You are on page 1of 28

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL

Aralin 4:
BIONOTE
Pagsulat ng Sulating
Akademiko:

Bionote
2
Bionote
➢Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng personal profile ng isang tao. Para din itong
talambuhay ngunit higit na mas maikli ang bionote at
mas detalyado naman ang talambuhay.
➢Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod
ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, websites at iba pa 3

(Duenas at Sanz).
Bionote
➢Ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o
anumang kagaya nito upang ipakilala ang sarili para sa
isang propesyunal na layunin.

➢Maaari itong maging pormal o impormal ayon sa


layunin o pangangailangan ng manunulat.
4
Mga Dapat Tandaan
sa Pagsulat ng
Bionote

5
Gawing maikli ang isusulat na bionote. Bubuuin
lamang ito ng 200 na salita kapag gagamitin sa
resume at 5-6 na pangungusap naman kung ito
ay gagamitin sa networking site.
6
Simulan ito sa pagbanggit ng mga personal na
detalye tungkol sa iyong buhay. Itala ang mga
interes, tagumpay na nakamit ngunit pumili
lamang ng 2 o 3 na pinakamahalaga.

7
Gumamit ng ikatlong panauhan upang maging
obhetibo ang pagkakasulat ng bionote.

8
Gawing simple ang pagkakasulat ng
bionote. Gumamit ng mga payak na salita
upang madali itong maintindihan ng mga
mambabasa at makamit ang pinakalayunin
nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa
maikli at tuwirang paraan.
9
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote

10
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote
1. Tiyakin ang layunin sa pagsulat ng bionote
sapagkat ito ang magsisilbi mong gabay kung
anong mga impormasyon ang dapat na isama.

2. Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote


sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga 11

organisasyong humihingi nito.


Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote
3. Simulan ito sa pangalan sapagkat kapag
pangalan ang unang nakita sa bionote ay kaagad
ay mayroong katauhan ang taong ipinakikilala, at
unang mairerehistro sa kamalayan ng mga
mambabasa ang pangalan ng ipinakilala.
12
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote
4. Ilahad ang propesyong kinabibilangan upang
maitaas mo ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng
mga tao.

5. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay na


may kinalaman sa target na mga awdiyens o 13

audience.
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote
6. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye dahil
mahalaga na may element of surprise upang
mapukaw ang interes ng mga mambabasa.

7. Isama ang contact information (e-mail, social


media account, at numero ng telepono sa 14

trabaho o personal na numero).


Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Bionote

8. Basahing muli at suriin ang ginawang bionote.

9. Isulat ang pinal na sipi nito. Maaaring ipabasa


muna ito bago gamitin upang matiyak na
maayos at wasto ang mga impormasyong 15

nakapaloob sa ginawang bionote.


Ang bionote katulad lamang ng biography ng
isang tao ngunit nakapokus lamang ito sa
academic career ng isang awtor. Nakalagay ang
mga impormasyon na nakatuon sa manunulat 16

na may kaugnayan sa kaniyang aklat.


Nagsisilbi rin itong market value dahil nakasalalay
ang kredibilidad nito sa kaniyang aklat. Halimbawa,
ikaw ay isang awtor ng aklat ng asignaturang
Calculus, dapat bang nakalagay sa iyong bionote ay 17

mga impormasyon na tungkol sa Araling


Panlipunan?
Hindi tatangkilin ng mambabasa ang
ganoong aklat dahil nagpapakita ito ng
kawalan ng kredibilidad ng kaniyang
isinusulat. Dahil dito nakasalalay ang 18

pagkatao ng isang awtor.


PAGYAMANIN

Bionote ni
Bienvenido Lumbera
Isinulat ni Rommel Rodriguez 19
Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si
Bienvenido Lumbera ay ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa Lipa,
Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at
sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din siya sa Osaka
University at University of Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t
ibang unibersidad sa bansa.
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng
sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga panandang-
taon na antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales
of the Manuvu, Nasa Puso ang Amerika at Hibik at Himagsik nina
Victoria Laktaw. Pinarangalan siya 14 bilang Pambansang Alagad ng
20
Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay
Awards para sa Pamamahayag.
Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang
halaga at ugnayan ng kanyang pagiging iskolar, guro at artista sa
lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng
pagtatayo ng mga organisasyong nagtataguyod ng pambansang
demokrasya. Bukod sa pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman,
siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned Artists of the
Philippines at Congress of Teachers/ Educators for Nationalism and
Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng
21
Alliance of Concerned Teachers, Philippines na nangangalaga naman
sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas.
Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga
pambansang kilos protesta. Patuloy siyang nakikibahagi sa
pagsulong ng makatuwirang sahod at karapatan ng mga
manggagawa. Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay at
himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga
karanasan noong batas military ang mga obrang tula at awitin.
Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si Bien na ang sining ay
marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at 22

pinagsasamantalahan, habang ito rin ay mabisang paraan upang


himukin ang mamamayan na makiisa tungo sa paglaya ng bayan.
Nakapaloob ang ilang aklat na
naisulat ng ipinapakilalang tao.
23
Nakalagay rin ang organisasyong 24

napapabilangan.
Magkaugnay ba ang
bionote sa aklat ng
manunulat?

25
Bionote ng manunulat na ipinakita ay agad na dumiretso sa
mga nakamit niyang mga parangal na may kaugnayan sa
pagsulat ng panitikan. Kasunod ay mga ilan pang mga
nagawa na may kaugnayan sa pagsusulat. Naidagdag rin na 26

nagging tagapangasiwa/ tagapagsalita sa iba’t ibang


pagsasanay o workshop.
Si Galileo S. Zafra ay isang propesor,
mananaliksik, at tagasalin. Nagtapos siya ng
kaniyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng
Pilipinas sa Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas sa University of the Philippines-
Diliman. Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng
mga kurso sa panitikan, wika at araling Filipino.
Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng
Balagtasan:Kasaysayan at Antolohiya (1999) at
nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Salita ng Taon
at Ambagan: Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa
Filipinas na kapuwa proyekto ng Filipinas Institute
of Translation at UP Press. Aktibo rin siyang 27

contributor sa mga akademikong journal sa iba’t


ibang Pamantasan at institusyong pangkultura.
PAGSUSURI
1. Sinimulan sa pagpapakilala sa awtor
at ang kaniyang kasalukuyang trabaho
o ginagawa.

2. Sunod ay ang pinakamataas na


natapos sa pag-aaral at paaralang
pinag-aralan.

3. Kasalukuyan o dating 4. Mga ibang aklat na naisulat


pinagtatrabahuan. o nailathala.
28
5. Mga organisasyong
sinalihan at katungkulan.

You might also like