala ni Bathala na harapin ang aking buhay na maging masaya at may ngiti sa aking labi. Kung usapin
lang ng kasiyahan ang pag-uusapan, marami akong kwento riyan. Una na ang pagiging ligtas ng aking mga
magulang sa sakit na dala ng kovid. Oo, lubos ang aking galak dahil isa sila sa mga tumutulong pumuksa ng
sakit na Kovid ngunit awa naman ni Bathala ay ligtas naman ang mga ito. Ikalawa, ang pagiging mapalad sa
buhay, dahil kahit minsan oo segubndo ng aking buhay sa panahon ngayon ay hindi kami pinabayaan na
magutom at magkasakit ng aking mga magulang at ang panghuli ay ang pagkakaroon ng masiglang katawan.
Mababaw man ang mga iyan bilang maging dahilan ng kasiyahan sa iba, ngunit para sa aking pagtingin ay
kasiyahan na sa akin ng lubos ang tatlong bagay na iyan.
Lahat ng tao ay hinahamon ng kalupitan ng mundo, hinahamon na kung saan tayo na mismo ang
susuko. Ngunit bilag isang bata na may pangarap, hindi uso sa akin ang salitang pagsuko. Sa panahon ng
pandemya piliin mong ngitian ang buhay dahil ngingitian ka rin nito at piitin mong bumangon araw-araw.
There’s always rainbow, after the rain, ika nga nila, kaya tuloy ang laban habang nabubuhay.

ARALIN 3 PAGSULAT NG ABSTRAK

GAWAIN 1

Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan sa isang buong papel.

1. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito nagkakaiba?

Impormatibo – ang impormatibong abstark ay naglalahad agad ng mahahalagang punto o ideya


ng teksto. Nauukol ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik.
Impormatibo

Deskriptibo – ang uri ng deskriptibong abastrak ay naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng


teksto. Nauukol ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik.

2. Bakit kailangang basahing Mabuti ang buong papel-pananaliksik bago isulat ang
abstrak?

- Kinakailangan at mahalagang basahin ulit ang buong pananaliksik sapagkat sa


abstrak na papel ay magmimistulan o tatayo bilang isang banghay o buod ng
buong pananaliksik.

3. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakakugnay-ugnay ng mga bahagi ng papel-


ananaliksik sa paksa o tema nito? Ano ang nagagawa nito sa pagsulat ng abstark?

- Kailangan maunawaan ng lubos ang pagkakasunod sunod ng pananaliksik lalo


na ng tema o paksa ng pananaliksik dahil ang isang abstrak ay tinatawag nilang
puso ng pananaliksik dahil dito mababasa ang mismong nilalaman ng
kabuuhang papel, mas maayos at mas matalino ang pagkakabanghay ng
abstrak, ay mas malapit sa mata at puso ng mga tao o mambabasa nito.

4. Bakit mahalagang isaalang-alang ang iyong kawilihan sa iyong paksa kung ikaw ay
magsasagawa ng pagsulat ng isang astrak ng papel- pananaliksik?

- Tulad nga ng sinabi ko ang abstrak ang puso isang pananaliksik,


kinakailangan rin na may kawilihan sa paksa ng isusulat dail ang abtrak ang
unang napapansin at unang binabasa ng mambabasa sa pananaliksik.

5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng abstrak?

- Mahalagang matutunan ang pagsulat ng abstrak sapagkat dito nakikita kung


may kakayahan ka bang umunawa ng buong pananaliksik o maging buong
akda.

GAWAIN 2

Basahin at unawain ang papel- pananaliksik ni Graziel Ann Ruth Latiza (2015) ng
Unibersidad Ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman Lungsod Quezon na
may pamagat na “Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas” Pagkatapos , suriin at
isulat ang mga detalye tungkol dito ayon sa balangkas sa kabilang pahina.

ABSTRAK

Tinututukan sa pag-aaral na ito ang proseso ng paghahanap ng koneksyon ng medisina


at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang
pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag. Sentrak paksa sa pag-aaral amg
etika ng mga doktor na ginagamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan,
katiwalian, at korupsyin sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Sa
ganitong sitwasyon ay sinubukan ng awtor ang pagtatampok sa kulturang Pilipino, partikular
na sa kaugaliang” pakikipagkapwa-tao” bilang suhestiyong solusyon sa problemang etikal na
nabnggit.

