You are on page 1of 8

MODYUL-4

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

BB. STEPHANIE P. MONTERO
MODYUL 4

BIONOTE

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

Bilang isang mag-aaral, mahalagang iyong malaman ang kahulugan at halaga ng bionote. Ito ay
makatutulong sa iyo upang maging dalubhasa sa pagsusuri at pagsulat ng iba’t ibang aralin.

Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahulugan, halaga, mga dapat tandaan at mga hakbang
sa pagsulat ng bionote. Ang mga ito ay ilan sa mga nakapaloob sa isang akademikong pagsulat na
kadalasan ay isinasagawa sa loob ng paaralan at maging ng mga propesyunal na tao. Tulad ng ibang
sulating akademiko, isa ang bionote na kadalasan na makikita, mababasa at sinusulat sa mga libro.
Ang bionote ay isang sulatin na nagpapakilala sa isang indibidwal.

Panuto: Gumawa ng isang bionote(maikli at mahaba) ang taong lubos mong iniidolo. Isulat ang burador
ng iyong sulatin sa mga kasunod na kahon. Lakipan ito ng larawan ng paksa na iyong bionote.

Edukasyon Proyektong Nagawa Katangian Personal

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Basahin at Suriin Natin!

A. KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang
maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang-diin ng bionote ang mga bagay-
bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad na
impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang upang ipabatid sa mga mambabasa o
tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad. Dahil dito, napakahalagang
maisulat nang mabuti ang isang bionote. Dapat ding tandaan na maituturing na volatile ang sulating
ito sapagkat, maaari itong magbago nang mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa
isang indibidwal.

Sa katunayan maraming rason kung bakit kailangan ang isang bionote. Sa pagtalakay ng
http:/www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang sa
mapaggagamitan nito ang mga sumusunod:

• Aplikasyon sa trabaho;
• Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
• Pagsasalita sa mga pagtitipon; at
• Paglalawak ng network propesyunal.

B. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote ang iminungkahi sa
artikulong Guidelines in Writing Biographical Notes (sa http://www.kaowarsom.be). Ito ay
kinabibilangan ng sumusunod:

1. Balangkas sa pagsulat. Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw

sa iyo ang balangkas ng iyong susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang
prayoritisasyon ng mga impormasyong isasama sa bionote.
2. Haba ng bionote. Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa
hanggang tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang
bionote. Ayon kay Brogan (2014), isang kilalang social media guru, may tatlong uri ng
bionote ayon sa haba nito: micro-bionote, maikling bionote, at mahabang bionote.
Sabi pa ni Brogan (2014) na isang magandang halimbawa ng micro-bionote ang
isang impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa mismong pangalan, ginawa, at
tinatapos sa detalye ng mismong paksa ng bionote.
Ang maikling bionote sa kabilang banda ay kadalasang isa hanggang tatlong talatang
paglalahad ang inilalagay batay sa impormasyon ng taong ipinakikilala.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)
Ang mahabang bionote isang ordinary na pagpapakilala sa isang natatanging
panauhin. Sapagkat may sapat na oras para sa pagbasa nito at espasyo para ito ay isulat.
3. Kaangkupan ng nilalaman. Dapat mong malamang na hindi lang mga natamo at
mahahalagang impormasyon tulad ng propesyonal na trabaho o edukasyon ang kailangan
mong isama sa bionote. Ang bionote ay isinusulat para sa isang tiyak na tagapakinig o
mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil dito, mahalagang isiping mabuti ang mga
impormasyong kailangang isama sa iyong bionote.
4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Ito ay tumutukoy sa antas ng mga salitang gagamitin
sa bionote. Nakadepende ang pormalidad/impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa
mismong audience at sa klima ng mismong okasyon na paggamitan nito.
5. Larawan. Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha
ng litrato at hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa
larawan.

C. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

Paano mo nga dapat isulat ang bionote?

Sa pagtalakay ni Brogan (2014), inilahad ang iba’t ibang hakbang sa pagsulat ng bionote.
Bagamat hindi naman permanente ang mga hakbang na ito, makatutulong ito sa mga
estudyante at manunulat na bago pa lamang sa larangan ng pagsulat ng bionote.

