You are on page 1of 36

Gumuhit ng isang bagay na

sumisimbolo o maihahalintulad sa iyong


sarili. Ipaliwanag ang simbolong iginuhit.
• Bakit ito ang napili mong simbolo sa
iyong sarili?
• Sapat ba na makabuo ka ng isang
talambuhay ng ibang tao gamit lamang
ang basic information niya? Ipaliwanag.
• Ano-ano ang mga sangkap upang
makabuo ng talambuhay ng isang tao?
LARAHULA:
Gamit ang mga larawan,
tukuyin ang salitang
mabubuo sa tulong ng mga
titik sa loob ng kahon.
LAYUNIN:
• Natutukoy ang katuturan ng bionote;
• Nakasusulat ng halimbawa ng
bionote; at
• Napapahalagahan ang pagsulat ng
bionote sa pamamagitan ng pagsunod
sa hakbang.
GAWAIN:
Buuin sa isang talata ayon
sa pagkakasunod-sunod ang
mahahalagang tala ng isang
manunulat ng aklat na
“Filipino sa Piling Larang
(Akademik).
 Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, wika at
araling Filipino.
 Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang
pamatasan at institusyong pangkultura.
 Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the
Philippines -Diliman.
 Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
 Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at
Antolohiya (1999), at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon
at Ambagan: Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa
proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.
Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik,
manunulat at tagasalin. Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa
larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -Diliman. Dito
rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, wika at
araling Filipino. Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong
journal sa iba’t ibang pamatasan at institusyong pangkultura.
Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan
at Antolohiya (1999), at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga
Salita ng Taon at Ambagan: Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa
Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa
BIONOTE
Ang Bionote ay
maituturing ding isang uri
ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng personal profile
ng isang tao.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa
kanilang aklat na Academic Writing for
Health Sciences, ang bionote ay tala sa
buhay ng isang tao na naglalaman ngbuod
ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa samga journal, aklat,
abstrak ng mga sulating papel, websites, at
iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit
sa paggawa ng bio-data, resume,
o anumang kagaya ng mga ito
upang ipakilala ang sarili para sa
isang propesyonal na layunin.
Ito rin ang madalas na
mababasa sa bahaging
“Tungkol sa Iyong Sarili” na
makikita sa mga social
network o digital
communication sites.
KATANGIAN
NG BIONOTE
1. Maikli
ang
nilalaman
2. Gumagamit ng
ikatlong
panauhang
3. Kinikilala ang
mga mambabasa o
ang target market.
4. Gumagamit ito
ng baligtad na
tatsulok.
5. Nakatuon lamang
sa mga angkop na
kasanayan o
Halimbawa:
“Si Pedro ay guro, manunulat,
negosyante, environmentalist at chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa
panitikan, halimbawa hindi na kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging
negosyante at chef.
6. Binabanggit ang
degree o tinapos
kung kinakailangan .
Kung may PhD halimbawa
at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa
pagbabahagi ng
impormasyon.
Mga Dapat tandaan sa
Pagsulat ng Bionote
1. Sikaping maisulat lamang ito nang
maikli. Kung ito ay gagamitin saresume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito naman ay gagamitin para
sa networking site, sikaping maisulat ito
sa loob ng lima (5) hanggang anim (6)
na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga
personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng
mga detalye tungkol sa iyong mga interes.
Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami,
piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3)
na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang
ikatlong panauhan upang
maging litaw na obhetibo
ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang
pagkakasulat nito. Gumamit ng
mga payak na salita upang madali
itong maunawaan at makamit ang
totoong layunin nitong maipakilala
ang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting
pagpapatawa para higit na maging
kawili-wili ito sa mga babasa,
gayunman iwasang maging labis sa
paggamit nito. Tandaan na ito ang
mismong maglalarawan kung ano at
sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat
ang pinal na sipi ng iyong
bionote. Maaring ipabasa muna ito
sa iba bago tuluyan itong gamitin
upang matiyakang katumpakan at
kaayusan nito.
PANGKATANG GAWAIN:
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat, sa bawat
bahagi ng silid itatalaga ang mga sumusunod na
manunulat at gagawan ito ng bionote. Kailangang
maisulat ito gamit ang 200 salita.
Pangkat 1 – Nick Joaquin
Pangkat 2 – Bienvenido Lumbera
Pangkat 3 – Lope K. Santos
Pangkat 4 – Francisco Balagtas
Kung ihahalintulad ang
isang uri ng paglalagom
kagaya ng bionote sa iba pang
asignatura ano ang
kahalagahan nito?
Bilang isang mag-aaral ng
SHS, bakit kailangang pag-
aralan ang isang uri ng
paglalagom kagaya ng
bionote?
Indibidwal na Gawain:
Sumulat ng iyong sariling
bionote. Sundin ang wastong
pamamaraan sa pagsulat nito.
Gawin ito sa isang buong papel.
RUBRIKS
Kompleto ang detalye.
Malinaw ang nilalaman at may maayos na pagkakasunod-sunod. 20
Gumamit ng wastong bantas.
May sapat na detalye.
Bahagyang malinaw ang nilalaman at may maayos na
18
pagkakasunod-sunod.
Gumamit ng wastong bantas.
Kulang sa detalye
Di gaanong malinaw ang nilalaman 15
Gumamit ng wastong bantas
Hindi ganap ang paglalahad ng detalye
Hindi malinaw ang nilalaman 14
Hindi wasto ang bantas na ginamit
Takdang Aralin:
Kapanayamin/interbyuhin mo ang isa sa iyong
mga guro sa Senior High School tungkol sa kanyang
Bionote. Maghanda ng mga makabuluhang tanong na
may kaugnayan sa kanyang propesyon bilang guro.
Sundin ang mga pamantayan sa wastong
pakikipanayam at sa wastong pagsulat ng bionote.
Gawin ito sa A4 na bond paper at sikaping lakipan ito
ng larawan ng kinakapanayam.

You might also like