Sa nobela, isang doktora ang nagtapos ng kanyang internship sa pang gobyernong


ospital na naging semi-private na. Kasabay ng kanyang trabaho ay ang kanyang pagkamulat
niya sa mga hindi etikal na gawain ng kanyang mga kapwa doktor sa mga pasyente at maging
sa mismong mga kasamahan nila sa propesyon. Kasabay din ng trabaho niya ay ang oag-
intindi sa lumalalang kondisyon ng kalusugan ng ama kung kaya mapipilitan siyang tumaliwas
sa kanyang paniniwala upang maabot lamang ang pangangailangn niyang personal.

Sa kabila ng katotohanang hindi isang estudyante ng medisaina ang awtor at ang


kaalaman niya sa teknikal na bahagi ng panggagamot ay natutulad sa karaniwang tao,
sinubukan ng awtor ang paggamit sa nabnaggit na limitasyon bilang kalakasan upang ilapit sa
karaniwang tao ang doktor at ipakita ang pagkatao nito na nkadarama pa rin ng lungkot, takot,
kaapihan, at nalalagay pa rin sa mga alanganing sitwasyon tulad ng pangangailangan ng
kabuhayan.
Bagamn isang sensitibong paksa, ang etika ng mga doktor sa kasalukuyan, pinili pa din ng
awtor na suongin ang usapin na ito bilang pagsubok sa pagbibigay-pugay rin sa mga doktor
na naniniwala pa rin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin, higit sa lahat sa pamamagitan
ng panitikan- ang tinuturing na katibayan na kultura na yumayaman sa pagdaan ng panahon.

Pamagat ng Paksa: Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas

Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon: Unibersidad Ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman Lungsod

Quezon.

Mahalagang impormasyon sa pag-aaral: Ang mahalagang impormasyon sa pag-aaral ay


ang pagkakaroon ng koneksyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo
at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at
pamamahayag
Kahalagahan ng pag-aaral: Ang kahalagaan ng pag-aaral ay nakaktuklas ito ng panibagong
kaalaman na maari palang magkaroon ng koneksyon ang medisina at panitikan.

GAWAIN 3- PAGSULAT

Bumuo ng abstrak mula sa pananaliksik na ginawa sa asignaturang Komunikasyon at


pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagbuo ng
abstrak. Gawin ito sa bond paper at ipawasto sa guro.

GAWAIN 4- MEDIA LITERACY

Manaliksik ng tig-limang papel-pananaliksik na kuwalitatibo at kuwantitatibo. Tipunin ang


mga abstrak nito at paghambing-hambingin ang pagkakkaiba mula sa paksa , nilalaman,
implikasyon, at kalikasan o kayangian. Ilagat sa bond paper.

1. Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo na


may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan ng
wika at kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang pagtingin
sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto ang pananaw na ito sa
enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang
Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang
konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon, sa pagsusuri ng
mga cultural domain o pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay
iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas
ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.

2. Ang lipunan ay maituturing na anumang pangkat ng tao na nagsama-samadahil sa iisang tunguhin o


layunin. At ang wika ay mahalaga sa isang lipunan. Hindimaipagkakaila na minsan, ang lipunan
aynagtataglay ng hindi lamang iisang wika(plurilingual): nangangahulugan na angkaramihan ay
maaaring nakapagsasalita ng higitsa isang wika. Mahalaga ding bigyang-pansin naang kahulugan ng
wika at ng lipunan ay hindiindependent. May kaugna
` yan ito sa isa’t isa.

- Ang mga abstrak na aking nasuri ay tumatalakay lamang sa kung paano ba gagamitin ang
wika sa iba’t ibang larangan tulad na lamang sa edukasyon, pakikipagtalastasan at sa iba
pang larangan.

ARALIN 4- PAGSULAT NG SINTESIS

GAWAIN 1
Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo na
may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan ng
wika at kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang pagtingin
sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto ang pananaw na ito sa
enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang
Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang
konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon, sa pagsusuri ng
mga cultural domain o pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay
iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas
ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.

