You are on page 1of 22

Ang Paksa at

Pamagat
Pampananaliksik
Kabanata V
Blasco, Sigrid Reign
Esmeralda, Joaqui
Lado, Elaiza Lauren
Romero, Trinity Krizza
Talaan ng Nilalaman

01 Ang Paksang Pampananaliksik

02 Mga Hanguan ng Paksa


~ Bb. Blasco

03 Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


~ Bb. Lado

04 Paglimita ng Paksa
~ Bb. Romero

05 Ang Pamagat Pampananaliksik


~ G. Esmeralda
01
Ang Paksang
Pampananaliksik
Ang Paksang Pampananaliksik

Sa usapang akademya, ang pananaliksik ay isang


mahalagang gawain na hindi maiwasan ng mga
mag-aaral. Karaniwan na ang pagpagawa ng mga
panahong papel sa iba’t ibang subject bilang isa sa
pangangailangang akademik.

Halimbawa: Tisis paper


Kahalagahan ng Pananaliksik
● Nagpapayaman ng kaisipan - Ang kaisipan natin ay lumalawak tuwing tayo ay
nagbabasa o gumagawa ng ating pananaliksik dahil sa walang humapay ng
pagbasa, nag-iisip, nanunuri ng mga datos at naglalahad o naglalapat ng mga
interpretasyon.
● Lumalawak ang karanasan - Dahil sa walang humpay ng paghahanap ng mga
sagot lumalawak din ang eksperyensya ng mananaliksik.
● Nalilinang ang tiwala sa sarili - tumaas ang respeto at tiwala sa sarili ng isang
mananaliksik kung maayos at matagumpay niyang naisakatuparan ang kanyang
pag-aaral.
● Nadaragdagan ang kaalaman - ang pananaliksik ay maituturing natin isang
bagong kaalaman sa kaninuman dahil dito nahuhubog ang ating kamalayan sa
larangan ng pananaliksik.
02
Mga Hanguan
ng Paksa
Hanguan ng Paksa

1. SARILI

Maaaring humango ng paksa mula sa sariling karanasan, nabasa, narinig


o natutunan.

2. DYARYO AT MAGAZINE

Maaaring hanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga


pamukhang pahina ng dyaryo o magasin.
Hanguan ng Paksa

3. RADYO AT TV

Maraming uri ng programa sa radyo at TV ang mapagkukunan ng paksa.

4. KAIBIGAN AT GURO

Sa pamamagitan ng pagtatanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng


ideya na mapaghahanguan ng paksang pampanaliksik.
Hanguan ng Paksa

5. INTERNET

Isa sa pinakamadali, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap


ng paksa.

6. AKLATAN

Tradisyunal na hanguan.
Matatagpuan ang iba’t-ibang paksang nauugnay ano mang larangan ng
akademya.
03
Mga
Konsiderasyon sa
Pagpili ng Paksa
Interes ng Mananaliksik
Magiging madali para sa isang mananaliksik ang
pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naayon
sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangan pilitin
pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay
nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
Kabuluhan ng Paksa
Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang
kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala
ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang
hindi lamang napapanahon, kundi maari ring pakinabangan
ng mananaliksik at iba pang tao.
Kakayahang Finansyal
Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga
paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung
titipirin ay maaring maisakripisyo ang kalidad ng
pananaliksik. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang
naaayon sa kakayahang finansyal ng mananalisik.
Limitasyon ng Panahon
Tandaan ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang.
Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang
limitasyong ito. May mga paksa na mangangailangan ng
mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang
maisakatuparan.
Kasapatan ng Datos
Kailangan may sapat nang literatura hinggil sa paksang
pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng
pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga
aveylabol na datos hinggil doon.
04
Paglimita ng
Paksa
Gabay na Tanong sa Paglilimita ng Paksa
● Paano maipapahayag ang paksa sa malinaw
at tiyak na paraan?
● Ano ang mahalagang aspekto ng paksa?
● Paano pag-uugnayin ang mga nakalahad na
aspekto at ideya?
Mga Salik na Makakapaglimita ng Paksa
1. Perspektibo
2. Panahon
3. Uri
4. Edad
5. Kasarian
6. Lugar
7. Pangkat o Grupo
05
Ang Pamagat
Pampananaliksik
Pagdisenyo ng Pamagat-Pampananaliksik

● Malinaw
● Tuwiran
● Tiyak

Ang mga sumusunod na salitang pangkaharian ay hindi maaaring


gamitin sa pag-gawa ng pamagat:
● Pantukoy
● Pananda
● Pang-ugnay
Halimbawa ng pamagat:

1. Paksa: Bullying
Pamagat: “Persepsiyon ng mga kabataang nakararanas ng bullying sa
hayskul patungkol sa mga nambubully.”

2. Paksa: Kapaligiran
Pamagat: “Ang sanhi at epekto ng pagtatapon ng basura sa kapaligiran
at paano ito malulutasan.
Maraming Salamat
Sa
Pakikinig

You might also like