You are on page 1of 1

Mula sa pagiging batang mahilig maglaro ng Luto-lutuan ay naging kauna-unahang Pilipino na pambato

sa MasterChef Asia. Isang magandang halimbawa na kung mahal mo ang iyong ginagawa, Ika’y
magtatagumpay.

Siya si Ryan Regunayan, ang nag pasikat ng katagang “Live,Love and Eat” sa kaniyang mga sikat na
Cooking Show at Cooking Recipe Book. Tinapos niya ang kursong Batsilyer ng Agham sa Pamamahala ng
Hotel at Restawrante nagtapos siya sa Gourmet Academy, ang eskwelahang nangunguna sa bansa
pagdating sa larangan ng Culinary Arts. Noon pa man, Pangarap na ni Ryan ang maging Chef at kahit na
nakatapos na siya ng Batsilyer hindi siya tumigil sa pag-abot ng kaniyang pangarap. Dahil dito kumuha
siya ng dalawang taong Culinary Course sa Culinary Institute of America, tinapos niya ang kursong
Associate in International Hospitality Management specialized in Culinary Arts and Kitchen Operation.
Dahilan upang magbukas ang mga naglalakihang opurtunidad. Sa katunayan ito ang dahilan kung bakit
siya ang unang Pilipino na kumatawan sa MasterChef Asia. Bigo mang maiuwi ang Titulo, isa parin itong
napakalaking karangalan hindi lamang para sa kaniyang sarili bagkus para sa buong bansang Pilipinas.
Ilang pagkilala ang kaniyang natanggap tulad na lang ng Asian Star Achiever Award for Culinary mula sa
Global Excellence Award. At dahil dito unti unti siyang nakilala, pati narin ang kaniyang matatamis na
recipe.

Sa edad ba 25, Si Ryan ay isa sa pinakabatang Culinary Chef sa bansa. Tinagurian siyang “Master of
Sweets” dahil sa kaniyang mga natatanging galing sa pag-gawa ng panghimagas. Ilan dito ay hirang
bilang “Best Dessert of 2019” ayon sa Dessert Expert 101. Napatayo na din niya ang kaniyang sariling
Restaurant at Pastry Shop na dinadayo at lubos tinatangkilik ng masa. At dahil artistahin, kabi-kabila rin
ang kaniyang mga TV guesting, bagay na lubos na ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat ng kaniyang
pamilya.

You might also like