5. Ano ang buod o Sintesis?


- Ang nagging buod g sintisis ay kung paano ng aba gagamitin ang wika, kung bakit
mahalaga ang wika at bakit ito inaaral.

6. Bakit kailngan matutuhan ang paraan ng pagbubuod?


- Dahil dito napapamalas kung naintindihan ba ng tunay ng bata ang nabasa.

GAWAIN 2

1. Paano nagagamit ang tatlong uri ng pagsunod-sunod ng mga detalye ng pagbubuod?


- Nagagamit ang tatlong uri ng pagsunod-sunod sa pagpapaayos at pagpapalinaw
ng isang sulatin
2. Ano ang naitutulong ng maayos na pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari sa
mabisang pakikipagtalastasan, pasult man o pasalita?
- Mas nagiging impormatibo at naiintindihan ang binabasa ng mga mambabasa.

3. Paano mo iuulat ang isang pangyayaring iyong nasaksihan sa payak na paraan? Bakit?

GAWAIN 3

Humanap ng isang teksto , basahin at unawain , pagkatapos ibuod iyon ayon sa mga bahagi ng teksto. Ilagay
sa bond paper.

PAMAGAT: Impeng Negro

PANIMULA: Sa isang iskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina at kapatid. Sa tuwing aalis ng
bahay si Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa
pakikipagaway lalo na kay Ogor.
Si Ogor ang siga sa lahat ng agwador sa kanilang lugar. Madals nitong tuksuhin si Impen sanhi panlabas na
anyo nito. Anak siya ng kanyang ina sa isang negrong amerikano . Meron siyang kapatid na anak naman ng
kanyang ina sa isang Amerikanong puti kaya ganon na lamang ang pagtukso sa kanya ng mga tao.

GITNA: Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina.
Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa
paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na
maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa
sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor. Napansin ni Impen ang langkay ng
mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa
ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor
sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at
pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya.
Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.
WAKAS: Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang
pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay
Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni
Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na
magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni
Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

ARALIN 1- PAGSULAT NG BIONOTE

GAWAIN 1

Ano ang nagging batayan ng pinagmulan ng salitang bionote?

- Ang bio ay salitang griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “Buhay”. Nagmula rin sa
wikang griyego ang salitang Graphia na ibig namng sabihin ay “Tala”, mabubuo ang
salitang BIOGRAPHY- ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. Mula rito mabubuo
naman ang BIONOTE- ito ang talaltang naglalaaman ng maikling deskripsyon tungkol sa
may akda. Bio o“buhay” at Note“dapat tandaan” kaya masasabing ito ay tala sa buhay na
dapat tandaan

Kailan gumagawa o sumusulat ng bionote?


- Gumagawa o sumusulat ng bionote ang isang manunulat kapagnatapos nito gumawa ng
isang akda.
Ano ang kahalagahan ng bionote sa mga tagapakinig at sa paglalathala ng mga teksto.
- Mahalaga ang Bionote sa isang akda dahil ito ang magrerepresenta sa kung sino
ang nasa likod ng akdang iyton.
Bakit mahalagang maunawaan ang pagsulat ng bionote?
- Kailangan maunawaan ang pagsulat ng bionote, upang maiwasan ang pagnanakaw ng
nailimbag na akda at maging papuri na rin ito sa ating sarili kung sumusulat at ganon rin sa
mga manunulat.

Paanno napauunlad ng bionote ang larangan ng pagsulat?


- Sa masining na pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

GAWAIN 2

Gamit ang Venn Diagram, ipaliwanag ang mahahalagang pagkkatulad at pagkakaiba ng


bionote, autobiography, at biodata. Pagkatapos bumuo ng kongklusyon mula sa ginagawang
paghahambing.

Nasa ayos ng
pasalaysay o sanaysay Autobiography
Bionote
at naka pangatlongPagpapakilala sa isang
Pagpapakilala sa panauhan. tao na kumpleto
tao na mayroong patungkol sa kanya ang
maiksing nirereppresenta
pagpapakilala Nagpapakilala
lamang Ginagamitan Marami ang
ng isang hinihinging
papel katangian
Biodata

Pagpapakilala sa tao ngunit


hindi nakapasalay ang
pagpapatlang

KONGKLUSYON; Nagkakaiba-iba man ng pagsulat ngunit may iisang layunin at iyon Mgpapakilala
lamang sa mga tao, sinuring tao, o maging sarili mo.