1. Tiyakin ang layunin. Tulad nang nabanggit na sa unang pagtalakay, mahalagang malinaw
sa iyo ang layunin kung bakit kailangang isulat ang bionote. Gagabayan ka ng iyong layunin
kung anong mga impormasyon ang mahalagang isama at mula rito’y matutukoy mo rin ang
magandang paraan upang ilahad ang mga ito.
2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote. Maykro, maikli o mahaba ba ang
isusulat na bionote? Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. Kung tiyak
na ang iyong layunin, matutukoy mo na rin ang dapat na haba ng iyong bionote. Mahalaga
rin ang pagdedesisyon sa haba ng bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga
organisasyong humihingi nito.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. Ang paggamit ng ikatlong panauhang
perspektib o third person perspective ay makatutulong upang ipakilala nang obhetibo ang
paksa ng bionote.
4. Simulan sa pangalan. Bagama’t kadalasang binabanggit sa dulo ang pangalan kapag
binabasa lamang ang bionote, kung nasa pasulat na anyo, iminumungkahing ang pangalan
ang unang makikita. May mahalagang dahilan kung bakit ginagawa ito. Una mayroon na
agad katauhan ang ipinakikilala at ikalawa ay unang mairerehisto sa kamalayan ng mga tao
ang pangalan ng ipinakikilala. Mahalaga ito dahil ang pangalan ang pinakaimportanteng
matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at
natamo ng paksa.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Kung ang pagpapakilala ay isang komunidad ng
mga inhinyero, mahalagang banggitin na ang ipanakikilala ay sa kabilang din sa naturang
komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang larangan na may kaugnayan sa kanila.
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang
na may kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote. Kung sumusulat ka
ng aklat sa computer science, huwag nang isama pa ang mga bagay na walang direktang
kinalaman dito.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa
ng bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong target audience o reader, idagdag ito bionote.
8. Isama ang contact information. Upang mapalawak ang network sa propesyon at upang
makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa ekspertis na larangan, makabubuting isama ang
mga impormasyong kung paano posibleng makipag-ugnayan sa kanya ang mga tao.
9. Bahasahin at isulat muli ang bionote. Kapag tapos nang isulat ang bionote basahin mo
ito nang malakas.

Panuto:Magsaliksik ukol sa mga kasunod na personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan

at gawan ng micro-bionote ang bawat isa.
1.
_________________________________________________________

Dado Banatao

2.
Manny Pacquiao
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)
3.

Angel Locsin

4.

Nelson Mandela

5.

Angelina Jolie

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Panuto: Gawan ng bionote (maikli o mahaba) ang iyong sarili. Isulat ang burador ng iyong
sulatin sa mga kasunod na patlang. Lakipan ito ng larawan na sa tingin mo ay nagpapakita ng iyong
mga katangian at ilagay sa gilid ng iyong talata.

____________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

_

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Sanggunian:

Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko. Mutya Publishing House. Inc: Malabon
City, Philippines
Acopra, J., Catipon, L., Lazaro, N., Enrile, A., Armendares, J., Zagado, T., Guttan, O., Soriano, M., Paulmitan, M., Ruiz,
M., Barrios, N & Mercado, M. (2016) Akademikong Filipino sa Piling Larangan. Mindshapes Co. Inc: Intramuros, Manila
City, Philippines
Evasco, E.& Ortiz, W. (2017) Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan Akademiko. C & E Publishing House. Inc:
South Triangle Quezon City, Philippines
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.netclipart.com%2Fisee%2FxhmioT_graphic-free-
download-shopbodysense-products-can-help-
healthy%2F&psig=AOvVaw3gXko4F9vmAkZwWVgah4E2&ust=1594454819132000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQj
RxqFwoTCOjF5bydwuoCFQAAAAAdAAAAABAX

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Finsights.bookbub.com%2Fgreat-author-bio-
examples%2F&psig=AOvVaw11vSR3-
H_Boc27ytrtqHwX&ust=1594454487924000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJD7gtGdwuoCFQAAAAdAAA
AABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Finvenioit.com%2Fultimate-guide-protecting-business-
ransomware%2Fattachment%2Fgraduation-cap-clipart-fw%2F&psig=AOvVaw0vYDhcYMnc-
RtQ5C00y4WN&ust=1594734191734000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNDhy_-
tyuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2F2020%2F06%2F10%2Fkathryn-bernardo-how-
brainy-the-actress-is-this-post-goes-viral%2F&psig=AOvVaw0UECon6zAXpdwbTr6Ni-
IN&ust=1594739465245000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLjtt-LCyuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2F95641-vice-ganda-bio-age-family-life-story-a-
cosmetics-
line.html&psig=AOvVaw3MdF6pWvoN4AaJrssKAxbV&ust=1594739701556000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF
woTCPDglvHCyuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.msn.com%2Fen-
ph%2Fentertainment%2Fcelebrity%2Fangel-locsin-gets-furious-over-a-netizens-comment%2Far-
BB12wgfE&psig=AOvVaw1T3DIZh3644Z0coWHFAUAf&ust=1594740006894000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx
qFwoTCOj3-_rEyuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.forbes.com%2Fsites%2Fmfonobongnsehe%2F2013%2F1
2%2F06%2F20-inspirational-quotes-from-nelson-
mandela%2F&psig=AOvVaw1oBZJlY7nyWIBxrsiUh7Oh&ust=1594740242100000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx
qFwoTCODTnMbEyuoCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FAngelina_Jolie&psig=AOvVaw3de
TlNbRHBvtZOyPc8hLey&ust=1594741012160000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOimx7jHyuoCFQAAAAA
dAAAAABAD

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

You might also like