You are on page 1of 15

PAGSULAT

NG BIONOTE
Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga
impormasyon ukol sa isang indibidwal upang
maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.
Isinasaalang-alang din ng bionote ang mga nakamit
at pinag-mulan ng ipinapakilalang indibidwal.
Dapat tandaan na maituturing na volatile ang
sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang
mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon
sa isang indibiwal.
Sa pagtatalakay ng
http//www.theundercoverrecriuter.com sa mga
dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang sa
mapaggamitan nito ang sumusunod:

• aplikasyon sa trabaho;
• paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;
• pagsasalita sa mga pagtitipon; at
• pagpapalwak ng network propesyonal
Samantala, rekwayrment naman ang isang
bionote kapag ililimbag ang artikulo, aklat, blog,
o iba pang sinulat ng isang indibidwal. Ang
pablisher ay humihingi personal na bionote mula
sa may akda ng sulatin. Kung ikaw ay may akda
na susulatin, maaari mo ipasulat ang bionote o
ikaw mismo ang gumawa nito.
Ang kalamangan lamang ng pagsulat ng sariling
bionote, kung mayroon ka namang kakayahang
gawin ito, ay ikaw mismo ang lubos na
nakakakilala sa iyong sarili. Kadalasan, kasama
talaga sa paglilimbag ng bionote ng may- akda
upang mas maipakilala sila sa mga tagabasa.
Dahil malawak ang nararating ng mga limbag
na sulatin, mahalagang mahusay amg
pagkakasulat ng bionote ng may akda nito,
sapagkat isa rin itong promosyon para sa
kanyang propesyon.
Gayon din, hinihingian ang isang tagapagsalita
o panauhin sa isang pagtitipon ng kanyang
bionote. Minsan, hinihingi lamang ang
curriculum vitae o resume ng panauhin at mula
rito ay isinusulat ang bionote na babasahin para
siya ay ipakilala.
Pang-huli, magagamit ito sa pagpapalawak ng
network-propesyonal. Kapag ikaw ay
humihiling ng membership o subskripsyon sa
isang organisasyon o network, lalo na’t
papmpropesyonal ito, hinihingian ka ng iyong
bionote
Mahalaga ito upang magkaroon ng akmang
network sa mga taong kabilang sa iyong
propesyon, o sa mga taong may katulad na linya
o interes ng sa iyo. Naipapakita rin ng iyong
personal na bionote ang iyong kakayahan at
personalidad, kung kaya’t nagiging repleksyon
ito ng iyong pagkatao. Dahil dito, dapat
matutunan ang maayos na preparasyon ng
sulating ito.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE
• Balangkas sa pagsulat

Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang


prayoritisasyon ng mga impormasyong
isasama sa bionote. Bagamat mahalaga ang
lahat ng detalyeng iyong isasama, maging
estratehiko sa paglalagay sa mga
impormasyong ito.
Ano ang aking uunahin o ihuhuhli? Alin sa
mga impormasyon ang kailangang bigyan ng
higit na elaborasyon? Makakatulong ang mga
tanong na ito, upang maging mahusay ang
daloy at maging higit na komunikatibo ang
iyong bionote.
Haba ng Bionote

Kadalasang maikli lamang ang bionote.


Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong
talata, subalit depende sa pangangailangan,
nagbabago ang haba ng isang bionote.
Ayon kay Brogan (2014), isang kilalang social
media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa
haba nito: micro-Bionote, maikling bionote, at
mahabang bionote.

You might also like