GAWAIN 3- MEDIA LITERACY


Magsagawa ng pakikipanayam saoob mga taong kakilala sa inyong komunidad, maaring sa
kakilala sa loob ng tahanan o kamg-anak dahil sa kanilan kredibelidad propesyonalismo at
natatanging nagawa pagkatpos gumawa ng bionote.
Si Jeff Stephen C. Ragasa ay nakapag tapos sa mababang paaralan ng Don Galo National High
School sa Paranaque bilang isang studyante sa pangsekondaryang antas ng pag-aaral at kasalukuyang nag-
aaral sa St. Jude College Dasmariñas Cavite Inc. na kumukuha ng kursong Humanities and Social Sciences.
Siya ay nagging parte ng isang organisasyon sa kanilang barangay na Barangay Anti-Drugs and Cigarette
(BADAC) na kung saan ay nag bibigay impormasyon at nag tutuwid sa mga maling bisyo o gawain ng isang
tao. Siya rin ay naging parte ng isang dulaan sa dati nyang paaralan. Si Jeff Stephen ay isa ding manunulat na
kadalasang nag tatampok ng maikling kwento, at tula na may temang Aksyon. Kinuha nya ang kanyang kurso
sapagkat gusto nya na isa sya samagiging susi upang mas dumami pang kabataan at Pilipino ang yumakap at
tumangkilik sa wika.

ARALIN 2- PAGSULAT NG TALUMPATI


GAWAIN 1

Suriin ang sumusunod na mga pahayag kung tama o mali. Bigyang-katwiran ang iyong
magiging sagot.

Kung susulat ka ng talumpati, mahalagang mapupukaw ng interes ang mga ipormasyong


ilalahad.

- Tama, isa sa mga hinahanap na kalidad ng talumpati ay ang pumukaw pansin ng


mga tao.

Hindi na dapat pang bigkasin ang talumpati sa harap ng maraming tao.

- Mali, ang talumpati ay binibigkas sa harap ng tao, dahil pinupukaw mo ang atensyon ng
mga ito.

Ang talumpati ay dapat na magbigay ng impormasyon, manghihikayat at mang-aliw .


- Tama, dahil ang talumpati ay nag bibigay aral at realisasyon sa mga tao at
kailangan ma aliw ang talumpati para mahikayat ang mga manonood at hindi ito
antukin.

Sa pagbigkas ng talumpati , nararapat na maging tapat sa iyong sarili upang maipadama


ang iyong damdamin sa mga nakikinig.
- Tama, dahil hindi ka paniniwalaan ng manonood kung wala itong emosyon lalo na
kug kinakabahan ka.

Hindi dapat mang-aliw ang talumpati.

- Mali, ang pangunahing trabaho ng talumpati ay mang-aliw at manghikayat ng


manonood.

GAWAIN 2

1. Ano ang kahulugan ng talumpati para sa iyo?


- Ang talumpati ay isang oral na pahayag na nagmumula sa iyong isp at puso na inilalahad
mo sa harap ng maraming tao o harap ng mga tao.
2. Anu-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati?
- Paghahanda ang pinaka mahalaga sa mga salik sapagkat ang taong
naghahanda ay hindi nabibigla, kung kaya’t ang tao kapag handa ay maganda
ang nagiging piyesa at hindi na ito kakabahan kung ito ay handa na.

3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa


pagtatalumpati?
- Dahil ito ang huhusga ng iyong inilahad sa kanilang harapan, at
pukaw pansin nila ang iyong pangunahing mithiin na makuha kung
ikaw ay magtatalumpati.

4. Paano masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang damdamin ng


kanyang mga tagapakinig?
- Kapagnatuwa at nagustuhan nila ang talumpati na iyong isinalaysay

GAWAIN 3- PAGSULAT

Sumulat ng isang talumpati ayon sa paksang iyong kinawiwilihan at iugnay sa iyong sariling
mga karanasan upang higit na mapalutang ang mga ideya.
Gamiting gabay ang sumususunod na mga tanong sa pagsulat ng iyong talumpati.

