You are on page 1of 29

Magandang

Buhay!
Humanap ng kapareha at itala ang mga
impormasyong kailangang makuha para sa
Speed Dating Strategy:
● pangalan
● talento
● mga nakamit
● sa anong asignatura mahusay
● sa anong asignatura kailangang tumutok
Tanong:
1. Mula sa nakuha mong impormasyon, mas nakilala
mo ba ang iyong kamag-aral? Ipaliwanag ang
kagandahang dulot ng pakikipanayam.

2. Alin sa kanilang mga sagot ang nakapukaw ng


iyong atensiyon?

3. Mayroon ka bang bagong natuklasan tungkol sa


iyong mga kaklase?

4. Gaano kahalaga ang ganitong gawain upang


makilala ang isang tao? Ipaliwanag.
Layunin:

1. natutukoy ang kahulugan ng bionote;


2. naipaliliwanag ang layunin at gamit ng pagbuo ng bionote;
at
3. nakabubuo ng sariling bionote.
Etimolohiya ng bionote
Ang bionote ay pinaikling anyo ng mga salitang
biographical note. Nakasulat ito sa ikatlong panauhan.
Maaaring nakapaloob ito sa mga aklat, journal article,
o maging sa pagtatanghal
sa mga kumperensiya ng mga manunulat (Thomson,
2018).
Ano ang kahulugan ng bionote?
Ang bionote ay isang anyo ng sulating nagpapakilala
sa isang tao. Madalas, ito ay nasa likod ng pabalat ng
aklat na nagpapakilala sa isang manunulat. Gayundin,
ito ay sa huling bahagi ng isang pag-aaral o papel-
pananaliksik.
Matatagpuan sa bionote ang sumusunod:
● personal na impormasyon tungkol sa manunulat;
● kaligirang pang-edukasyon; at
● ambag sa larangang kinabibilangan

Kalakip ng bionote ang larawan ng manunulat o ng


mananaliksik.
Ano ang nilalaman ng bionote?
Narito ang ilan sa mga dapat lamanin ng bionote:
● pangalan ng may-akda
● pangunahing trabaho
● edukasyong natamo
● akademikong parangal
● iba pang trabaho
● organisasyong kinabibilangan
● tungkulin sa komunidad
● mga proyektong ginagawa
Tanong:

• May pagkakaiba ba ang bionote


at talambuhay?
Ang pagsulat ng bionote ay kaiba sa pagsulat ng
talambuhay. Bagaman pareho itong naglalahad ng
impormasyon tungkol sa indibidwal, kadalasan ang
talambuhay ay mas mahaba at detalyado ang
nilalaman kaysa sa bionote.
Ano ang layunin at gamit ng bionote?

Layunin nito na maipakilala ang manunulat at


mananaliksik sa mga mambabasa at upang magkaroon
din sila ng pahapyaw na ideya sa pinagmulang
pananaw, paniniwala, o kaalaman ng manunulat.
Ayon kay Pat Thompson (2018), maituturing ang
bionote bilang:

• serbisyo para sa mga mambabasa sapagkat


nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
mambabasa ang pinanggagalingan ng mga ideya,
impormasyon, o pananaw ng manunulat.
Ayon kay Pat Thompson (2018), maituturing ang
bionote bilang:

• serbisyo sa mga publikasyon o palimbagan. Hindi


lamang ang manunulat at mananaliksik ang
nakapagpapakilala ng kaniyang sarili ngunit maging
ang institusyong naglimbag ng akda o pag-aaral ng
manunulat.
Tanong?
WORD ASSOCIATION TEST

Panuto: Mag-isip ng isang salita na


may kaugnayan sa naging talakayan at
ipaliwanag ito sa klase.
1. Ano ang bionote?

2. Ano ang layunin sa pagsulat ng bionote?

3. Gaano kahalaga ang paglalagay ng mga piling


impormasyon lamang sa bionote upang
masunod ang katangian nito na dapat ay maikli
lamang?

4. Bakit kailangang lagyan ng bionote ang mga


inililimbag na aklat at jornal? Ipaliwanag.

5. Talakayin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


bionote sa talambuhay.
Gawain 1
Panuto: Bumuo ng sariling bionote gamit ang
sumusunod na impormasyon:
a. pangalan
b. edukasyong natamo
c. mga parangal na natamo
d. natatanging kakayahan
Pamantayan:

Nilalaman – 20
Wika – 10
Mekaniks – 10
Pagiging maagap - 10
Kabuoan - 50 puntos
Ang pagsulat ng isang sintesis ay hindi lamang pagpuputol-putol ng
mga pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay.
Kinakailangang pag-aralang mabuti kung alin ang mga
pinakaimportanteng bahagi na dapat pagsamahin. Matagumpay na
naipahahayag at naipapasa ang mga impormasyon at detalye sa
sintesis kahit hindi ito kasinghaba ng orihinal na teksto.
Ano-ano ang layunin at gamit ng sintesis?

1. Paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga


pinaghanguan o sanggunian.
2. Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng akda ayon sa
maayos na pagkakasunod-sunod nito.
3. Mapagtibay ang nilalaman ng akda o teksto at mapalalim ang
pang-unawa ng mga mambabasa kaugnay nito.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga
katanungan sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng sagot na tumutugon sa inyong
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian
ng bionote?
A. Ito ay isang sulating may layuning manghikayat sa mga
mambabasa.
B. Ito ay detalyadong pagpapakilala sa manunulat ng mga
karanasan simula sa pagkabata.
C. Ito ay maikli at komprehensibong pagpapakilala sa manunulat
at mananaliksik.
D. Ito ay lagom ng isang akademikong papel o pag-aaral.
2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng bionote?
A. suliraning pinagdaanan
B. edukasyong natamo
C. mga kontribusyon
D. organisasyong kinabibilangan
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsulat
ng bionote?
A. Paggamit ng manunulat upang maibenta ang aklat o journal
B. Maipakilala ang kakayahan ng manunulat sa isinulat o obra
C. Pagpapakilala ng kredibildad ng isang palimbagan
D. Maging maganda ang pabalat na anyo ng isang aklat at journal
4. Paano mapahuhusay ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?

A. Magbasa ng maraming aklat at ibang babasahin.


B. Ilagay sa bionote ang impormasyon tungkol sa libangan ng
manunulat.
C. Humingi ng tulong sa guro sa pagbuo ng bionote.
D. Mag-ensayo at gawing simple ang nilalaman ng bionote.
5. Alin sa sumusunod na layunin sa pagsulat ng bionote ang dapat
higit na isaalang-alang ng manunulat at mananaliksik?

A. bilang serbisyo sa mga mambabasa


B. maipakilala ang sarili
C. matapos sa takdang oras
D. bilang serbisyo sa mga publikasyon
Tanong?

You might also like