TALUMPATI NG PAMAMAALAM PARA SA PUSONG INIWAN


Kadalasan kapag tayo ay iniwan, ang laging tanong ay “bakit?” Bakit ka ganyan? Bakit ganito? Bakit
nagkaganito ang buhay ko? Ang talumpating ito ay para sa mga taong nagmamahal ng sobra sobra, pero ang
nakukuha ay tira tira. Sabi nila pag ganon na daw ang sitwsyon, huwag mo na pigilan, ‘wag mo ng pakiusapan.
Hayaan mo nalang, kung saan sya masaya. Ihatid mo nalang. Kahit sandali palayain ang mga puso. At sabi
nga sa kantang Binalewala— Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo. Hahayaan mo na mamaalam.
Hahayaan mo na lumisan.       
“Hindi kita iiwan!”- ang pinakagasgas na kasinungalingan. Sa pag-ibig, madalas natin itong naririnig.
Bakit nga ba kailangan magmahal sa taong hindi karapat-dapat? Bakit pa magmamahal kung mamamaalam at
masasaktan din lamang? Anong dapat gawin upang hindi na masaktan ng lubusan kapag muling iniwan?        
Ang isang relasyon ay maaaring nagsimula sa simpleng “Hi” o sa salitang “Hello” at maaari ring
nagsimula sa tanong na “Pwede ba kitang makilala?” Nagkateks, nagkatawagan at nagkakwentuhan.           
Masaya nga pumasok sa isang relasyon, ngunit handa ka rin ba sa mga darating na pagsubok? Hindi
maiiwasan sa isang relasyon ang away dito, away doon. Kawalan ng tiwala ang isa sa mga dahilan. Aanhin pa
nga ba ang tiwala kung ang bawat hinala ay palaging tama? Tama sila, pag nagmahal ka, kakayanin mo ang
lahat – ang sakit, selos, sama ng loob at higit sa lahat, ang katotohanan na masakit. Ganyan talaga ang pag-
ibig, sa una, papasayahin ka at sa bandang huli mamamaalam at iiwan ka lang pala. Ang relasyon na
nagsimula sa tanong na “Pwede ba kitang makilala?” ay nagtapos sa salitang “Sana hindi na lang kita
nakilala.” Sa paglisan mo baon ko ang mga sugat na iniukit mo sa aking puso. Salamat sa pamamaalam mo.
Dahil sa sakit na ibinigay mo mas naging matatag ako. Kapag nagmahal akong muli, mas mahalin mo ang
aking sarili. Kapag nagmahal kang muli dapat hindi mahal na mahal para pag nasaktan ka, hindi masakit na
masakit. Sa tamang panahon, may isang taong magpapatunay sa’yo kung bakit ka para sa kanya at kung bakit
hindi ka para sa iba.

1. Ano ang paksa ng iyong talumpati?


- Ang Paksa ng aking ginawang Talumpati ay patungkol sa Pusong Iniwan.
2. Ano ang nais mong mangyari sa mga makikinig ng iyong talumpati?
- Nais kong mapakinggan ng aking mga taga-pakinig ang aking gawang talumpati. Nais ko
rin silang bigyan ng aral at mensahe sa pamamagitan ng aking talumpati.

3. Mapupukaw ba ng iyong mensahe ang kawilihan ng mga tagapakinig?


- Oo, dahil marami ngayon sa mga kabataan at mga taga-pakinig ang “heart broken” mapa
pag-ibig, pamilya, o pagkakaibigan man.
4. Dapat bang isaalang-alang ang organisasyon ng nillalaman sa pagsulat ng iyong
talumpati?
- Oo, dahil lahat ng akda ay nararapat lamang na mapasama sa anumang
organisasyon dahil lahat ng kwento ay mayroong lugar na kinabibilanagan.

PANGALAN:
BAITANG/PANGKAT:
PETSA NG PAGPASA NG MODYUL:
LAGDA NG MAGULANG:

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Bb. April Jane E. Rasgo, LPT Bb. Ma. QueserieB.Dramayo, LPT

Guro- SHS Akademikong katulong na punong-guro

Naprubahan ni:

Gng. Kristoffer B. Viloria, LPT, MAEd

Punong Guro

You might also like